15

21.9K 531 10
                                    

PANGALAWANG araw na ni Rean sa kanilang bahay sa probinsya pero hangang ngayon ay hindi parin sya nakatangap ng tawag mula kay Nick. Hindi kasi naging maayos ang dapat sana pag-uusap nila nung gabi nang kanyang pag-alis.



That night, pagkagaling sa condo ni Vannesa ay agad syang dumiretso sa kanyang unit. She was hoping na sana ay maabutan si Nick doon para sana bago sya umalis makapag-usap na sila ng sagayon ay si Junghwan nalang ang kanyang kakausapin pag pabalik sa manila.


Pero pagkadating sa parking lot ng condominium building kung saan sya namamalagi ay laking gulat nya ng makita doon si Nick. Nakasandal ito sa sariling sasakyan at sa harap nito ay may babaeng nakakapit sa batok nang binata habang magkalapat ang mga labi nang dalawa. Nang mga sandaling iyon ay parang may kutsilyong paulit ulit na sumaksak sa kanya. Alam naman nya na babaero si Nick Lockheart, pero nang sabihin nito na pwede nya itong angkinin, at hindi na ito titingin sa iba ay naniwala sya. Kaya ang kinalabasam ito sya ngayon nasasaktan sa nakikitang ginagawa nito.


Kung sya lang ang masusunod ay ayaw nya sanang gambalain ang dalawa, pero nasa tabi ng kotse ni Nick ang kanyang parking space. Hindi rin naman sya pwede umatras dahil meron nang ibang sasakyan na nasa kanyang likod. Kaya sa nanginginig na kamay at tuhod ay pinilit nyang iparada ang sasakyan sa tabi ng mga ito.


Matapos maiayos ang sasakyan ay bumaba sya at naglakad papuntang elavator na parang walang nakikita. Ni sulyap ay hindi nya ginawa sa dalawang taong nasa kanyang gilid. Hindi nya alam kung nakita ba sya ni Nick o hindi, pero wala na syang pakialam doon. Masyado na syang maraming problema. At ang akala nya na makakatulong sa kanya ay isa rin pala sa magdudulot sa kanya noon.



"Rean!" Narinig nyang sigaw ni Nick nang nasa tapat na sya ng elavator. Ilang segundo lang din ang lumipas ng maramdaman nya ang kamay nito na yumakap sa kanyang bewang. "Di mo ko tinenxt na pauwi ka na." naglalambing nitong sabi.


Sa narinig ay parang mas nag-init ang kanyang ulo at mas nadagdagan pa ang bigat na nararamdaman. Tinangal nya ang kamay nitong nakayakap sa kanya at dumistansya sa lalaki. Sakto namang bumukas ang elavator kaya't nagmadali syang pumasok. Pumwesto sya sa pinakasulok upang makasandal at ipinikit nya ang mata.


Naramdaman nyang tumabi si Nick sa kanyang gilid pero hindi narin ito nagsalita. Hangang sa makapasok na sila sa kanyang unit ay wala silang imikan. Dumiretso sya sa kanyang kwarto at iniwan ang binata sa sala. Pagkapasok ay inilock nya iyon at dumapa sa kama at isinubsub nya ang mukha sa unan.


Kaninang kanina nya pa gustong umiyak pero pinipigilan nya ang sarili. Naiinis na kasi sya sa isiping nung nakaraang buwan ay umiiyak sya dahil sa lalaki tapos ngayon ay gagawin nya ulit iyon. Magkaibang tao pero pareho syang sinaktan. Ang kaibahan nga lang yung una alam nyang mahal nya at minahal sya may solido silang relasy:n na tinapos nito dahil sa hindi nya matangap na rason. Pero yung ngayon, hindi nya alam kung may karapatan ba talaga syang masaktan sa pinaggagawa nito. Baka namab kasi wala talaga.


"Rean?" tawag ni Nick sa kanya mula sa labas. "Rean gising ka pa ba? Rean?" tinitignan nya lang ang pinto ngunit hindi nya ito binubuksan. Nagdadalawang isip din sya kung papapasukin nya ba si Nick sa kanyang kwarto o hindi.


Ilang minuto pa itong kumatok ng kumatok. Naririnig nya rin na medyo iritado na ang boses ng binata na tumawaga sa kanya. Dahil sa kainisan ay bumangon sya at pinagbuksan ito.


