Sa tantiya ko ay magkasundo naman ang dalawa. Si cyborg na lang talaga ang may problema.

"Congratulations son, your team pulled together to make this beautiful event.", Sambit ni Don Leandro ng lumapit ito sa amin matapos makipagkwentuhan sa mga amigo nito. May hawak itong red wine sa isang kamay.

Nang dumaan sa gawi namin ang isang waiter na may dalang tray ng champagne ay agad silang nagsipagkuhaan. Inabot naman sa akin ni Trisha ang pineapple juice dahil bawal sa akin ang alcohol.

"Double celebration dahil our Boss and Hailey will soon to be a parents.", Masayang deklara ni Levi.

Napuno ang good luck and congratulations ang mga pagbating aming natanggap mula sa kanila.

"Cheers.", We all said in unison.

"Ipinaalam mo na ba ito kay Katherine? Sa aming parents mo, si Kathy ang mukhang mas mae-excite sa magandang balita.", Ani Mommy Suzette after nitong inumin yung champagne.

Isang tango ang isinagot ni Hunter para ipaalam na naghatid na niya ang good news sa Ina. Wala ngayon sa event ang Donya dahil sa sakit niyo. Naisin man nitong makadalo ay hindi maari dahil mahina na ang kalagayan ng kalusugan nito.

Nadungawan ko rin ang mga men in black na nagkalat sa party. Mahigpit din ang security system.

Isang sweet music ang bumalandra sa sound system kung kaya't nagsimulang manguha ng mga kapareha ang mga bisita at nagsimulang sumayaw.

"May I have this dance?", Tanong ni Hunter.

Hindi ba niya hinintay pa na sumang-ayon ako ng kuhanin niya ang kamay ko as he started to lead the dance. Nakihalo kami sa mga taong sumasayaw kasama ang mga partners nila.

"How I wish na sana bumilis ang araw para maipanganak mo na si blue belle."

"Blue belle?"

"Nah. Wala pa akong maisip na pangalan. I don't know if it is a he or a she."

I rolled my eyeballs. I know na sobra ba siyang excited pero masyado siyang atat. Hindi rin naman kasi basta-basta ang pagbubuntis.

Natapos na ang kanta. Lahat ay pumalampak.

Panay parin ang click ng mga camera at pag-i-interview ng mga reporter. Nahagilap rin ng aking mga mata ang isang pamilyar ba pigura ng isang lalaki. Yung blond hair nito at Italian look. Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit ng aking imulat iyon ay nawala na ito sa paningin ko. Namamalikmata kaya ako o nadedeliryo sa pag-aakalang nakita ko si Trent?

"Hunter...", Narinig kong tawag ni Lennox. May ibinulong ito sa kapatid at mukhang hindi sila mapakali. Inutusan din nila ang mga men in black na magmasid at maging alerto sa paligid.

"Fuck, anong nangyari sa security system?", Galit na singhal ni Xander kay Levi.

"Some of the stuffs were found at the basement at mukhang nasabotahe ang system. Stay alert!", Ani Levi.

Nanatili kaming nakaupo ni Trisha habang pinapanood ang mga lalaking hindi magkaumayaw sa pagbubulungan. Nagpalitan na rin kami ng kaibigan ko ng makahulugang tingin. Kapwa kami nakaramdam ng tensyon sa nakikita naming pagkataranta ng mga ito.

"Hailey, ano kayang problema?", Kinakabahang tanong ni Trisha sa akin.

Nagkibit-balikat ako subalit ang totoo niyan ay may ideya na ako sa nangyayari. Gumapang agad ang pangamba sa katawan ko at ipinagdarasal na mali ang hinala ko.

Nagsalita na rin ang emcee sa harapan at unti-unting tinatawag ang mga businessman na nakapagbigay ng ambag para maging matagumpay ang proyektong ito.

Nagbigay ng speech ang kasosyong businessman ni Hunter sa stage upang iparating ang pasasalamat nito.

So I Married The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon