Nakatayo lamang si Lilith doon na hindi man lang gumagalaw.

Biglang namang may naghagis ng blazer sa kanya. Lumingon ako kay Andy na nakatayo na pala sa likod namin.

"Mga gago talaga kayo." Sabi niya kala Amanda at sa grupo nito.

Lumapit si Andy kay Lilith at inayos ang inihagis niyang blazer. Gamit ang blazer niya ay pinunasan niya si Lilith. Pagkatapos ay yumuko si Andy upang kuhanin ang mga nahulog na gamit. Inabot ni Andy ang mga ito sa kawawang si Lilith at umalis na siya palayo.

"Boo!" Hiyaw nilang lahat dahil sa nakita nilang pagtulong sa babaeng binu-bully nila. Tinignan ko ang paligid at nakita kong nagsilapitan na rin ang ibang estudyante at nagtatawanan pa rin. Hindi ko sila maintindihan. Muli akong napatingin kay Lilith..

Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko dahil nakatingin sa akin nang ubod ng sama si Lilith na para bang isa ako sa mga kaaway niya. Medyo napapaatras ako dahil sa takot. Nagulat kaming lahat nang tumakbo si Lilith papunta sa akin at gigil na gigil na sinakal ako.

.A-Aray... h-hindi na ko m-makahinga. A-Ang mga kuko niya.. .sumusugat ito sa leeg ko.

Lumapit ang mga kaklase namin at tinulak siya palayo. Nakatitig lang kami sa kanya habang tumatawa siya nang malakas.

Sigaw nang sigaw si Rain habang pinagtatadyakan niya si Lilith. Pinigilan lang siya ni Nichole nang itaas ni Rain ang kamao niya para suntukin si Lilith.

"Tama na." Sabi ni Nichole.

"Ayos ka lang ba Denise?" lumapit sa akin si Summer, kasama niya si Ash. Mukhang kakarating lang din nila. Hindi ako makatingin kay Ash... bakit nga ba? "Anong nanyari?" tanong pa ulit ni Summer ngunit dahil sa gulat pa rin ako sa panyayari ay hindi ako nakasagot.

Sinamahan na ko nila Nichole at ni Summer papunta sa clinic. Sobrang higpit talaga ng pagkasakal niya sa akin. Nakahawak ako sa leeg ko na may mga sugat at lubhang namumula.

"Aray!" Sigaw ko habang ginagamot ng nurse ang mga sugat ko sa leeg dahil sa kuko ni Lilith. Napakatulis ng mga ito. Maiyak iyak ako nga kanina sa sakit. Pakiramdam ko kung hindi naagapan, baka nawalan na ako ng hininga kanina.

Nasa likod ko pa rin sila Nichole.

"Denise, iwasan mo na yung Lilith na yon ah? Baka mamaya hindi lang sakal ang gawin nun sayo. Delikado. Ginagamot pa rin siya pero at sabi ng doctor ay okay na raw pero mukhang hindi pa. Kaya dapat layuan natin siya, ha?" Pagaalala ni Summer.

Tumango na lang ako.


Ash's POV

Ayaw niya ba sa akin? Noong isang araw pa niya ako kasi nilalayuan. Ni ayaw nga niya ng eye contact. May nagawa ba kong masama?

Bumaba na ko sa service at pumasok na sa gate ng bahay namin. Walang gas ang kotse ko kaya napilitan akong sumabay sa service. Nakita ko siyang nasa garden, nagdidilig ng mga halaman niya. Nakita niya ako at ngumiti siya. Nakakairita. Tuloy tuloy ako sa loob ng bahay. Alam kong nasa likod ko lang siya at kanina pa ko sinusundan. Inihagis ko ang bag ko sa loob at dali dali naman niyang pinulot ito. Pati ang polo ko inihagis ko rin, pinulot niya pa rin ito. Tss.

Derederetso ako sa kwarto at humiga sa malambot kong kama.

"A-Ash?" narinig ko ang boses niya sa may labas ng pintuan. Hindi ako kumibo. Hinintay kong magsalita pa siya muli. Saulo ko na. Saulong saulo ko na ang lahat.

"G-Gutom ka na ba? Kung g-gutom ka na, kakaluto ko lang ng a-adobong baboy."

Ngumisi ako habang nakatingin sa pintuan.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon