“Kamusta na kayo ni Kuya, may improvement na ba?”

Pinahina nito ang boses na para bang isang napakalaking sekreto ang pag-uusapan nila. At hindi siya nito titigilan na umamin hanggat hindi ito satisfied sa sagot niya. 

Nagkibit-balikat siya. “These past few days, uhm, meron naman,” kiming sagot niya.

Kinikilig na napa-impit si Julie. “Ano? Hanggang saan kayo naka-abot ni Kuya? Masusundan na ba ang mga pamangkin ko?”

Eksaheradang pinanlakihan niya ito ng mata.

“Julie, grabe ang bibig mo!”

“Sus, kunwari ka pa. If I know, kahit noon pa pinagnanasaan mo na si Kuya kaya nga kayong nagkaroon ng kambal, e. At saka sissy, magkasama kayo sa iisang bahay, siyempre imposibleng walang ‘no touch’ na nangyari. Baka nga hindi lang touch ang nangyari, e.”

“Alam ba ni Lenard na ganyan ka ka-perv?”

“He doesn’t mind. He liked it pa nga, e.” Pilyang ngumiti ito.

“Ang tibay din ng sikmura ng fiance’ mong ‘yan, ha.”

“That’s love, sweetheart,” pagmamalaki nito. “So, ano na? You and Kuya, you know?”

“I didn’t know you were that interested in your brother’s sex life. Ano kayang gagawin ni Steven oras na malaman niya ‘yang pinaggagawa mo?

“Hindi ang sex life ng kapatid ko ang tinatanong ko. Ang love life niya... ninyo!”

Same old Julie Rachel Villarez, witty and bubbly. Mas makulit pa ito sa langaw kapag may gusto itong malaman. At siya ang minsang kawawang biktima sa kakulitan nito.

Alam nito noon pa man ang pagsintang purorot niya kay Steven, at minsan ito pa ang bumubuyo sa kanya na magpapansin sa kapatid nito na kulang na lang ay payuhan siya nito na pikutin na ang kapatid nito. Very supportive ito sa pakikibaka niya sa pag-ibig ni Steven. Kahit pa alam nito ang tungkol sa long time girlfriend ng kapatid.

Kaya medyo na-guilty siya nang ilihim dito nang magkaroon sila ng relasyon ni Steven.

Pareho nilang ginusto ni Steven na itago ang relasyon nila dahil sa mga taong konektado sa buhay nila, maging sa trabaho. Sa parte naman ni Steven, marahil dahil na rin sa nobya nito na kasalukuyang nasa ibang bansa ng panahong iyon.

May pinong kirot siyang naramdaman sa bahagi ng alaalang iyon.

She looked at Julie who seemed like a five year old kid as her eyes sparkled with excitement. She was adorable, hindi tulad ng kapatid nito na laging seryuso at matipid sa ngiti, bukod pa sa temper nito na mala-bulkan. But Steven was still a good man kaya nga niya minahal ito.  

Would she tell Julie what happened last week between her and Steven? Nah...

“I think we’re in good terms, na. Maayos na ang pakikitungo niya sa akin.”

“And?”

We kissed! mabilis na dugtong ng isip niya.  “No touch.”

“Ha?”

“No touch, you know. Magkasama lang kami sa bahay dahil sa kambal, nothing more.”

“Ay walang thrill, boo!”

Hmm, iyon pa kaya ang masasabi ng kaibigan kapag nalaman nito ang muntik nang maganap sa pagitan nila ni Steven sa kusina, specifically sa kitchen counter? That they almost had a steamy night.

“Parang kang sira.”

“Akitin mo na kaya para may mangyari nang excting.”

Faye raised one eyebrow. “Are we back to “Win the Heart of Steven Villarez, a.k.a, The Walking Temper”?

AFTER an AFFAIRWo Geschichten leben. Entdecke jetzt