Chapter 22

966 52 4
                                    


Kasalukuyan kaming naghahanda para sa una naming mall show. We're just singing some revival song like "Empty" by TCV.  Ako talaga nag-insist ng kantang 'to. Actually, I want our first album content all sad and emo songs. Wala, I just want to tell the world na malungkot ako ngayon. Payag naman sila, wala rin naman silang magagawa kung pipigilan nila ko.

Nasa backstage pa lang kami pero ramdam ko na ang hiyawan at ang energy ng mga tao. That's what I missed for a long time. Leaving the first thing you love is the hardest thing to do. But now, binabalikan ko na siya.

I'm happy that hindi pa din nawawala yung presence ng mga tao pagdating sa akin. My fans, they are my family. The second to the most important person in my life. Sila rin ang muling mag-aangat sayo mula sa kinalalagyan mo ngayon. Kung hindi dahil sa kanila hindi na ko babalik sa pagkanta ko.

"Bro! Rinig mo ba? Grabe yung mga fans! Ang dami nila sa labas!" Excited na pagkakasabi ni Ben.

"Grabe ka 'tsong! Ang tindi pa rin ng tama nila sayo. Halos pinuno mo yung buong mall dahil sa pagbabalik mo." Di makapaniwalang sabi ni chynna.

"Guys, hindi lang naman ako ang titilian nila noh! Pati kayo din. Kung wala kayo wala din ako dito ngayon." Sabi ko sa kanila. Ayaw kong sumikat ng ako lang mag-isa dapat kasama sila.

"Grabe pala no? Sobrang nakakakaba na ikaw na yung magpeperform sa stage mamaya. Kinakabahan na ko dito." Halata naman ang pagiging kabado ni Gab kaya napatawa ko.

"Gab, wag kang kabahan ok? Chill lang bro. Kaya natin 'to!" Pagccheer ko sa kanila.

"Uhm, guys, be ready na ha. Malapit na tayo." Sabi niya samin. Tumango naman kaming lahat sa kanya. Ngumiti ako nung lumapit siya sakin. "Galingan mo ha. Manunuod ako sayo!" Sabi niya before humalik sa pisngi ko.

"Ayun! May goodluck kiss pang nalalaman. Hokage din eh!" Natatawang sabi ni chynna.

"Sira!" Sabi ko kay chynna. Siya naman nakakita kong namula.

Naghahanda na kami sa likod. At tanging cue na lang ng host yung hinihintay namin.

"So, what are we waiting for? Let's give it up for the BTB band or what we called better than before band." Pag-iintroduce niya samin. "Palakpakan na may kasamang hiyawan naman dyan!" Dagdag pa nito. Lahat ng tao na nandito ay hindi magkamayaw sa tuwa.

I missed this scene. I missed the crowd. I missed to perform in front of my fans. Nakaka overwhelming ang saya na pinapakita nila samin.

I wave my hands. Kami ng banda ko. I gave the sweetest smile they'd never seen for 3 years. At lahat naman sila naghiyawan dahil dun.

Nakapwesto na kami sa kanya kanya naming lugar. Chynna on piano, Ben on bass, Gab on Drums and me as your guitar and vocalist.

"Hey guys!" Masayang bati ko sa kanila. Kinakawayan ko din sila. "Long time no see ah? Hahaha!" Biro ko. "Namiss niyo ba ko?" Tanong ko tyka tinapat sa kanila yung hawak kong mic. Lahat naman sila nagsigawan ng "oo" "miss na miss ka na namin Glai!" "We love you Glaiza!" "We missed you so much" lahat yan narinig kong sinabi nila kaya napangiti ako. After 3 years di pa din sila nagbabago. "Hahaha! Thank you for having here at kasama namin ngayon para magperform. Gusto ko sana mag-umpisa ulit kasama kayo. So, makakaasa ba ko na hindi niyo ko iiwan?" Sabi ko sa kanila. Lahat naman sila sumigaw kaya natawa ko. "Pasensya na kung itong first song na kakantahin ko sa inyo ay pang emo. Pero, I hope na magustuhan niyo pa din."

Inayos ko na yung sarili ko. Sinuot ko na rin yung gitara sa katawan ko. Nagbigay na rin ako ng hudyat para mag-umpisa.

Tried to take a picture
Of love
Didn't think I'd miss her
That much
I wanna fill this new frame
But it's empty

Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon