SPRING 1.2

51 5 2
                                    

Continuation ng pagkumbinsi ng apat sa mga dyos at dyosa ng elemento ng apoy,tubig, at hangin.

Nakabalik na si Joy sa spring at kasalukuyang nag iintay sa mga kasamahan.

FUU'S POV

Wala man lang nakapagsabi nasa floating island ang kastilyo ng pupuntahan ko, ang ganda dito ang daming ibon. Kasalukuyan akong nasa harap ng isang malaking pintuan n kulay berde. Ano kaya ang itsura ni Ventus, lalaki kaya siya or babae? Ang daming tumatakbo sa isip ko, kailangan ko ang susi kaya itinulak ko ang pinto at di ko inaasahan ang nakita ko. Isang batang lalaking nakikipaglaro sa mga ibon ang aking nakita.

FUU: Ikaw ba ang dyos ng hangin si Ventus.

VENTUS: ako nga si Ventus ang dyos ng hangin. Ano ang maipaglilingkod ko sayo itinakda.

FUU: Paano mo nalaman na ako ang itinakda?

VENTUS: Sa pagkat naka subaybay kami sa inyong paglalakbay, tsaka nakalimutan mo na ba kung sino ang nagturo sayong magpagaling?

FUU: Ang hangin? Salamat sa tulong, malaking bagay ang pagturo mo sa akin kung paano magpagaling.

VENTUS: walang anuman Fuu, naramdaman ko sa puso mo ang pagnanais makatulong. Ang hangin ay may kakayanang magpagaling. Fuu sa totoo lang alam ko ang susi ng harang ang kelangan mo pero bago ko sayo ibigay pwede bang maglaro tayo.

FUU: Anong laro ang gusto mo?

VENTUS: Archery!

Sabay labas ng golden bow and arrow. Na napapalamutian ng mga emerald stone. At iniaabot nya naman sa akin ang silver bow and arrow na mukhang ordinaryo.

FUU: SIGE!

Unang tumira si Ventus ng tatlong beses at lahat ay tumama sa gitna lahat bullseye. Sabay ngiti ng bata sa dalaga. At sumunod naman tumira si Fuu. Inalala nya ang mga kaibigan bago tumira. Lahat ng palaso ay lahat tumama at hinati sa gitna ang mga palasong ginamit ni Ventus.

VENTUS: wow! Napakagaling Fuu di na ako nagtataka kung bakit ikaw ang itinakda. Walang kawangis ang focus mo na tila isang ibon.

FUU: Salamat Bathalang Ventus

VENTUS: kung ganoon ay tanggapin mo ang susing ito na kumakatawan sa elemento ng hangin at sa ngalan ko ikaw ay binabasbasan ko at ipinagkakaloob ko ang Pana at palasong ito. Magkikita tayong muli at inaasahan ko na sa susunod naging pagkikita ay muling makikipag laro ka sa akin hihihi

FUU Salamat! Aasahan ko na gagalingan mo na next time. Hihihi

Tinungo ko ang pintuan at pumasok sa portal, nakita ko si Joy dala ang susi at tanging sina Umi at Hikaru nalang ang iniintay namin.
.........................................................

UMI'S POV

Ang Kaharian ni Aqua, nakakagulat ang lugar ni Aqua di ko inasahang paglabas ko ng portal ay sa ilalim ako ng karagatan nito dadalhin. Patuloy akong naglalangoy at ang kakaiba eh nakakahinga ako sa ilalim ng tubig. Nasa harap ako ngayon ng Pintuan na nadidisenyohan ng mga isda at mga batong kulay asul. Sapphire. Mula dito ay naririnig ko ang isang magandang tinig at tunog ng Lira. Itinulak ko ang pintuan at nakita ang isang sirenang may nakakabighaning mukha at asul na buhok na kasalukuyang tumutugtog ng Lira.

UMI: Dakilang Dyosa ng Tubig.

AQUA: Kamusta ka na Umi?

UMI: Paano nyo po ako nakilala?

AQUA: lingid sa inyong kaalaman ay kami ng aking mga kapatid ay nakasubaybay sa inyong paglalakbay ngunit bago ko ibigay sa iyo ang aking pahintulot at susi para mabuksan ang harang na aming ginawa ay kailangan mo munang masagot ang isang palaisipan at isang beses lamang kita papayagan makasagot kaya pag isipan mo muna ang sagot.

ARCANA ACADEMY Where stories live. Discover now