Part 2

6 0 0
                                    

Naku naman Blue di ka tumitingin sa dinadaanan mo. ok lang kaya yung nakabanggaan ko? bakit naman kasi kung anong oras ng pasok ko dun pa lalabas yung resulta. sana ok lang sya.

"Sir Blue? magpapaturo po sana kami sa auditing ng deliveries sir."
tugon ng isa nyang subordinate sa trabaho.
"o,sige sige sandali lang ha? pupuntahan ko kayo. 5minutes lang" sagot nito dito.
Pumasok si Blue sa opisina nya at tiningnan ang resulta ng examination nya sa ospital. nabalot sya ng lungkot at napa iling.

Pinuntahan ni Blue ang deliveries at tinulungan ang mga kasamahan, masipag sa trabaho si Blue at ayon sa mga kasamahan ay isang mabait at maunawain na boss kaya lahat ng kasamahan nya sa trabaho magaan ang loob sa kanya kahit amboy sya at minsan ay nabubuhol parin ang dila pag nagtatagalog.

Nang matapos na nila ang audit ng deliveries ay umuwi na si Blue sakay sa kulay asul nyang Audi na bigay ng mama nya sa kanya, spoiled si Blue ng mga magulang nya dahil mabait ito at walang problemang tao,masunurin at palatawa at minsan pay hinaharana nya ang mama nya.

Kinabukasan ay bumalik si Blue sa ospital para makipagkita sa doctor nya at nang matapos ay umuwi na. Habang papunta sya sa Pharmacy ng ospital ay nakita at namukhaam nya ang isang pamilyar na babae. Nilapitan nya ito at tinanong "Miss? excuse me"
napalingon ang babae na tila gulat na gulat.
Maya maya ay nagsalita ito "uhmm..oo? yes? anong kailangan mo?" sagot nitong medyo nginig ang boses.
"ay, Miss ako yung nakabanggaan mo kahapon. ah Blue nga pala. Sorry ha? nagmamadali kasi ako. pasensya ka na sa akin. ok ka lang bah? masakit sayo? " mausisang tanong nito kay Alexa.

--ano ba to? Lord matutunaw na ako, haayy...ang gwapo nya.hoy! alexa compose yourself. kalma lang, magpakilala ka,go nah!--
Sa isipan ko parang nakakaba pero chance ko na to, inabot ko ang kamay ko sa kanya sabay pakilala "Hi! ako nga pala si Alexa Go...ay sorry.Alexa call me Alexa." naman oh full name ba bibigay mo gurl? ano to draw? contest? relax..wag pahalata. chill ka lang.

Inabot nya ang kamay ko,sabay sabing nice to meet you at biglang. "Hoy girl! mamaya ha? wag ka iindian okay? off ka bukas. uhmm sorry may kausap ka pala. hi pogi! sige na Lex mamaya. bubbye!"  nadaanan ako ng mga kasama ko sa nurse station at inaaya ako. nakita kong namula si Blue nung tinawag syang pogi ng kasamahan ko. ang gwapo nga naman nya. napatulala ako sa kanya ng "ah sige Alexa may pupuntahan pa ako eh, see you next time ha? at sorry uli" sabay lakad palabas ng exit door ng ospital.

Ang gwapo at ang bango at plus points kasi ang bait bait. sana magkita uli kami.

Kinagabihan ay pumasok na si Blue sa 2nd job nya o kayay libangan nya, di naman sa kailangan nya ng pera dahil mayaman naman sila mahilig lang syang kumanta at may puwang ng musika sa buhay nya.
"Blue? ikaw na sa 2nd set okay?" sabi ng restobar manager sa kanya.
"ah,okay sige Charles ako na sa second set. magbabasa naang muna ako" sabay upo sa tabi at surf sa internet para sa mga bagong kanta.

"Ano ba naman ito, ayaw ko sa mga bars...hahaii pero nangako kasi ako,nasan nasan na kaya ang mga yun?" tanong ko sa sarili ko sabay kuha ng cellphone ko at itinxt ko na agad sila. nang magreply ay sabing papunta na raw. makaupo na nga muna.

"good evening ladies and gents, ito po ang unang kanta ko ngayong gabi."
-give me love like her, cause lately i've been waken up alone....-

habang pinapakinggan ko ang kumakanta parang nahuhulog ako, ang ganda ng boses nya. natapos ang kanta napatayo ako ng sinabing "salamat sa kantang iyon Blue." hiyawan ang mga babae sa bar.

GitaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon