Ang balak niya sana ay kumuha kahit isa o dalawang daan lang.

Naku po Lord, promise ibabalik ko ang kukunin k okay kuya pogi. Hindi ko din gagastusin ung sukli promise. Teo hundred lang kukunin ko o kaya ung sakto lang na pamasahe ko.

Kumuha siya ng isang libo at ibinalik ang wallet nito sa kung saan niya nakuha.

Naghanap din siya ng ballpen at papel.

Nang magawa na niya ang pakay niya, umalis na siya sa lugar na iyon. Nasa isang condo pala siya ngayon. Nang makababa na siya nagtanong siya sa guard kung saan ang lugar kung nasaan siya at kung anong building siya naroon.

"Perez Summit Building po ma'am "sagot ni kuyang guard.

"Salamat po"

Nagsimula na siyang maglakad at naghanap ng masasakyan pauwi. At ang saklap mukang walang jeep na dumadaan sa lugar na ito. Kaya napilitan siyang pumara ng taxi para makauwi na. pasikat na din kasi ang araw. Lagot talaga siya sa nanay niya nito.

.................................................

Katakot takot na pagalit at sermon ang nakuha ko sa nanay ko pagdating ko sa bahay namin. Hindi ko naman maamin sa nanay ko kung saan talaga ako nanggaling ng nagdaan gabi.

"Ikaw Issay, dalaga ka na. Hindi ka na bata para lumaboy laboy diyan sa kung saan. Paano kung may magsamantala sayo, may magagawa pa ba tayo"sermon pa din ng nanay ko.

"Hindi nap o mauulit nay"paawa na sagot ko naman.

"Hay naku Issay, sige na anak mauuna na ako at tanghali na ako. Madami pa naman akong labahin kila Mrs. Nolasco. Ikaw na bahala sa bahay at sa mga kapatid mo"bilin ng nanay ko bago umalis.

Ilang sandali pa nakatulala na siya sa loob ng kanyang kwarto at malalim na iniisip ang nangyari kagabi.

FLASHBACK

"Ang pait naman nito"matapos kong tikman ang binigay na alak ng kasama ko sa bar.

Ang sosyal naman niya ngayon gabi. First time niyang mapasok sa ganitong lugar. Ang alam nga niya bawal ang mga menor de edad sa ganitong lugar. Buti pinapasok siya kanina ng mga guard.

"why, is it your first time?!"taking tanong naman ni kuya Pogi.

Tumango nalang ako kasi hanggang ngayon lasag lasa ko pa din ang alak na ininom ko. Parang may gumuguhit na mainit sa sikmura ko, mas matindi pa sa ininom kong gin kanina.

"What's your name by the way?!"pahiyaw na tanong ni kuya pogi.

"Issay po Kuya"ganting hiyaw ko naman.

Langya naman kasi, nakakabingi ang lakas ng tugtug sa loob. Hindi na talaga magkakarinigan ang mga mag-uusap sa sobrang lakas. Idagdag pa ang nakakahilong ilaw na patay sindi at paikot ikot pa. Ganito pala ang loob ng bar, maingay, mausok, madalim at madaming tao.

"Drop the kuya, parang ang tanda ko naman masyado"hiyaw naman ulit ng kausap ko.

Alanganin ko naman nginitian ito. Panong hindi niya ito tatawagin na kuya eh halata naman na mas matanda ito sa kanya.

Isa pa ang turo sa kanya ng nanay niya igalang ang mga nakakatanda sa kanya. Kaya iyon ang ginagawa niya ngayon.

"Tara, wanna dance"aya muli nito sa kanya.

Tiningnan niya ito mapungay na ang mata nito mukhang lasing na ito. Pero kahit naman na lasing ito mukha pa din namang matino ito.

"Hindi ako marunong sumayaw ng ganya eh"turo niya sa nga sumasayaw sa dance floor.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now