Chapter 11

1.9K 80 2
                                    

"Ikaw?" Sabay naming sabi.


"Magkakilala kayo?" Tanong sa amin ni Glaiza.

"Oo! Siya yung sinasabi kong si Ms. Suplada" natatawang sabi ni Luis.

"Hey! I'm not suplada noh" depensa ko. "Teka Glai, eto ba yung sinasabi mong pinsan mo?" Tumingin ako sa kanya. Siya naman ay parang naguguluhan sa nangyari.

"Oo. Pinsan niya ko. Remember me?" Tinaas baba naman niya kilay niya.

"Yah! Sino ba naman ang makakalimot ng ginawa mo?" I rolled my eyes dahil naalala ko na naman ginawa niya.


"Teka ano yung ginawa sayo ng pinsan ko?" Nakanuot noong tanong ni Glai. Tumingin naman ito kay Luis.


"Dude! Wala akong ginagawang masama sa kanya ha!" Depensa niya habang natatawa pa. Hinarang naman niya ang dalawa niyang kamay sa harap niya.


"Teka Rhian" harap sa akin. "Siya ba yung kasama mo sa RK na hinalikan mo?" Walang patutchadang tanong sa akin ni Glai.



"What?" Nashock naman ako sa sinabi niya "Ano bang pinagsasabi mo? A-anong hinalikan?"


"Teka Glai, walang ganun nuh! Oo inaya ko lang siya na magdate dahil may kapalit" sabi ni Luis


"Anong kapalit?" Takang tanong nito.

"Ah wa-wala yun. Tara na gutom na ko eh kain na muna tayo." Aya ko sa kanya para maputol lang ang usapan.

Pinigilan niya ko sa paglalakad. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Seryoso niyang tanong. I felt guilty kase ngayon lang ako nagtago ng sikreto sa kanya. Natahimik din ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Alam mo insan wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano" humawak siya sa balikat ni Glaiza. Ako naman nakakunot noo lang na tumingin sa kanya. "Tara kain na lang tayo. My treat!" He tap Glaiza's shoulder at nauna na maglakad.


.




.




.




.




.



.




.




.




.

"Oh bakit ang tahimik niyong dalawa?" Pambabasag ng katahimikan ni Luis. Ni isa kasi sa amin ni Glaiza ay walang balak na magsalita.

Tumingin ako kay Glaiza pinaglalaruan lang niya yung pagkain. Nagulat na lang ako ng huminto siya at nagsalita.


"So Luis, paano kayo nagkakilala ni Rhian?" Tanong nito. Halata mo pa rin ang seryoso nitong mukha.

"We just met in National Bookstore. And I saw her na pinagkakaguluhan and I just save her from crowd. That's it." Paliwanag nito.

"Ano naman ginawa mo dun Rhian?" Sakin naman nagtanong si Glaiza.

"Wa-wala. Buying something"

"Like what?"


"Book? Basta. Hindi na mahalaga kung ano man yun" pinilit kong ngumiti baka sakaling matangal ang pagsusungit niya.


Napansin ko na lang sa peripheral vision ko na umiiling at natatawa si Luis.

"What's funny?" Pagsusungit ko sa kanya.


Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon