DARKUS

45 5 0
                                    

A/N:

Here's for you to know  more about  our 6th elite members Darkus.

-----------------------------------------------

MANSION

FIORA: Ventus, Terra and Aqua,
Kinausap ako ni Tandang Fiore...

AQUA: ako din kinausap din ako ng Dyosa ng tubig.

TERRA: Mukhang pare-pareho tayo.

VENTUS: for sure nandito lang siya sa academy. Pero san dito?

AQUA: what if humingi tayo ng tulong sa nga elites sa paghahanap.

TERRA: Hindi magandang desisyon ang isama ang elites , buti nalang nasa klase sila kasama ang mga Omegas.

FIORA: Maghiwa-hiwalay tayo para mas madali natin siyang makita.

TERRA: Tama, ako ang pupunta sa North part ng academy. Ikaw naman Fiore sa South, ikaw Ventus sa East at Aqua West wing ng academy...

(Naghiwa-hiwalay ang apat para mahanap ang si Darkus habang ang elites ay nasa klase)

FLORA'S POV

Ang boring ng klase na ito, tapos itong mga classmate pa namin from Omegas panay ang pagpapapansin sa mga kasama kong lalaking elites. Buti nalang nandito si Glaze at panay ang daldal at tsismis sa mga ganitong pagkakataon lang namin napapakinabangan ang kanyang kadaldalan.

Bakit kaya hindi pumasok ang mga keepers? -Glaze

Sayang di ko masama si Ventus -Ray

Sabi na nga ba may gusto ka kay Ventus- Glaze

Tsk! Parang di mo type si Aqua ha!- Ray

Ssshhh! Wag ka maingay baka may ibang nakarinig, sa atin-atin lang tong mga elites- Glaze

sa hindi ko alam na dahilan bigla akong kinabahan, ang langit  ay nagbabadya ding umulan. Parang may nangyayari  hindi din ako mapakali kaya umalis ako sa klase at tumakbo papunta sa kagubatan sa South part ng aming academy kung saan napapanatag ang loob ko.
Pero mali ako nakita ko si Darkus na lumalaban sa mga dark mages mahigit 100 ang kalaban nya, paano kaya nakapasok ang mga dark mages dito. Mayroong blessed force field ang lugar kaya imposibleng mapasok kami dito sa academy maliban nalang kung  may nagpapasok sa kanila.

TANGLED!

Na ikinagulat ni Darkus dahil hindi nya nakita ang isang darkmage na nasa likod nya at nasa position para atakihin siya, buti mabilis kong nagamitan ng spell kaya di siya nito nasaktan. Lumapit ako dito at tinulungan siya. May napansin ako di kalayuan sa pwesto namin ni Darkus ang bukas na portal kung saan lumalabas ang mga dark mages kaya pala patang hindi nababawasan ang kanilang mga bilang kahit nagagawa namin ang   bawasan ang kalaban. Kung magpapatuloy ang kanilang pag dami ay siguradong matatalo nila kami at posibleng  mapatay. Nakaisip ako ng paraan para humingi ng tulong. Pinalaki ko ang isang puno na kasing taas ng 30 palapag na gusali para mapansin ng elites or ng mga keeper  na nandito ako sa lugar na ito. Sana ay makita nila. Dahil hindi kami pwedeng tumakbo palabas ng gubat dahil tiyak na hahabulin kami ng mga dark mages at tiyak maraming madadamay.

Nakakaramdam na ako ng panghihihina at alam kong ganun din si Darkus, gusto ko man tawagin ang dragon ko o gumamit ng ancient spell ay di ko magawa dahil hindi pa din lubos nakakabawi ang katawan ko sa nawalang enerhiya kahapon sa leveling. Halos magdilim na ang paningin ko sa pag-gamit ng  sobrang kapangyarihan at wala pa din dumadating na tulong. Nakita ko ang isang sibat na tatama kay Darkus kaya agad kong sinalag ang sibat gamit ang katawan ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

ARCANA ACADEMY Where stories live. Discover now