MISSION 1.2

65 3 0
                                    

TERRA'S POV

Nag-simula ang paglalakbay naming mga keeper at Elites papunta sa kampo ng mga darkmages na ilang kilometro lang ang layo mula sa bayan Kioski, nasabi din sa amin na dalawang malakas na pinuno ang mga darkmages na nagkakampo sa kanilang lugar nag pakilala ang mga itong sina Alyanna at Nicole nalaman din naming isang poison manipulator at isang stunner ang kakayanan ng dalawa kay siguradong malakas din ang dalawa.

Kalahating oras na kaming naglalakbay ng may nakasalubong kaming mga darkmages na nakasalubong mahigit 30 ang kanilang bilang at mas malalakas ang kanilang presensya kesa sa mga nakalaban naming mga darkmages.

Equip Golden Earth claw!

At lahat ng kasama ko ay nag equip na din ng kani-kanilang sandata, lalaban kami ng physicalan dahil hindi pa namin lubos nababawi ang nawala naming lakas at kailangan naming tipirin ang natitira naming lakas para sa magiging laban namin mamaya.

Halos matatapos na kaming matalo ang nga darkmages ng nakita naming bumagsak sa sahig si Darkus at may malalakas kaming tawang narinig.

DARKUUUUS! Sigaw ni Flora

Sino kayo? Tanong ni Glaze

Ako si Alyanna ang pinuno ng mga pinaslang nyong mga darkmages- Alyanna

Ako naman ang kanyang kakambal na si Nicole, mamatay kayong lahat gamit ang aking kapangyarihan ay isa-isa kayong hahalik sa lupa at mamatay gamit ang aking lason- Nicole

STUN - sigaw ni Alyanna

At lahat kami ay di na makagalaw sa amin kinaroroonan, sa aking nabasang aklat ang stun ay isang spell kung saan pinipigil nito ang pag-galaw ng target

Bwuhahaha! Ngayon Nicole maaari mo nang patayin ang mga mahihinang ito- Alyanna

Unang inatake ni Nicole si Flora pero bago pa man tumama ang mga poison needle kay Flora ay agad naman naiharang ni Darkus ang kanyang katawan. Kasalukuyang walang malay ngayon si Darkus at ang kanyang katawan ay unti-unting nagiging itim, ibig sabihin nito na ang lason ay mabilis ng kumakalat sa kanyang katawan.

Magbabayad kayo sa ginawa nyo sumpa ni Flora sa dalawa at naglabasan ang malalaking puno at naging mga treants na umatake sa dalawa, nawala ang focus ni Alyanna kaya nakawala kami sa spell nya at nagawa namin silang inatake. Nagawa din ni Flora ang hulihin sila gamit ang tangled kaya sila naman ngayon ang hindi makakilos

POOL OF LAVA!

Isang malakas na spell ang pinakawalan ni Blaze na ikinamatay ng kambal at ng mga natitirang darkmages

Agad naming dinaluhan ang halos itim ng katawan ni Darkus, sinubukang gamutin ni Ventus ang nanghihinang katawan ni Darkus pero dahil sa halos kumalat na ang lason ay nagawa lamang nyang pabagalin ang pagdaloy ng lason sa mga ugat nito at nagpasya kaming ibalik siya sa bayan ng Kioski.

Sumama si Glaze at Steelix kay Flora na ihatid si Darkus sa bayan upang hanapan ng antidote, pinagamit namin ang mga Pegasus namin para mapabilis ang kanilang paglalakbay.

Habang kaming mga keepers ay didiretcho sa kampo ng mga darkmages para ituloy ang aming misyong pagwasak dito.

FLORA'S POV

nanghihina ako habang pinapanood ang nanghihinang katawan ni Darkus habang sinasabi ang aking pangalan.

Hindi kalayuan ang bayan ng Kiosk mula sa kinaroroonan namin ngayon at tatagal lamang ng 10 minuto ang aming magiging byahe dahil na din sa mga pinahiram na pegasus ng ng keepers, bagamat mabilis lamang ang byahe ay hindi kami nalakasigurado na mayroong antidote sa bayan kaya hanggang ngayon ay nagdadasal pa din ako sa mga bathala sa Nirvana.

ARCANA ACADEMY Where stories live. Discover now