chapter 2

184 4 0
                                    

Pero kahit na strikto yan ayos lang.mahal ko pa rin sya.Alam ko naman kung bakit sya ganun ka protekta sakin kasi mahal nya ako eh. And I thank God for that.

"Ang drama mo ma!" sabay hampas pero mahina lang naman sa balikat ni mama.

"O sya o sya. Itigil na itong kadramahan ko at maka alis na tayo.Magbihis ka na at aalis na tayo pagkatapos mong mag-ayos."

"Alright ma! Magbibihis na po ako."^_^

"Pa-alright alright ka pa dyan pwde namang K eh. Wait kita sa labas ah"

Tignan mo itong mama ko. Alright lang naman yung sinabi ko, sya naman pala itong nag ienglish eh. Wait daw.

-_-

Haaay.

Nagtataka ba kayo kung bakit sobrang malapit ako kay mama kaysa sa papa ko?

simple lang naman, namatay na ang papa ko sabi ni mama.Namatay daw sya sa sakit na Leukemia. Dahil sa ordinaryo lang naman kami,(ordinaryo kasi hindi kami mahirap hindi rin mayaman,Sakto lang) di na kinaya pang dalhin ni mama si papa sa ospital kasi sobrang layo nito sa aming lugar at sobrang malalala na daw talaga ito. Mga tatlong taong gulang ako noon nang mamatay si papa.

Nakakalungkot mang isipin na patay na si papa. Si mama na ang tumayong haligi at ilaw ng tahanan. Ginagawa nya ang lahat ng bagay kahit mahirap man iyon para sa kanya..

Minsan nga, nakita ko syang umiyak at tulala.

Kahit ayaw man nyang sabihin sakin ang rason e alam ko na. Alam kong nahihirapan na sya.

"Bakit kaya hinayaan ng Diyos na mag-isa ngayon si mama at kinuha na agad si papa." tanong yan sa aking isipan na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

"Una!! Naka ayos ka na ba?!"bigla na lang akong bumalik sa sarili nang maalala ko na aalis nga pala kami ni mama.

So 'yun na nga.Nakasuot ako ng fitted-jeans at t-shirt na may nakatatak na "THIS IS ME". Hindi naman daw kailangan ng bonggang pananamit kasi sa Syudad lang naman kami pupunta.

Pupunta daw kami sa Syudad para bumili ng mga ihahanda sa napaka espesyal na occassion at yun ay ang aking kaarawan.

Tama kayo! Mag-17 na ako bukas,

kaya dapat paghandaan.

Ngayon ay nag-aantay na kami ng jeep na masasakyan patungong Syudad.

Ito ang una kong pagkakataon na makapunta sa Syudad kaya halong saya at excitement ang aking nararamdaman.

"Ano kayang itsura ng paligid?

Masasaya't nakakawili din kaya ang mga tao sa lugar na iyon?

May mga parke kaya duon na pwdeng pasyalan?"

sunod-sunod na tanong ko kay mama dahil hindi ko talaga mawari ang aking mga nararamdaman sa sobrang saya.

Ngumiti na lamang si mama sa akin at itinuon ang mga mata sa labas ng jeep.

AUTHOR's NOTE:

Hi readers!! sa wakas tapos na rin ang part na ito. sorry po talaga kung naging super duper tagal ng pag update ko. sunod sunod po kasi ang exams namin. pero ngayon,medyo freeeee na me!!

Kaya, gora na!

ABANGAN ang next chaptie.

-Meet That Guy-

continue voting, commenting and be a fan!

LoveLetterNiMsAuthor,

Jemyie

^_^

This Poor PrincessWhere stories live. Discover now