Nag-iwas ako ng tingin. "I won't. Gagawin ko ang lahat para wala akong pagsisihan. Gusto ko ng makalimot from my horrible life. Naiinis ako dahil wala na sa akin ang anak ko. Kung sana ay mas inuna ko ang kaligtasan ng anak ko at baka hindi siya mawawala sa akin. I imagine myself being a mother. Yung kinakantahan siya. Yung hinahabol ko siya. Pero lahat iyon, wala na."

"You are both hurt! Tatakbo ka na lang ba ng ganito kabilis? Aalis ka without clearing things out? You will leave him with a broken heart?"

Bigla ang pagkunot ng noo ko. "Broken heart? Anong tingin mo sa nararamdaman ko? My heart was torn to pieces. Sa sobrang sakit gusto ko na lang mamatay."

"Since you broke up, hindi na siya gaanong kumakain at laging nasa bar. Matitiis mo ba siyang ganun? Nasa iyo na ang puso niya. Paano niya pa pa iyon babawiin kung aalis ka na? Para mo na siyang binigyan ng life sentence. He's alive but dead inside."

Nalaglag na ang mga luha ko sa mga sinasabi niya. Parang gusto ko na lang susuko dahil nilalamon ako ng aking kunsensya. Humugot ako ng malalim na hininga sa aking baga habang mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

"You're going to regret this, Hailey." Umiiling siya habang pinanonood ang pag-e-emote ko.

Nangangatog na nag kalamnan ko sa mga naririnig ko. Isa iyon sa mga ideya dahilan upang hindi na ako magbago pa ang isip ko.





MONDAY. Nasa airport na ako. Hinatid ako ni Mama roon. Isang kaway ang nakita ko. Ngumiti siya habang ang hawak na cellphone na mukhang kagagaling sa pakikipag-usap. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng airport. Nagmistula akong estatwa. Tila ba namagnet sa sahig ang aking mga paa. Parang may hinahanap ako. Parang gusto ko humakbang pabalik. Parang may nais sundan ang puso ko.

Nagyuko ako ng marealize ang totoong nais ipahiwatig ng nararamdaman ko. Bakit pa ba ako nangungulila sa kanya gayong pinutol ko na ang aming ugnayan. Hindi ko na dapat iyon nararamdaman dahil wala akong karapatan.

Mahigpit ang yakap sa akin ng pamilya ko. Ganoon din ang ginawa ni Trisha. Naroon din si Lennox pero may bahid ng panghihinayang ang mababakas sa mukha ng binata. Marahil ay masama din ang loob nito sa akin sa ginawa kong desisyon sa pag-iwan sa Kuya niya.

Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang damhin ang kirot sa puso ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Trisha. Naluluha sila ng marinig na ang pagtawag sa na umere sa airport para pumasok na sa loob ng eroplano ang mga aalis ng bansa.

Nasa loob na ako ng eroplano ng bumuhos na ang kanina pang nais na bumadyang mahulog. Inabutan ako ni Light ng panyo saka nalungkot na ngumingiti sa akin.

"Aren't you gonna regret this?", Aniya.

Hindi ko siya sinagot. Ang dahilan? Sawang-sawa na ako sa katanungan nilang iyon. Ilang ulit ko na ba iyong narinig?

Inabot ko na lang ang paningin inaalok niya upang tanggapin ko. Pinunasan ang luha sa mga mata ko saka ipinilig ko ang aking ulo sa upuan upang kalimutan ang gumugulo sa aking isipan.

Nagagawa ko ba talagang kalimutan ang mga iiwan ko dito?

"Sasama ka ba talaga sa akin? Are you going to train in our company?", Muling nagsalita si Light Acueza ng mag-take off na ang eroplano.

"Hunter is a good man. Kung gusto mo siyang bumalik sayo, you can change your mind habang maaga pa.", Dugtong niyang muli ng nasa himpapawid na nag eroplano. "Pwede ka namang bumalik agad sa Pilipinas."

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now