Sa paglabas ko ay nangatog agad ang katawan ko sa lamig pero nabawasan iyon ng konti dahil sa coat na suot ko. 

"We'll go now, Rita." paalam ni grandma sa matandang kapitbahay niya. I wave hands to her and say bye. Kumapit ako sa braso ni Grandma at sinabayan siya sa paglalakad. 

Hindi ko maiwasan na hindi igala ang mata ko sa paligid. Napakalinis! Ito ang una kong napansin sa lugar na ito. Napakaganda! Pero napakalamig!

"Hindi po ba tayo sasakay? Malapit lang po ba iyong pupuntahan niyo?" tanong ko sakanya ng makaramdam na napakalayo ng nilalakad namin at hindi kami sumasakay. 

"Hindi ito pilipinas. Tsaka dapat magsalita ka ng ingles. Sanayin mo na ang sarili mo dahil magtatagal ka dito. Na enroll ka na ng magulang mo at bukas agad may pasok ka na." Napabitiw ako sa braso ni Grandma. Ang pagpasok sa paaralan ay nagbigay sa akin ng sobrang kaba. 

"Bakit natigil ka? Bilisan mong maglakad! Medyo malayo pa ang town centre!" aniya. Kaya mabilis akong lumapit sakanya at sinabayan siya sa paglalakad.

Ipinasok ko ang dalawang palad ko sa magkabilang bulsa ng coat na suot ko. Naninigas ang mga daliri ko sa lamig!

Lumiko si Grandma at pumasok sa isang grocery store. Ngayon ko lang napuna na puro bilihan na pala ang paligid ko.

"We'll buy your school needs later after this. I'll just bust some goods." Kumuha siya ng cart. Sinundan ko siya sa kung saan siya lumiko at kumuha ng mga bibilhin niya.

Naglagay din ako ng gusto ko sa cart ngunit ng pagtingin ko sa cart tanging extra sanitary lamang ang nandoon. "Grandma! Bakit mo binabalik!?"

"Im saving money! Junk foods is not what we really need!" Wika niya at dumiretso na sa cashier! Nakasimangot na sinundan ko siya. Ipinabuhat niya sa akin ang isang supot ng pinamili namin. Nauna siya sa paglalakad ng makalabas kami sa grocery store. Pumasok siya sa isang shop na puno ng mga bags. Nagningning ang mga mata ko at mabilis na pumunta sa harap ng bag na naka agaw ng pansin ko.

"Is that what you want?" tanong ni Grandma sa likod ko. Sinagot ko siya ng tango habang nakatingin pa din sa bag. "Okay. We'll get that." Sunod kaming pumunta sa mga sapatos. Pinapili niya ako ng dalawang klase ng sapatos. Isang rubber shoes at isang simpleng sandals. Nagpunta sa cashier si grandma. "Grandma... May ako na po magdadala ng pinamili. Mauna na po kayong umuwi. May dadaanan lang po ako." nakangiting wika ko at naglakad na palabas ng tindahan ng sapatos.

"Mia!" nahinto ako sa paglabas at tinignan si Grandma. Lumapit siya sa akin at inabot ang perang papel sa palad ko. "Umuwi ka ng maaga ah." aniya at nauna ng lumabas ng store.

Naglakad lakad ako habang nakatingin sa bawat store. Naghahanap ako ng bookstore. Nahinto ako ng makita ang store na puno ng books. Tiningala ko iyon at binasa ang pangalan. "Whsmith."

Pumasok ako doon at tumingin tingin ng mga libro.

Kumuha ako ng isang book at tinignan ang loob. Oh-my-god! Don't tell me it's all written in english!? Napailing iling ako. Tingin ko ay mas magiging mahirap ang lahat. 

Kumuha na lang muna ako ng isang academic book at dalawang libro ni Sidney Sheldon na hindi ko pa nababasa.

Pagpunta ko sa counter ay agad kong nilapag ang libro na nakuha ko at inabot ang pera na binigay sa akin ni Grandma.

"Another five pounds note." napabaling ako sa cashier. Kulang pera ko? Oo nga pala! Bakit hindi ko tinignan ang presyo ng libro?

"Im sorry but I don't bring enough money. I will just return this two bo—" Nabubulol pa ako sa pagsasalita ng english ng diretso.

"This is for her books." May naglapag ng perang papel sa ibabaw ng mga librong kinuha ko. Nakatingin ako sa kamay ng lalaking iyon at tinulay ko ang kamay niyang namumula na, ang wrist niya ay may relo na may dalawang malaking letra na DW,  binaybay ko pa iyon pataas patungo sa braso hanggang sa mukha. His face makes my knee tremble "Hello Vannalein! Nice to see you here!" now his voice has with full british accent. His manly voice made my heart beat faster.

He is wearing a black coat with a fur at the neckline. His gray eyes looks so primitive. His lips twitch reminding myself to pull all my reverie back from running to his eyes. 

"Nakakahiya naman. Ibabalik ko na—" nahinto ako sa pagsasalita ng kumunot ang noo niya.

"No it's okay.." binayaran niya ang isang libro na kinuha niya. It was about medicines..

What is he?

"By the way.. I need to go. I have things to do." Ngumiti siya sa akin at lumabas na ng bookstore.

Huli na ng napagtanto ko na hindi pa pala ako nakakapag thank you sakanya. 




Mirror (Completed)Where stories live. Discover now