"Buti pa kayo sasayaw. Magdudula kami eh." Naka-sad face na sabi ni Rain.



"Mabuti nga iyon eh. Anong kwento?"



"Hindi siya as in kwento. I a-act lang namin yung mga paniniwala sa school na ito. Like yung kapag 12 na ng umaga, ika-9 ng November, kung sino ang kasama mo, magiging kayo at destined talaga kayo para sa isa't-isa." Rain explained.



"Who's going to act the character of Nixie and Casper?" Nixie is the girl in the story and Casper is her beloved one. Maraming kwento kwento ang school na ito kaya marami ang naeexcite lalo na kapag foundation day. PSH.



"M-me and V-vance." Nakayuko niyang sabi. A wide smile formed through my mouth. As the same time, nakakapagtaka din yang tadhana na yan. Nilalapit kami sa mga taong kinaiinisan namin pero ganon talaga, wala kaming magagawa.



Magtatanong pa sana ako ng dumating si Yara na walang ekspresyon ang mukhang umupo sa tabi ni Rain. I feel and I know na hanggang ngayon, galit pa rin siya sa hindi ko pagsabi sa kanila. Haysss!



"Oh Liara, I thought sabay kayo ni Cleo pupunta dito? Where is she?" Tanong ni Rain. Minabuti ko nang manahimik para hindi na rin gaano magalit sa akin si Yara sana nga.



"She's in the hospital be-"

"Hospital?! What happened? Come on now!" Hindi ko na napigilan ang pag-alala. Kaibigan ko yun eh. Ano pa't may kaibigan pero hindi naman nagtutulungan besides, malaki ang natulong sa akin ni Cleo kaya kailangan ko iyon suklian.



Napatingin silang dalawa at natawa. Wait, natawa si Liara? Bati na ba kami? And bakit sila tumatawa?



"Tita Francesca is in the hospital. Nabalitaan mo naman siguro kay Clee na nagkasakit si Tita noong nakaraang araw diba? May check up ngayon si Tita and Cleo wants to be there para daw malaman niya ang totoo at baka itago pa daw ni Tita. " Pagpapaliwanag ni Rain na natatawa pa. Sa kwento niya palang hanga na agad ako kay Cleo. Sa US kasi nagwowork yung mom niya kaya kapag magkikita sila, si Cleo nalang yung pumupunta ng States. Ayaw niya kasing mommy niya pa ang mahirapan kaya gusto niyang siya nalang. Naalala ko nanaman tuloy si mom. Siguro kung hindi niya lang ako iniwan, ganyan din siguro kami.



"Tinatakasan mo ba kami sa mga itatanong namin Miss Campus Queen?" Mataray na sabi ni Yara. Oo, hindi ako takot sa ibang taong ginaganyan ako. Pero kapag kaibigan ko? I surrender.



"No I'm not. Bakit ko naman kayo tatakasan?" Sambit ko nang hindi parin tumitingin sa kanila.



"Then, answer our questions." Naka-crossed arms na sabi Yara. Tinignan ko si Rain na nananahimik lang sa gilid.



Kinuha ni Yara yung plastic bottle sa bag niya at pinaikot ito sa desk namin.

Tumapat kay Rain yung takip ng bote at tumapat naman kay Yara yung ibabang part nung bote. It means, magtatanong si Yara kay Rain.



"How are you?" What?! Yun na yung tanong niya?! Seriously?



"I'm fine." Maikling sagot ni Rain. Daya ah.



Pinaikot ni Rain yung bote at tumapat iyon sa akin at sa kanya.



"How's Keilyn? Did she already wake up?" Tanong sa akin ni Rain. Nabalitaan na kasi nila yung nangyari nung nakaraan. Yung pagdating at pagtaboy sa akin ni Tita pero hindi na nila yun ino-open dahil alam nilang ayoko na yun pag-usapan pa. Very thankful talaga ako na nagkaroon ako ng mga ganitong kaibigan.



"No, not yet but I think she's fine." Nandoon si Tita Lene kaya alam kong hinding-hindi niya pababayaan si Keilyn and I'm happy for Kei.



"I hope magising na siya." Nginitian ko lang si Rain bago pinaikot ang plastic bottle. Sana nga.



Nanlaki ang mata ko ng tumapat kay Liara yung bote at sa akin. Pero kanina ko pa ito napaghandaan kaya hindi na dapat ako kabahan.

"Why didn't you tell us? We promised each other na if ever magkagusto tayo sa isang tao, hindi natin ito ililihim sa isa't-isa right? So, why did you hide it? Don't you say, nahihiya ka saamin? My God, Fianna. We're more than friends and we treat each other like sisters. Then what's the reason of hiding it?"



"You're my friends and I trusted you with all my heart. Sorry hindi ko sinabi sa inyo ng maaga. M-me and Jaxon are just..."

"Just?" Nakataas kilay na tanong ni Liara.




"W-we're just p-pretending."

"What?!" Napatayo silang dalawa ng matapos kong sabihin iyon. Hindi na ako magtataka kung ganyan ang reaksyon nila.

"Pretending?! The hell Fia! What are you talking about?" Liara.

"You're pretending. So it means, pumayag ka? Isn't it?" Tanong naman ni Rain.

"Yes. I did."



"What do you think you're doing? Tell me, tinakot ka ba ni Jaxon?" Nakahawak sa braso kong sabi ni Rain.



"You're not the fearless and brave Fianna that we used to know." Sambit naman ni Yara.Yes I'm not the brave Fianna that you used to know anymore. Because I have now something to be scared of.

I'm not afraid to die. I'm afraid that when I'm gone, no one will ever remember me.



"He helped me the time that I'm sick. So, as the exchange, I helped him-"



"My God! Para yun lang? Thanked to him! I think that's enough. And bakit naman niya gustong magpanggap na kayo aber?"



I didn't answer. Yumuko lang ako ng itanong niya yun. Wala akong maisip! Ano ba naman! Brain! Makipag-cooperate ka naman oh!



"Yara, it's Fia's decision. And we can't change it anymore." Nginitian ako ni Rain ng sabihin niya iyon. Kinuwento ko ang lahat sa kanila. Kung sino yung babaeng kailangan naming pagselosin ni Jaxon which is Almira. Nagalit pa sila sa akin ng sabihin ko yun kasi daw baka madamay pa ako. But they're wrong. In the end, napapayag ko din sila sa desisyon ko.



Sa desisyon kong hindi sabihin sa kanila ang totoo. I think sapat na yung sinabi ko sa kanila. Pero hindi ko kailangan ikwento ang lahat. Mas lalo lang silang mag-aalala at ayokong isa ako sa mga pino-problema nila.



Sorry sa inyo. Sorry dahil hindi ko sinabi na may sakit ako. Don't worry, hindi ko na ito aalalahanin pa sa susunod. Mamimiss ko kayo.



In everything, thank you my dear best friends. Remember, that you are piece of a puzzle who made my life complete. I hope you all forgive me someday. I love you all more than my life.

VOTE.COMMENT.SHARE

Pretending I'm Yours #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon