~Chapter 16~

347 13 0
                                    

CHAPTER 16 : SORRY

"But Ma'am. I think it is good if we dance together." Suggest ng kaklase ko na agad namang tinanguan ng lahat.



"Sorry but my decision is final." Kainis naman oh! Ang dami pa kasing alam ng school na ito. Buset!



Tinawag na ni Ma'am Marina ang mga magkaka-partner. Marami ang umayaw pero wala kaming magagawa.



"Cleo Fortaleza and Jaxon Monterrozo." Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Ma'am. Seriously? Ni ayaw nga ni Cleo na lumapit sa kanila ehh. Paano pa kaya ngyon? HAHAHA!



Nakita ko naman si Jaxon na nakakunot noong nakatingin kay Ma'am.



Nagulat kaming lahat ng magtaas ng kamay si Jaxon at tumayo.



"I don't want to be the partner of Cleo." Lakas loob niyang sinabi. Bakit palagay mo ba, gusto ka maging partner ng kaibigan ko? No way!



"What's the matter Mr. Monterrozo?" Nakakibit balikat na sambit ni Miss Marina.



"Fianna is my girlfriend. Not Cleo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano naman ngayon? Baliw talaga! Ayan tuloy, nasa akin nanaman ang mata ng lahat.



"I don't care. I'm the teacher here. So you better sit down there and follow my decision." Mas lalo naming ikinagulat ng dalhin ni Jaxon ang bag niya at umalis sa room ng walang paalam. Bastos talaga ng lalaking ito. Pshh!



"Back to the topic." Parang wala lang nangyari ng sabihin iyon ni Miss Marina. Syempre. Lahat ng teacher palagay ko sanay na sa ugaling ganyan ni Jaxon.



"Fianna Imperial and Dave Montemayor" Yes! I mean, What?!



Lumingon sa akin si Dave mula sa unahan ko at ngumiti. Shems! Bakit ba ang gwapo niya ha? Ano ba!





(Bell Rang)

"Fianna?" Iminulat ko ang mata ko at nakita agad ang mukha ng pinakagwapong nilalang sa mundo. Wait, WHAT?!



"Yeah?" Napatayo ako ng mapansing wala nang tao kundi kami nalang dalawa.



"Thanks for awakening me. But I have to go." Kinuha ko ang bag ko at naglakad pero pinigilan niya ako dahilan para mapahinto ako.



"What?" Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga ganitong bagay. Always remember na, ang tingin ng lahat ay may boyfriend na ako.



"Samahan na kita? Saan-"



"No, It's okay. Kailangan ko pang makitapagkita sa mga kaibigan ko. See you nalang sa practice." Ngumiti ako atsaka tumalikod.



"Fianna." Napahinto ako ng magsalita siya.



"Can we have a dinner?" D-dinner?! Tama ba ang narinig ko? Hinarap ko siya para makasiguro. Nakakahiya naman kasi kung mali yung pagkakaring ko diba?



"Tomorrow night?"



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



"Kanina ka pa diyan nakatulala ah. May problema ba?" Naagaw ng pansin ko si Rain ng magsalita siya. Nandito kami sa tambayan namin. Wala pa sila Yara at Cleo kaya kami palang ni Rain ang nandito.



"Wala naman. Iniisip ko lang yung sayaw namin sa Friday." Nagsinungaling pa ako. Pucha. Naalala ko nanaman yung dinner na sinasabi ni Dave. Gusto ko man umo-oo, mas mabuti na yung ipagpaalam ko muna kay Jaxon. Ewan ko ba kung bakit ko sinabi kay Dave na ipapaalam ko muna kay Jaxon. As is namang papayagan ako ng fake boyfriend ko. Tsaka in the first place dapat pala umayaw na ako kasi ang alam niya, may boyfriend na ako. Ang tanga ko talaga.



Pretending I'm Yours #Wattys2017Where stories live. Discover now