MISSION 1.5

47 4 0
                                    

A/N:

Last chapter para sa kanilang mission. Kaya keep on reading guys, you are all appreciated!

Ok so here's the update

------------------------------------------------

FIORA'S POV

Papunta na ako sa silangang bahagi ng bayan ng Sierra at wala pa din akong nakikitang bundok katulad ng sinasabi ni Blaze, nag desisyon akong isuot ang kwintas na ibinigay nya para patotohanan ang nasabing kwento ng manghuhulang si Burna. Isinuot ko ang kwintas at biglang nabago ang aking paningin ang kaninang nakikita kong kapatagan ay siya na ngayong tinatawag nilang bundok ng Kratos na napapalibutan ng makakapal na ulap, nagsimula ang aking paglalakbay paakyat ng bundok, sa kwento ni Blaze ay ang bundok ay prinoprotektahan ng mga higantes, Ang book of protection ay matatagpuan sa isang altar sa tuktok ng bundok. Kaya sigurado ako na pag dineretcho ko ang bundok na ito pataas ay mararating ko ang tuktok nito, di ko lang alam kung gaano katagal sa pagkat ang bundok ay patuloy paring binabalutan ng makakapal na ulap.

Di kalayuan sa aking kinakatayuan ay may natatabaw akong isang malaking gate ngayon ko lang napansin ang bundok ay napapaligiran ng matataas na bakod na gawa sa matataas na bato at ang tarangkahan na nasa harap ko ang nakikita kong daan papasok.

Kasalukuyang nasa harap ako ng gate ito napakataas at napakalaki para aking mabuksan, Sinubukan kong itulak ito ng may marinig akong isang malaking tinig.

Sino ka? Hindi nababagay ang isang tao sa lugar naming mga higante, mabuti pang lisanin mo na ang lugar na ito... sabi ng malaking boses na may pagbabanta

Ako'y naparito para kuhanin ang libro ng proteksyon, kaya ang makapasok dito ay ang una sa aking mga mission sagot ko dito.

Kami ang nagbibigay proteksyon sa libro, kaya hindi mo basta-basta makukuha ang librong aming sinumpaang babantayan kahit kapalit pa.noon ang aming buhay sagot naman nito sa akin.

Ako si Fiora ang Keeper ng apoy, kailangan namin ang libro para sa paghahanda sa nalalapit na digmaan

Kung totoo ang iyong sinasabi
Ay kailangan mo lampasan ang 3 pagsubok namin itinakda, ang mga pagsubok na ito ay susukat sa iyong kapangyarihan at talino, Kinakailangan mo matalo ang tatlong higanteng nagbabantay ng nga susi. Wag ka magkakamaling lokohin kami dahil makukulong ka dito sa bundok ng Kratos habang buhay

Wag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para makuha lamang ang libro, at tinitiyak ko bukod sa libro ay malukuha ko din ang tiwala nyo may kompyansang sagot ko dito

Kung ganoon ay papapasukin kita at kailangan mo makuha ang 3 susi para mabuksan ang isang sisidlan kung saan nakatago ang librong iyong kailangan. Ang unang susi ay matatagpuan sa tarangkahang ito at ako ang higanteng si Kunkka ang magbibigay sayo ng una mong pagsubok

Nagulat ako ng makita ang isang higante na higit dalawang palagpag gusali ang taas, mayroon itong malaking martilyo sa kanang kamay at isang shield naman sa kaliwa, base sa aking nakikita ay mabagal kumilos ang higante kaya magagamit ko iyon para manalo sa laban. Ang susi ay nakikita kong sa kanyang dibdib. Naghanda na ako lumaban sinuot ko ang armor at golden dual sword ko para makipaglaban, nakaisip ako ng mabisa at mabilis na paraan para makuha agad ang susi, Iyon ang idivert ang attention nya sa iba para malayang makuha ko ng kwintas.

SUMMONING FIRE DRAGON!

at inutusan ko ang dragon na maghanda ng isang malaking fireball! Noong nakita iyon ng higante at naghanda iyon para salagin. Ang hindi nya alam ay nasa paanan nya na ako ng panahon na iyon. Pinakawalan ng dragon ko ang higanteng fireball at gamit ang malaking shield ay pinipilit naman nitong itinutulak pabalik sa dragon gamit ang kanyang dalawang kamay. Sinamantala ko ang sitwasyon at mabilis na kinuha ang susi na naka kwintas sa kanyang leeg, dahil sa pagkagulat ay nawala ang focus nya sa fireball na mula sa aking dragon at nagawa nyang bitawan ang kanyang shield kaya tinamaan din ito ng fireball.

ARCANA ACADEMY Where stories live. Discover now