"What?" she yelled. "I'm so tired and sleepy. May flight pa ko mamayang umaga. Gustong gusto ko nang matulog but, you're too noisy knocking on my door."


Parang hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. "You should have told me. Kung pagod ka edi matulog na tayo. Hindi ko lang kasi mabuksan yung pinto that's why I knocked." Kalmado ang bosea ni Nick pero nararamdaman nyang naiinis na ito.


Pero wala syang pakialam kung mainis man ito. Si Nick ang may kasalanan sa kanilang dalawa kaya wala itong karapatang magalit.


Akmang lalakad na ito papuntang kama ng pigilan nya ang binata. "I want to be alone now Nick. Umuwi ka na muna sa condo mo."


"What? Rean naman. Aalis ka na bukas and you'll be there for one week. Isang lingo kitang hindi makikita-"


"Nick please!" hindi nya mapigilang mapasigaw sa iritasyon. Ayaw nyang marinig ang iba pang sasabihin nito dahil malamang ay matatamis na salita lang iyon na hindi naman totoo. "Just leave now. Ayaw muna kitang kausap so please lang, gustong gusto ko nangagpahinga."


"I don't understand. Ok naman tayo kaninang umaga. Why all of a sudden you're pushing me a way kung kelan aalis ka?"


Binigyan nya ng mapang insultong tingin ang lalaki. Napakagaling namang umarte ni Nick. Parang wala talaga itong kaide-ideya kung bakit sya nagagalit.


"Oh shit!" nag-aalala nitong sabi at lumapit sa kanya. "Is it about the kiss? Nakita mo yon kanina? Rean, if is it about that I am telling you now wala lang yun. It was just a friendly kissed and it don't mean anything." Paliwanag nito.


Parang nagpanting ang kanyang tenga sa narinig. Hangang ngayon pala uso pa sa mga lalaki ang Katuwirang friend lang yun at walang ibig sabihin. Nakakatawa!


"Stop it Nick. I wont gonna buy that lame excuses."


"Rean, its true. Kaibigan ko lang yun-"


"Pwede ba Nick. I have lots of things in my head now so please do me a favor. Wag ka nang makidagdag sa mga problema ko. Just leave me alone! Kung naghahanap ka ng laruan iba nalang kasi ako ayokong makipag laro sayo." Pagkasabi noon ay tinalikuran nya ito at nagpunta sya ng banyo. Doon nya ibinuhos ang luha na kaninang kaninq pa gustong kumawala.


Matapos umiyak ay inayos nya ang sarili at lumabas. Inilibot nya pa ang mata kung nandoon pa ba si Nick sa kanyang kwarto pero hindi na nya ito nakita. Lumabas din sya sa sala para tignan ito doon ngunit wala din. Umalis na ito. Tinignan nya ang kanyang cellphone kung may text ba ito sakanya pero wala syang nakita.


Hangang sa inabot na sya ng umaga kakahintay. Nakasakay na sya ng eropplano at nakarating na sa kanilang probinsya pero wala parin itong text o tawag.



"Anak ayos ka lang ba?" ang kanyang ina sa may pag-aalalang boses. "Kanina mo pa tinitignan yang cellphone mo. May hinihintay ka bang tawag?"


"Wala po ma. Tinignan ko lang po kung nag text si Vanz."


"Si Junghwan ba anak?" hindi nito pinansin ang kanyang palusot. "Bakit hindi nalang ikaw ang tumawag?"


Malungkot syang napangiti sa sinabi nito. Sa pagkakaalam ng kanyang ina ay si Junghwan parin ang kanyang nobyo. Gusto nya sanang itama ang konklusyon ng ina pero hindi nya nalang ginawa. Dahil gaya din ng rason nya kung bakit hindi nya masabi sa kanyang lola ang tuluyang paghihiwalay nila ni Junghwan ay dahil wala nan syang konkretong rason. Dahil kung sasabihin nyang may iba na syang boyfriend at pagnag tanong ito kung sino wala syang maihaharap. Dahil kahit sya ay nagdududa narin sila nga ba talaga ni Nick? O naglalaro lang ang binata nagkataon lang na lumapit sya dito kaya kala nito game sya. Kala siguro ni Nick nakikipag laro lang din sya.










Lockheart Series 4- Mr. Heart RipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon