3 - Guilt Trip

10 1 0
                                    


Tug...

One heartbeat.


Tug...

Two.


Tug...


"Omph..!"


Lumuwag yung pagkakayakap nung lalaki sa'kin kaya tinulak ko siya ng sobrang lakas.

Pero nangyari 'yun pakatapos ko siyang suntukin sa tagiliran.

Nanggigigil pa ako sa galit. Sobrang galit.

I feel violated.

Last time na may gumawa sa'kin ng ganito is high school. And I didn't take it easily. I got a suspension after kong hambalusin ng bag yung lalaking nagtaas ng palda ko. At malinaw pa sa isip ko na handa na akong baliin yung mga daliring nagtaas ng palda ko kung hindi lang ako naunahan sa paggawa nun.

Pero kahit naaalala ko 'yung mga hiyawan habang nagaganap yung kaguluhan noon, at ang mahabang sermon galing ki Papa habang natatawa siya kung pano ko muntikan mabugbog yung lalaking nambastos sa'kin, at this moment, all I can hear is the ringing in my ears and a subtle chuckle.

"Tumatawa ka ba?!" galit na sigaw ko. "How dare..."

"Ang lakas mo pa rin sumuntok", tugon niya. Patuloy pa rin siya sa pagtawa habang hawak hawak niya 'yung tagiliran niya.

"What?!"

Tumayo siya ng maayos. Lalapit sana siya pero nakahanda na yung kamay ko para batiin yung matangos niyang ilong.

Natigilan siya saka ngumiti.

"Sorry. I forgot you hate surprises", sabi niya habang kinakamot yung batok niya. Unti unti ding tumitingkad yung pagpula ng pisngi niya.

Kung sa ganitong pagkakataon kami unang nagkita, iisipin kong matino ang pag uutak nito.

"I missed you."

On second thought, no.

"What are you talking about?" kunot noong tanong ko sa kanya.

Biglang bumagsak yung mukha niya, nanlaki ang mga mata bago nagsalita, "Hindi yan magandang biro, Ami."

Napataas ako ng kilay, "How did you know my name?"

"Of course I know your name. Di mo ba ako naaalala?"

"Ikaw yung kumuha ng lens ng camera ko. Give it back!"

Kung ano man yung natitirang tuwa at kislap sa mata niya, wala na yun ngayon.

Napatawa siya ng marahan. "You don't remember me", bakas yung pagkabigla sa tono ng boses niya.

"Anong reme-remember?"

Napatingin siya sa lupa. Di siya umimik. Tila nag-iisip kung anong nangyayari.

Ayos 'to ah! Siya pa may ganang magtaka?

Pero bakit pakiramdam ko sinabihan ko ang isang limang taong gulang na bata na hindi totoo si Santa Claus? Ganoon kasi yung mukha niya. Yung tayo niya. Yung ini-emit niyang force.

For a moment, habang pinagmamasdan ko yung pagkalugmok niya, nakalimutan kong kinuha niya yung lens ni Nikki. Nakalimutan ko yung pagod nung pagtakbo ko kakahabol sa kanya. At muntik ko na ring makalimutan na hinalikan niya ako kanina.

Muntik lang. I'll carry that one in the depths of my grave and to the after life.

Pero kung ganitong mukha naman kasi ang itatapat sa harap mo, kahit ata nagyeyelo yung puso ko eh titibok.

At di 'yun dahil sa magandang hulma ng mukha niya, sa mamula mulang labi o sa itim na buhok niya na parang alagang alaga ng conditioner. Yeah. May itsura siya. Nahiya nga bigla yung bitak bitak na labi ko. Gosh! Did I just kissed that lips?

Kinatok ko yung bungo ko, tatlong beses. Focus, Ami!

Tiningnan ko siya ulit. Ramdam ko yung lungkot niya ngayon. Para siyang bata na inabutan ng kendi pero nung aabutin niya na biglang binawi. Tapos i-times mo yun ng mga twenty. No exaggeration needed. Ganoon kabagsak yung mukha niya.

I hate my sympathetic self now.

Ami, remember, binastos ka niyan!

Napabuntong hininga ako. Obviously, I don't listen to myself kaya tinanong ko pa rin siya against my better judgment, "O-okay ka lang ba?"

"You're Ami, right?" bulong niya. Hindi pa rin niya inaangat yung tingin niya sa lupa.

"Yes."

"But you don't remember me. How could you?"

Time TravelersWhere stories live. Discover now