Chapter 23

953 52 5
                                    


Ilang araw na rin ang nakalipas. Mas marami na kaming commitments ngayon. Nagkasunod-sunod kasi ang mga binigay na schedule para sa mall show namin. Magkakaroon na din kami ng tour sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.

"I'm so excited!!!!" Masayang sabi ni Chynna bago umupo sa couch.

"Saan chynns? Sa kasal niyo o sa tour natin?" Natatawang tanong ni Ben.

"Syempre parehas no! 1 month na lang kasal na namin ni Kean my love. Tapos tayo naman magkakaroon pa ng tour. Nakakaexcite tuloy!" Masayang sabi nito.

Natawa na lang ako sa pagkukulitan ng dalawa. Agad naman nabawi ang tingin ko nung may biglang nagbukas ng pinto. Iniluwa naman ito si Kylie na may bitbit na pizza.

"Hey guys! Pizza for you!" Sabay lapag ng pizza sa may table.

"Wow naman! Buti na lang at nag-abala ka. Hahahaha." Biro ni chynna.

"Teka lang chynns! Siguraduhin mo munang satin nga yan. Baka naman para lang yan sa isa." Sabay turo sa akin.

"Oh bakit?" Tanong ko. "Kakasabi lang ni Kylie para satin yan. Pero kung ayaw niyo akin na lang." Kumuha ito ng isang kahon at kumagat sa isang slice ng pizza.

"Oy joke lang 'tol. Psssh." Nakipag-agawan na rin ang iba sa kanya.

"Baby kai, you want?" Alok ko kay Kylie sa kinagatan kong pizza. Di naman siya nagdalawang isip na kumagat sa kinain ko. Well, we usually do this. Di naman siya maarte eh.

"Oh jeez! Nilalanggam na naman yung kwarto." Sabi ni Chynna na napairap pa. Natatawang binato ko siya ng tissue na hawak ko. Panira kasi ng moment eh.

"Hahahahah! Hayaan mo na chynns minsan lang naman 'to." Sabi ni Kylie sa kanya.

Nagkibit balikat na lang ito at muling binaling ang atensyon sa kinakain.

"San ka galing?" Tanong ko sa kanya.

"Tinawagan ako ng management eh. May bago daw project for me."

"You accept it?" I asked.

"Still thinking."

"Ha? Why?"

"Eh kasi di ba, I'm your manager paano na kayo kung wala ako? Tyka hindi pa rin naman ako sigurado kung tatanggapin ko yun eh. Still briefing pa din sa role na ibibigay sakin."

"Kai, don't worry about us. Malalaki na kami. And besides, meron pa naman ibang pwede magmanage samin eh. Unless, you don't want to be far from me." Pang-aasar ko sa kanya. Nakatanggap naman ako ng hampas mula sa kanya. "Awww!"

"What if I say yes? At totoong ayokong malayo sayo. Lalo na't mas marami ng babae ang umaaligid sayo."

"Ang possessive naman niya. Hahah! Dinaig mo pa maging girlfriend ko. Hahah! Edi let's be real na? Ligawan na kaya kita?"

"Tse! Baliw ka! Dyan ka na nga!" Tyka umalis sa tabi ko.

Hahahaha! Hindi ko alam kung kinikilig ba siya sa sinasabi ko o naasar na. Pero what if kung ligawan ko na nga siya? Maybe it is the right time to move on. Matagal na din since wala akong girlfriend tyka single din naman siya eh. So, walang problema.

----

Free and rest day namin ngayon. Tutal wala naman din akong gagawin I invited Kylie na sumama sakin ngayon.

Lagi naman kaming umaalis na kaming dalawa lang. At mas okay na rin yun kase mas mahirap yung marami ililibre ko. Hahaha biro lang.

"So..... Where we going?" Excited na tanong niya sa akin. Kasalukuyan kaming bumabiyahe papunta sa lugar kung saan kami pupunta.

Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon