Cont. of Chapter 6

2.7K 94 14
                                    


AN: di pala nasave yung iba. Sorry putol tuloy yung chapter 6.

----

Nagscroll scroll ako pababa para hanapin ang pangalan niya sa phone ko. Pagdating ko sa letter R walang Rhian na nakasave. "Sinaved ba talaga niya number niya? Bakit wala?" Sabi ko sa sarili ko. Muli ko ulit itong tinignan at pagdating sa letter L napakunot ako ng makita kong may LABLAB na nakasaved sa phone ko. Si rhian ba 'tong lablab na 'to? Napatanong ako sa sarili ko kase usually I don't saved any name with an endearment or call sign masyado kasing korny. Pero ngayon napangiti ako kasi alam ko na siya na 'to. Siya lang naman kasi ang tinatawag kong lablab di ba?

I immediately text her. Pero di muna ako nagpakilala subukan ko muna siyang pagtripan. Wala lang trip ko lang eh.

To: Lablab

Hi?

From: Lablab

Who you?

To: Lablab

Pwede ka bang mahalin? :)

From: Lablab

Sorry ha. Pero kung wala kang magawa you better stop texting me. I don't have time kase to entertain stranger eh.

Aww. Stranger lang pala ko sa kanya. Sad. :(

Binaba ko muna ang phone ko at nag-emote emotan. "Magpakilala ka kaya kesa naman gumaganyan ka." Sabi ng kunsenya ko.

Oo nga nuh. Tanga lang glaiza? Ih. Wag ayoko nakakahiya tignan mo nga last text ko sa kanya "pwede ka bang mahalin? :)" arghh. Nakakahiya yun pag nalaman niyang ako nagtext sa kanya nun. Ano gagawin ko? Edi magpalit ka ng number. Eh paano mga contacts ko? Edi save mo sa bago mong number. Hindi nag-iisip. Tapos anong sasabihin kong reason kung bakit ako nagpalit ng number. Sabihin ko tinext mo si rhian ng "pwede ka bang mahalin" sa sobrang hiya mo sa sarili mo nagpalit ka ng number. Hay. Ano ba yan -_-

Binuksan ko muna ang twitter ko para magpalipas ng oras. At para makapag-isip kung ano gagawin ko.

@whianwamos: "pwede ka bang mahalin?" I'm starting to kiligin when someone texted me this. Pero stranger eh mamaya budol budol gang na pala.

Seriously yan talaga ang unang nabasa ko sa wall ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa sinabi niya eh. "Gawin ba niya kong budol budol gang".

I was trying reply to her pero kapag itetweet ko na nagdadalawang isip na ako at agad ko itong binubura.

"What the hell is going on glaiza." Sabi ko sa sarili ko. I feel shaky na din. Ewan ko kung bakit.

Instead na magreply ako sa kanya nagpost na lang din ako ng tweet.

@glaizaredux: feeling tired all day + ignoring me = I'm gonna die

Catch me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon