HIMALA (KWENTO NG ISANG BATA)

3K 5 3
                                    

HIMALA

(kwento ng isang bata )

WRITTEN BY: MERVIN CANTA

Ang kwentong ito ay base sa isang text message sa akin ng isang kaibigan hindi ko alam kong totoo o hindi pero nagandahan at naiyak lang ako sa short story na ito at sana magustuhan nio rin.

Isang kwento ng isang bata, isang inosenteng bata na hindi pa alam ang mga bagay bagay sa mundo, inosente sa lahat ng mga bagay.

Kwento ito ni earl.

Isang 5 years old na bata

Isang mabait at mapagmahal na bata

Napaka-cute na bata at napakagiliw sa lahat.

Sa ngiti nya ay nagiging Masaya ang bahay at buhay nilang pamilya.

Hulog nga siya ng langit ika nga ng tatay nya.

Hanggang sa isang araw isinugod ang nanay ni earl sa ospital sa dahilang sumuka ito ng dugo at bigla nalang nahimatay sa may banyo.

Lumapit si earl sa isang pharmacist at tinanong ito.

“oh bata nawawala kaba?”

(tanong ng pharmacist)

“hindi po bibili po sana ako ng gamot”

(sabi ng bata)

“anong gamot iyon?”

(tanong ng pharmacist)

“ahm eto lang po kasi ang pera ko eh…magkano po ba ang himala?”

(seryosong tanong ng pharmacist)

Nagtawa ang pharmacist sa sinabi ng bata.

“boy…hindi nabibili ang himala, dyos ang gumagawa ng himala…

Nga pala bakit mo kelangan ng himala para saan? Para kanino?”

(tanong ng pharmacist)

Nagsalita ang bata habang umiiyak sa harapan ng pharmacist at binanggit ang salitang ito.

“sabi po kasi noong doctor ang tanging paraan para gumaling po ang mommy ko ay himala.”

“huhuhuhuh…sige na po baka naman meron po kayo nun..huihuhuhhu”

Iyak ng iyak ang bata sa harapan ng pharmacist.

Hindi rin na pigilan ng pharmacist na maiyak dahil sa sinabi ng bata.

“bata…gaya nga ng sinabi ko kanina…ang tanging may hawak ng himala ay ang dyos.”

Dinala ng pharmacist ang bata sa isang chapel sa loob ng hospital.

“sya…sya ang gumagawa ng himala.”

(sabi ng pharmacist)

“talaga po? Eh si papa jesus po yan diba? Paano po sya gumagaw ng himala?”

(tanong ng bata)

“hindi ko alam kung paano sya gumagawa ng himala pero, may alam akong paraan kung paano mo sya makakausap.”

(sabi ng pharmacist)

“talaga po? Sige po”

(excited na sagot ng bata)

“ganito yun, gayahin mo ako, lumuhod ka at magdasal sa kanya…sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. At humingi ka sa kanya ng himala sa gusto mo”

(sabi ng pharmacist)

“sige po!”

(masayang sagot ng bata)

Pinunasan ni earl ang mata nyang kaninang lumuluha at napalitan ng galak dahil sa sinabi ng pharmacist, ginawa nga ng bata ang sinabi ng pharmacist at pagkalipas lang ng ilang araw ay nawala na ang malubhang sakit ng mommy ni earl.

At bumalik na ang saya sa kanilang pamilya.

Sana may natutunan kayong aral sa kwento ng buhay ng isang batang katulad ni earl na sana wag tayong mawalan kaagad ng lakas ng loob 

at pananalig sa dyos..

Dahil nandyan lang lagi sya at nakikinig sa atin mga panalangin.

THE END.

for more lovestories just visit my youtube channel.

www.youtube.com/supermeji06

THE SHORT STORIES OF MERVIN CANTAWhere stories live. Discover now