Chapter 8

2.5K 93 5
                                    

Halos maiyak na ko sa sagot ni Rhian. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Bakit?" May mali ba akong nasabi? Bakit siya nag "NO?" hindi ba niya ko gusto?

Yung "NO" ba na yan ibig sabihin wala talagang pag-asa maging kami?

Nag "No" lang ba siya kasi nabigla siya?

"No" na natatakot siya aminin na mahal niya ko?

Ano ba? Bigyan niyo ko ng sagot!

Tinitigan ko ang mga mata niya ng matagal at nag-iintay na magsalita siya. Pero wala, walang salita ang lumalabas sa bibig niya.

"Bakit ayaw mo magsalita?" Kalmado ko pa ding sabi habang umiiyak.

She hold my hands at ngumiti. "Wag mong isipin na hindi kita mahal kaya nag-NO ako. No ang sagot ko kase ayoko na manligaw ka. Ayoko na puro ikaw lang ang nag-eeffort sa ating dalawa. No, kasi gusto ko ako naman yung maka experience na mahalin at pagsilbihan ka. No, kasi ayoko na ako lagi mo gagawing prinsesa ng buhay mo. Alam kong hindi ako nag-iisip minsan pero this time desidido na ako na manligaw sayo" then she kiss my forehead at niyakap ako ng mahigpit.

Mas lalo naman akong napaiyak sa sinabi niya. Hindi ko alam? Grabe ang weak ko naman! Ito pang babaeng pinakamamahal ko ang nagpapaiyak sa akin. Nilayo ko siya sa akin to clarify of what she said.

"Liligawan mo ko?" I immediately wipe my tears.

"A big YES!" nagnod pa siya pagkatapos.

"Edi tayo na. Sinasagot na kita" masaya pero umiiyak ko pa ding sabi. Magpapaligaw pa ba ko? Edi tatagal pa yan. Sagot na agad uy. Saan ba't dun din naman kami mauuwi.

"Everyone kami na po ni Rhian sinasagot ko na siya" masaya kong sabi sa lahat.

Pinalo naman niya ko sa braso "No, not yet anyway. Di ko pa nga napapatunayan sayo na worth it ako sa pagmamahal mo e. Tska ako din ang magdedecide kung kelan mo ko sasagutin"

"Ha?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Uy, seryoso ka ba? Ikaw ang manliligaw tapos ikaw pa ang sasagot? Parang unfair naman ata sa akin nun? Di ba dapat ako ang sasagot sayo?" Protesta ko.

"Syempre. Gusto ko munang pahirapan sarili ko noh. Tska kampante naman ako na magiging tayo din naman sa huli" taas baba ng kilay. Napasmile pa siya.

"Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Sige ayos lang, kahit gustong-gusto na kita sagutin para maging tayo wala naman ako magagawa eh ikaw pa rin ang magdedecide niyan. Sino ba naman ako di ba?" Bagsak balikat at wala sa mood kong sabi.

"Asus, kahit magpacute ka pa dyan waepek pa din noh. Basta, hindi pa ngayon ang tamang panahon for us. Maybe, malay mo bukas, next week, next month, next year maging tayo. Pero ngayon liligawan muna kita"

"Pero, ang alam ko kasi hindi naman pinapatagal ang panliligaw eh yung RELASYON rhian kaya dapat ngayon pa lang sasagutin na kita. Ano? Tayo na ha!" Pagpupumilit ko. Kinurot naman niya ko sa tagiliran. "Aray!" Daing ko.

"Sige isa pa Glaiza hindi ko na itutuloy panliligaw ko sayo" pagbabanta niya. Nanahimik naman ako. Sorry takot ako eh. Baka hindi niya talaga ituloy. Huhuhu. Sayang naman.

Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon