PROLOGUE: CUTS

12.6K 310 38
                                    

January 2016

Glaiza's POV

"You are my happiness. I can give up everything. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. And I'm absolutely sure na alam mong you're more than enough for me. You're the only one I'll ever want and need."

Yes, I know. And I feel the same way about you. Mga salitang dapat kong sabihin pero kahit ni isang tunog ay walang lumalabas mula sa aking bibig.

Ang lapit ng aming mga mukha. Nawawala ako sa kanyang mga titig na tila hinihigop ako palapit sakanya. Hindi na ako makapag-isip nang diretso. Nakakalimutan ko paano ang tamang paghinga at nabibingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

Kinuha niya ang aking mga kamay at hinawakan ito.

"Let's leave everything and everyone behind, escape this place, and finally be happy." malambing niyang pasusumamo.

Gusto ko siyang sagutin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat na dapat sabihin.. ang lahat ng nararamdaman ko. Ngunit paano? I can't think straight especially when we're this close.

"Please? I love you. I really really love you" puno ng pagmamahal na bigkas niya habang nakakulong ang aming mga mata sa isa't isa.

Mahal din kita.. mahal na mahal.

Unti-unting mas lumalapit ang mukha niya sa aking mukha. Naamoy ko na ang kanyang mabangong hininga. Alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin kaya nagpapaubayang, dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

Kahit ngayon lang. Ang alam ko lang ay masayang masaya ako ngayon dahil kasama ko siya.

Papalapit nang papalapit ang kanyang mapupulang labi na matagal ko nang nais muling mahagkan..

1..

2..

3..

"CCCCUUUUTTTT!" sigaw ni direk na gumising sa akin, pabalik sa riyalidad.

Eksena lang. Eksena nga lang pala lahat.

"Ano ba yan G! Nakalimutan mo na naman yung linya mo!"

Nalintekan na talaga ko. Galit na galit na si direk.

"Sorry po direk" nakayuko kong sambit.

Palpak na naman. Ano ba kasing ginagawa ko? At ano na naman ba ang ginagawa ng babaeng ito sa akin?

"Haynako! Take 11 na tayo oh! Laging 1 take ka naman sa ibang eksena ah.. pero anyare sa'yo? Kung di ka natitigalan, nakayuko ka, kung di ka nabubulol eh nakakalimutan mo naman sabihin ang mga linya mo. Ganon ka ba ka apek.."

"Ah Direk.. mas mabuti siguro kung doon na kayo sa tent mag-usap" Pagpigil ni Miss Suzi sa sasabihin sana ni Direk Cathy.

Hindi ako maka-imik kasi totoo nga naman ang mga sinasabi ni direk.

At higit sa lahat, tama siya.. malakas pa rin ang epekto ng babaeng katabi ko. At mula noon hanggang ngayon ay hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"She's sick." biglang sabat ni Rhian, ang katambal ko sa pelikulang ito, isang pelikula tungkol sa pag-iibigan ng dalawang babae.

Napatingin ako sa kanya.

Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Wala naman akong sakit ah. Tila tanong ko sakanya gamit ang aking mga mata na hindi naman nya tinuonan ng pansin.

"Yeah.. That's it. She's just not feeling well. Maybe she needs a break or something" dagdag niya pa.

Pinagtatakpan mo ko? Halos lumaki na ang mga mata ko pero di niya pa rin ako pinapansin.

Breaking Her Rules (RaStro Fanfic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon