20

22.2K 553 26
                                    

GUSTONG bugbugin ni Nick ang sarili dahil sa ginawa. Nang makita nya ang mukha ni Rean habang umiiyak ito ay bigla syang natauhan. Isang malaking katangahan ang isiping makakabawi sya sa pananakit nito sa kanya dahil mas pinili nito ang payat na lalaki over him.



"Follow her moron." Wendy told him. Ito ang babaeng naauban ni Rean na kahalikan nya. She is one of his common friends, nagkataon na may shooting daw ito sa probinsya kya nandito ang babae. She accompanied him while his drinking, yun din ang oras kung san walang humpay ang tunog ng kanyang cellphone pero hindi nya ito sinasagot.



Ilang oras din silang nag kwentuhan at nabangit nya dito na nagtatampo sya sa babaeng tumatawag kaya hindi nya ito sinasagot. Masyado kasi sya nitong sinaktan at tinapakan ang kanyang ego. Kaya ng tumawag ulit si Rean ay ni request ni wendy na sya na ang kumausap sa dalaga. Narinig nya bawat detalye ng sinabi nito sa kay Rean na alam nyang makakasakit dito. Gusto nya sanang kuhanin ang cellphone kay wendy at sabihin kay Rean na hindi totoo ang sinabi nito pero nanaig sa kanya ang kanyang galit kaya hinayaan nya nalang ito.


Kanina din ng makatangap sya ng text kay Josh na malapit na sila ay saka naman sya nabuhusan ng beer sa damit, kinailangan nya pang tumungo ng banyo upang mag ayos. He already took off his shirt when he realized na naiwan pala nya ang jacket sa VIP room. Nang pabalik na sya doon ay nakita nya ang pigura ni Rean na papalapit, tamang tama din na lumabas na si wendy sa CR ng mga babae at nakita nito ang kanyang reaksyon habang nakatingin kay Rean.


Ang bilis nang mga pangyayari, hinila nya agad ang dalaga at isinandal sa pader. Siguro ay alam din nito ang gusto nyang mangyari dahil walang tutol itong sumunod. He kissed her and make their position looked more erotic. Alam nyang kahit sino ang makakita sa kanila ay iba ang iisipin.


Pero nang makita nya si Rean ay bigla syang nagsisi sa ginawa. Lalo pa nang makita ang mukha nito. All he want is to make her jealous and feel the pain he felt but he realized how stupid he is for aiming that.



"Follow her now! Baka kung ano pang mangyari sa kanya." Ulit ni wendy.


Mabilis nyang sinuot ang t-shirt na hawak at tumakbo palabas ng bar.



"Rean?" masuri nyang tinignan ang bawat madaan dahil baka nandito ang dalaga. Pero nakalabas na sya ng bar ay hindi parin nya ito nakikita. "Rean? Rean?" hindi na nya maiwasang kabahan.




Inikot na nya ang buong exit at parking lot para lang hanapin ito. Ang laki nya talagang tanga. Hindi man lang nya isina alang alang ang nararamdaman ni Rean at nag desisyon sya ng padalos dalos.




NAKAUPO lang si Rean sa Mataas na semento sa may parking habang umiiyak. Ayaw na nya sanang lumuha dahil kay Nick pero hindi nya mapigilan. Kahit pa sabihin na nakapag desisyon na talaga sya na ituloy ang pag papakasal kay Junghwan ay hindi parin nya maiwasang sobrang masaktan sa nakita kanina. Pakiramdam nya ay pinag taksilan sya nito kahit pa hindi naman talaga sila.



Nakatakip ang kanyang kamay sa buong mukha at humihikbi nang may maramdaman syang humawak sa kanyang tuhod. Nang tignan nya ito ay mas bumuhos ang kanyang luha.




"I'm sorry!" Nick was kneeling in front of her. Nakatingin ito sa kanya with his reddish eyes. Hindi nya alam kung dahil ba lasing ito dahil parang nag pipigil din ng luha si Nick. "I'm so sorry. I'm stupid I know. I am a fucking fool thinking I could hurt you."



"You did Nick. Nasaktan mo ako."

"I Know baby, I know and I'm so sorry." Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan. "Rean please, kung gusto mo sampalain mo ko. Kicked me, hurt me. But please forgive me baby. Ang tanga tanga ko dahil nagpadala ko sa galit ko kanina. But believe me baby lahat ng nakita at narinig mo hindi yon totoo-"




"Galit ka?" pinunasan nya ang kanyang luha. "Bakit?"



"Yes! Dahil narinig ko yung usapan nyo ni Vannesa. Dahil nasaktan ako sa sagot mo." Nakayuko nitong sabi.



Parang natameme sya sa sinabi ni Nick. Narinig pala nito ang lahat ng pinag usapan nila. Pati ang mga sagot nya na sinasabing mas pipiliin nya si Junghwan kumpara kay Nick. Kaya pala ito nag kakaganito. Kanina ang pakiramdam nya ay pinag taksilan sya ni Nick. Pero ngayon pakiramdam nya ang sama sama nya dahil tinutulak nya ito, pero nasasaktan naman sya pag nakikita si Nick na may ibang kasama.




"Rean please talk. Aaminin kong maling mali yong ginawa ko but please forgive me baby. I though making you feel betrayed would ease the pain I have. Pero mas lumala nung nakita kita. I'm sorry baby. I'm sorry I've hurted you."



Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Nick upang maiangat ang tingin nito. Hinawakan din sya ni Nick sa mukha at tinuyo ang kanyang luha.



"I'm sorry too Nick."



"Shhh. Hindi mo kasalanan. Tama ka, ang gulo gulo ng sitwasyon natin. Everything happened so fast that I didn't even courted you properly. Bigla nalang kitang inangkin kaya hindi kita masisisi kung naguguluhan ka."




Tumayo ito at hinila rin sya patayo. Nakahawak na si Nick sa kanyang bewang habang sya nan ay nakahawak sa batok ng binata.



"Kaya mag mula ngayon ibibigay ko sayo yung bagay na dapat nararanasan mo. I will court you, date you and respect all your decisions. At habang ginagawa ko yon ihahanda ko narin yung sarili ko para sa future natin."



Parang alam na nya ang susunod na sasabihin ni Nick at kinakabahan sya doon.



"I know that what you want is a true and secured relationship. At handa akong ibigay sayo yun Rean."




"Nick!" nagbabadya nanamang tumulo ang kanyang luha. Paano nya ba sasabihin kay Nick na buo na ang kanyang desisyon. Pakakasalan nya si Junghwan para maisalba ang kompanya ng kanyang lola. "Thank you for doing this pero kasi Nick. Kasi Nick naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Gusto kita pero mahal ko si Junghwan." She lied.



Nakita nya ang pag daan ng sakit sa mata nito.



"You really love him?" mapait nitong tanong.



"Yes."



"well, I don't care!" matapang na sagot ni Nick. Kasabay noon ay inangkin nito ang kanyang labi at ginawaran sya ng mapusok na halik na hindi nya matangihan.






Lockheart Series 4- Mr. Heart RipperWhere stories live. Discover now