~Chapter 4~

480 24 2
                                    

CHAPTER 4 : SECRET

"Bukas na ang practice natin Fia ah?" Paulit-ulit? Kanina pa ito paalala ng paalala sa akin ehh. Malamang, gusto niyang siguraduhin na dadating si Chase sa practice namin.

"Pupunta daw siya kaya wag ka na makulit diyan. Okay?" Ngumiti ako sa kanya at naglakad na palayo. Hindi ko na nakita pa ang reaksyon niya pero ang alam ko, nagba-blush siya sa mga oras na ito. HAHA! May tama na talaga siya kay Chase.

Nakasalubong ko si Keilyn na nakasimangot habang naglalakad. Ano kayang problema ng babaitang ito?

"Hey Kei!" Nagulat siya ng makita ako na nasa harapan niya. Bakit hindi niya ba ako napansin? Ganun nga siguro kalalim yung iniisip niya na pati dyosa, hindi niya napansin.

"F-fia. May problema ba?" Nauutal pa siya niyan ha? Ano kayang problema nito?

"May problema agad? Hindi ba pwedeng nakita lang kitang nakasimangot dito sa hallway?"Nakataas kilay kong sabi sa kanya.

"Sorry naman! Hindi naman ako nakasimangot ehh! Magpa-checkup ka nga at baka lumalabo na ang mata mo." Aba, lumalabo ang mata ko? Seriously?

"Wag mo ako lokohin Kei. I know you have a problem. Wanna talk?"

"Thank you Fia for being there lagi. I'm fine. Promise." Naglakad na siya palayo matapos sabihin iyon. Halata namang may problema siya ehh. Hindi pa aminin. Kung sikreto man iyon, mapagkakatiwalaan ako diyan. Magaling ako magtago ng sikreto. Kahit sa huling hininga ko, kaya ko yan itago.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko yung boy na binu-lly dati ni Jaxon. Ako lang ba ang nakakakita? Bakit parang ang gwapo niya? Namamalikmata lang ba ako? Oo nga shems. Gwapo talaga siya. Pero pang-nerd ang style niya. Hay ewan ko ba sayo, Fia. Pati nerd pinagi-interesan mo? No way! Tama nga si Keilyn kailangan ko ng magpa-checkup sa mata.

"Hey Miss Campus Queen! Nag-iisa ka ata ngayon? Nasaan na yung mga bff's mo? Iniwan ka? Kawawa ka naman." Ang kapal talaga ng lalaking ito kahit kailan. Kulang lang ata siguro ito sa pansin.

"Sorry Mr. Monterrozo . I don't have time to talk to a worthless person like you. Maybe, tomorrow free ako. Oops, I forgot, wala ka palang kwenta. bakit ako makikipag-usap sa iyo?" Nakangiti kong sabi. Kailangan kong ngumiti syempre para maasar siya. at hindi naman ako nabigo, namula na siya sa asar habang naka-kunot ang mga noo niya. Success!

"So, you think I'm a worthless person? What if I do this?" Unti-unti siyang lumalapit sa akin kaya napa-atras ako. Wala na akong maaatrasan dahil sa pader na nakaharang. Shete bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Wag ka kabahan Fia! Inaasar ka lang din niyan.

Tinulak ko siya ng malakas hanggang sa mapa-upo siya sa sahig. Mabuti lang iyan sa kanya.

"Ka-lalaki mong tao, ang landi-landi mo?" Nakataas kilay kong sabi sa kanya. Agad siyang tumayo at pinagpag ang pants niya na kala mo naman sobra kung nadumihan.

"Ako malandi? Hindi ko na kailangan maglandi kasi automatic namang may lumalapit sa akin para landiin ako. Like you." What? Like me?!

"What the hell are you talking about? Me? Eh ikaw nga diyan yung lapit ng lapit. Akala mo magnet. Hindi rin, kasi yung magnet pala useful eh ikaw? worthless." Naka-crossarms kong sabi sa kanya. Ang kapal kasi ng mukha ehh. Mas makapal pa ata mukha niya kesa sa libro ko.

"Kahit anong sabihin mo-" Anong problema nito? Natigil siya at napatingin sa likurang bahagi ko. Bigla siyang namula at napatitig nalang sa likuran ko. Ano bang meron? Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Almira na nakatayo malayo sa amin. If I'm not mistaken, siya yung ex ni Jaxon. Ano kayang nangyari sa kanila? Para kasing may galit sa mga mata ni Jaxon na hindi ko ma-explain na ewan. Teka nga, who cares? Paki ko sa kanila?

Pretending I'm Yours #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon