~Chapter 9~

365 18 3
                                    

CHAPTER 9 : IN BETWEEN

Nandito kami ngayon sa unit ni Cleo. I'm very thankful talaga na pinatuloy niya ako dito pansamantala. Yup, pansamantala lang ako manunuluyan dito. Ayoko namang sinasamantala ang pagkakaibigan namin para lang magkaroon ng matutuluyan.

"Thank you Clee ha. Kung wala ka, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin." Natawa naman siya sa sinabi kong iyon.

"Ikaw pa! Love kaya kita!" Sabay yakap sa akin.

"Pero, hindi rin ako magtatagal dito. Ayoko maging pabiga-"

"Psh. Don't say that. Hindi ka naman naging pabigat kahit kailan eh. Never."This time, ako naman ang napatawa sa kanya.

"I'm serious Clee. Wala akong balak magtagal dito. Maghahanap lang ako ng matutuluyan then, aalis na ako." Pagpapaliwanag ko.

"Tss. Kung gusto mo dito ka na tumira ehh. It's fine with me."

"No Clee. No need. Makakahanap din naman ako ng matutuluyan. Don't worry, kapag nakahanap na ako, i'll treat you." Lumigaya naman ang buong mukha niya sa sinabi kong iyon.

"Promise ha?!" Para talaga itong isip bata. Naaalala ko nanaman tuloy si Keilyn.

"Promise." Matipid kong sabi. Gabi na din kaya napagpa-syahan namin na kumain muna sa labas. Kumain kami sa McDo total, malapit lang naman iyon doon sa unit ni Cleo. Pagkatapos kumain, nakatanggap ako ng maraming messages from Rain, Yara, Chase and Braey. Aba, ewan! Kaano ano ko ba yang Braey na yan at kung maka-text parang nanay ko.

Why don't you go to school?

May nangyari ba? Tell me.

Fianna?

Hay ewan! Na-iistress na ako. Gusto ko na magpahinga. Bukas ko na lang sasagutin yung mga tanong nila. Kailangan ko bang sagutin?

"See you tomorrow Fia!" Pagpapaalam ni Cleo. Sa kanila kasi siya umuuwi nahiya nga ako nung mag-offer siya ng matutuluyan ko ehh. No choice. 

"See you Clee! Thanks again!"Pinaandar niya na ang kotse at tuluyan ng umalis.

Ano ba yan! Walang magawa. Pumunta ako sa park malapit sa condominium. Gusto kong pagurin ang sarili ko para kapag matutulog na ako, bagsak. Pero parang nahihilo ako. Hayss naman oh! Kumikirot-kirot yung ulo ko. Ok lang yan, gusto ko muna ilibang yung sarili ko kahit sa pasyal pasyal lang.

BRAEY'S P.O.V

Hindi pa rin kami nagkaka-ayos ni JM dahil nga doon sa nangyari dati.  Hindi niya pa rin ako napapatawad. Mas kinampihan ko kasi dati si Chase. At mas pinaniwalaan ko siya noon. Sana magka-ayos na kami. JM ang tawag ko kay Jaxon, ayon kasi yung gusto niyang tinatawag ko sa kanya nung bata pa kami kaya, nasanay na ako hanggang ngayon.

Papunta kami ni JM sa condo para kunin yung mga alahas ni mommy . Meron kasi kaming gaganapin na Family Reunion bukas kaya ayon, napag-utusan. Kahit may mga katulong kami sa bahay, kami ang inutusan ni mommy para daw ayusin na namin ang gulo namin sa isa't-isa.

Nauuna siya sa akin maglakad. Malapit lang kasi yung condominium dito sa park kaya nilalakad nalang namin. Alam ko kahit hindi siya nagsasalita, may sama na loob pa rin siya sa akin.

Habang naglalakad kami, nakita ko si Fianna na naglalakad. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok kanina?

"Fianna!"

"Campus Queen!"

What?! Nagsabay pa talaga kami ni JM tumawag sa kanya. Alam ko naman na si Fianna ang tinutukoy niya dahil Campus Queen si Fianna sa school namin. Wrong timing. Nagkatinginan kami ni JM at nakakita ako ng walang emosyon sa kanyang mukha. Ang hirap talaga hulaan kung anong nararamdaman ng lalaking ito. Pero sa mga tingin niya, alam kong galit pa rin siya sa akin.

Pretending I'm Yours #Wattys2017Where stories live. Discover now