CHAPTER 41: Good Times

Începe de la început
                                    

"Ano? Ano'ng ginawa niyo dito ni Alleiea, ha? Nagbahay bahayan?!" Galit na tanong Valerie. Nagseselos nga siya.

Ngumisi ako, "Why are you asking? Nag seselos ka 'no?"

Bigla naman siyang parang tumiklop at umiwas ng tingin, "Huh?! Hindi ah... ano... ano kasi..."

"Yes?"

"Ano... Wala lang... Basta!" sambit ni Valerie.

Napangiti ako sa inaasal niya. Kahit 'di niya aminin halatang nag seselos siya. Nakakatuwa, ang cute niya.

Tinawanan ko siya sa ginagawa niya kaya't sinungitan niya ako.

"Anong nakakatawa?"

Ngumisi ako. "Ang cute mo e."

"E 'di wow! Hindi ako cute!" Sagot niya.

"Ayaw mo? E 'di wag. Joke na lang 'yon!" Sambit ko at tumawa ako.

"A gano'n?!" Sa inis ni Valerie, 'di niya sinasadyang sipain ako sa may bandang hita kung saan masakit pa ang pilay ko.

"Aargh!" Nawalan ako ng balanse at natumba ako kay Valerie. Hindi niya nagawang pigilan ang pagbagsak ko dahil 'di niya kinaya ang bigat ko.

Natumba din siya at napa-ibabaw ako sa kanya.

Naglapit ang mga mukha namin, nagkatitigan kami, at parehas kaming hindi makapagsalita.

Tumingin siya sa aking mga mata at tumingin siya sa aking mga labi. Gano'n din ang ginawa ko sinamahan pa ng hindi maipaliwanag na kaba at nanginginig na mga kamay.

Damang dama ko sa aking dibdib ang pagtibok ng puso niya. Mabilis ito at tila kinakabahan habang sumasabay naman ang sa akin.

Pumikit siya at pumikit din ako. Naramdaman ng mga labi ko ang hangin mula sa kanyang bibig. Napaka-init at tila nananabik.

Napahawak siya sa bewang ko. Unti unti kong nilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at nagdikit ang aming mga ilong.

Kinakabahan ako.

Bumibilis ang pag galaw ng mga dibdib namin. Ngunit...

Biglang tumunog ang doorbell kaya't sabay kaming napadilat.

"I ah.. I um.. I better check that," nahiya kong sambit.

Tumango naman si Valerie. Kaya pinilit kong tumayo kahit mahirap. Tumayo din siya ngunit hindi siya makatingin sa akin.

Napakamot ulo na lang ako. "Uhmm.. Ako na lang ang titingin sa labas."

Ngumiti si Valerie ngunit 'di pa rin siya makatingin sa akin. Tumango lang siya ulit kaya lumabas ako ng bahay at tinignan ko kung sino ang nasa gate ng bahay ko.

"Hello Sir! Pizza Delivery!" Pagbati ng pizza boy sa akin.

"Pizza?! Teka, baka wrong address ka? Hindi naman ako nag pa-deliver ng Pizza e," sagot ko.

"Sabi po kasi dito sir sa resibo, ito po 'yong address,"  ipinakita niya sa akin ang resibo.

Address ko nga!

"Valeng!! Nag order ka ba ng pizza?" Pagtawag ko kay Valerie.

Sumilip si Valerie sa pinto. "Oo Kier! Paki bayaran na lang a!"

Binayaran ko ang pizza boy at kinuha ang ipina-deliver ni Valerie.

"Sir, asawa mo 'yon? Ganda po. Swerte niyo!" Sambit ng pizza boy.

Ewan ko kung bakit, pero napangiti ako sa sinabi niya kaya binigyan ko siya ng tip.

Bumalik ako sa loob ng bahay dala ang pizza.

Until I'm Over You (Published under LIB)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum