~Chapter 2~

616 31 2
                                    

CHAPTER 2 : HE'S BACK

"Mr. Montemayor." What?! Masyado na ata akong napre-occupied tinatawag na pala ang names namin at tinawag na siya.

"Present." Nakita ko siya sa harap- Wahhhhhhh! Nasa harapan ko siya naka-upo. Act normal Fianna.

"Yow bro!" Sabay tap ni Jaxon sa balikat ni Dave. Agad akong napaiwas ng tingin dahil nga doon sa nangyari sa Boracay. Ewan ko ba, nahihiya ako.

"Jax! We're classmates pala! Oh, we're classmates din pala Miss Campus Queen." Napalingon ako sa kanya at nakita siyang nakangisi. Eto na nga ba yung sinasabi ko ehh! Naaalala niya pa din yung sa Boracay. Pero infairness ang gwapo niya pala talaga.

Ngumiti lang ako sa kanya at tinarayan siya. Binalik ko kaagad ang atensyon ko kay Ma'am Velasquez na tinatawag isa-isa ang names namin.

"Ms. Imperial."

"Present."

Matapos tawagin ang names namin, sinabi naman saamin ni Ma'am ang mga rules and regulations ng school. Pinag-break niya agad kami matapos nun dahil nga first day.

"Let's go?" Pagyayaya sa akin ni Cleo. Tumayo agad ako at sinundan siya. Pumunta kami dito sa canteen kung saan lagi kaming nakatambay noon. Alam ng lahat na doon ang tambayan namin since 1st year kaya walang nagtatangka na kahit sino umupo doon sa pwesto namin.

Agad naming nakita sila Rain and Liara na nakikipag-away sa Dark Fire. Grupo nila Jaxon. Kinabibilangan iyon ng mga bad boy ng school na ito. Nakaupo sila sa pwesto namin. Ever since walang nangahas na umupo doon kahit na wala silang maupuan. Ang lakas ng loob nilang umupo sa upuan namin! Leche. Mapapaaway nanaman ata kami nito.

Agad kaming lumapit ni Cleo sa kinaroroonan nila Rain at Liara. Tumabi ang lahat ng mga tao bilang pagbibigay ng daan sa amin. Pumanta kami ni Cleo kayla Rain at Liara na nakatayo sa harap ng Dark Fire. Apat lang pala sila ngayon. Sampu kasi ang members ng Dark Fire. At lahat sila ay kilalang kilala. Sila Vance, Gabriel, Dave at syempre hindi mawawala yung leader nila, si Jaxon.

Tinignan ko muna sila ng masama bago ako magsalita pero naunahan ako ni Cleo.

"You four! Move!" Agad natawag ang pansin ng iba dahil sa sigaw ni Cleo

"Come down Clee. Wag mo sayangin yang boses mo para lang sa mga walang kwentang ito." Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko ganun din ang ibang mga estudyanteng nasa paligid namin. Wala pa kasing nangaahas na sabihan sila ng 'walang kwenta' eh bakit ba? Totoo naman ehh. Bwisit lang kasi umupo pa sila sa upuan namin. Nag-promise pa naman ako sa sarili ko na magbabagong buhay na ako.

"What did you call to us?" Tumayo si Gabriel at tinignan ako ng masama. Para sabihin ko sa kanya, hindi ako natatakot sa mga tingin niya. Tinignan ko din siya ng masama at agad naman siyang napaiwas ng tingin. I told you, walang makakatagal sa tingin ko. 

"Bingi lang? I said, MGA WALA KAYONG KWENTA." Diniinan ko talaga yung word nayan para iparamdam sa kanila ang totoo. Eh totoo naman kasi talaga na wala silang kwenta eh. Puro away at gulo lang ang alam nila. Ewan ko ba kung bakit napunta sa Section A sila Dave and Jaxon. 

"Owww." Sigaw ng mga taong nagkukumpulan sa likuran namin. Agad namang napatayo ang tatlo matapos kong sabihin iyon.

"Ang lakas ng loob mong sabihan kami ng walang kwenta ahh!" Sigaw ni Vance.

"Eh bakit tama lang si Fianna! Mga wala kayong kwenta!" Sigaw ni Rain.

Magsasalita pa sana si Vance ng pigilan siya ni Dave.

"Tama na yan Vance. Wala naman tayong makukuha sa pakikipag-away sa kanila." Good. Pagsabihan mo yan.

"How many times do I have to tell you, hindi naman kayo ang may-ari nitong upuan. Besides, my father is the owner of this school. Kaya sa akin itong upuan." Sambit ni Jaxon

Pretending I'm Yours #Wattys2017Where stories live. Discover now