1

7.3K 164 14
                                    

Z A C K I R A

I woke up as I heard manang yelling at me. "Opo, nakabangon na." Sigaw ko pabalik. Naramdaman ko naman nakababa na siya kaya kumuha na ko ng damit ko at dumiretso sa cr dito sa kwarto ko.

After an hour natapos akong maligo. Nagpunta ako sa dressing table at sinimulang tuyuin yung buhok ko gamit ang blower. Nang matapos ay naglagay lang ako ng kaunting pulbos at tinali ang buhok ko. I stood up and saw my reflection. I'm wearing a above the knee floral skirt, and a plain white tee na naka-tuck in sa skirt ko. Sinuot ko rin yung doll shoes ko na white.

Yes, I'm a nerd. Nasanay na lang din ako na ganoon ang tawag sakin ng mga tao. Dahil siguro sa taglay kong talino at yung mga outfits ko. They always think that my outfits are old fashion. Sadyang 'di ko lang kaya makipagsabayan sakanila kasi alam kong di naman ako maganda.

I went downstairs and headed to the kitchen. I joined dad and kuya to eat breakfast. Naunang umalis si Dad dahil sa mga work niya sa company. Sabay naman kami ni kuya.

First day of being a fourth year highschool student. At hindi na ako naninibago sa academy, I was here since elementary. I'm so excited kasi classmate ko si Cj, yeah the king of the Black Empire. I admire him since 3rd year highschool. Lakas ng datingan e.

Naglalakad na kami ni Ash sa corridor and as usual, bullies everywhere. But I don't care. Dire-diretso lang kami hanggang makarating sa room.

"Relax! Inhale, exhale." Sabi ko sa utak ko.

We take seats at the back, without knowing na nasa kabilang row yung Black Empire.

Maya maya pumasok na ang teacher sa first subject kaya tumahimik kami and it's Chemistry.

Typical first day classes, we took some notes sa mga requirements, and introduction para sa lesson.

After an hour natapos ang Chemistry at ngayon ay Filipino na. Many says that our Filipino teacher is very strict. Gosh very strict. Wag naman sana. Natahimik ang buong klase sa pagpasok ng Filipino teacher.

"Magandang hapon. " she greet us.

"Magandang hapon din po binibini." We greeted in chorus.

"Maupo na kayo". Sabi niya at napaupo naman kami. Parang bait naman ata.

Our teacher was blabbering something, wala ang atensyon ko do'n dahil nagd-drawing ako ng kung ano ano dahil bored.

"Santos!!" Agad akong napa-angat ng tingin kay Ma'am.

She asked me to stand up so I did. "P-po?" Gosh, nauutal ako. I hate public embarrassment.

"Unang araw ng klase pero wala ang atensyon mo sa mga sinasabi ko." sabi niya.

"Pasensya na po, ma'am." sagot ko.

"Paupuin mo na siya, you ugly creature!" Napalingon ako sa sumigaw, and it was Cj.

"At bakit ko naman gagawin yun?" masungit na sagot ni ma'am.

"If you won't do that, I'll force you to get out of this school. And don't ever come back!" Nagulat ako sa sinabi niya at bumalik ang tingin ko sa teacher namin.

"Maaari ka nang maupo." Humingi muna ulit ako ng pasensya at umupo na.

Nanahimik na lang ako at nakinig.

C J

I hate teachers who make public embarrassment. Nang makaupo yung nerd ay napatingin ako sakanya.

May itsura siya, medyo maganda, chubby nga lang nang onti, tas buhaghag ang buhok. Nakikita ko na siya dati dito sa campus nung 3rd year pero ngayon classmate ko siya. Dapat we're in section B, pero nilipat kami ng tropa ko dito sa section A.

The Nerdy Girl's Revenge (Completed)Where stories live. Discover now