08

24.2K 604 25
                                    

DISAPOINTMENT was all over her face when he didn't see Nick outside. Nilibot nya ang buong gym pero hindi nya nakita ang binata. Kahit pa nga mga banyo ay tinignan nya. Mapa sa lalaki man ito o babae but still no Nick was visible.
Hinayang na hinayang sya sa nangyari. Kasi naman nag inarte pa sya kanina. but on the other side mas ok narin sigurong nahinto iyon. Pupuntahan nalang siguro nya ang binata sa opisina nito o kaya sa bahay upang kausapin tungkol sa gusto nyang mangyari.



"VANZ!" tawag nya sa kaibigan. Nakaupo ito sa kabilang silya sa kanyang harap habang kumakain.

Pagkagising nya kanina ay nakita nya itong nagluluto sa kanyang kusina. Gusto daw kasi nitong bumawi sa kanya sa nangyari noong isang lingo dahil sa nasaksihan nya ang mainit niting tagpo kasama si Josh, pati narin ang pagiging invisible nito sa kadahilanang nanatili doon ang binata sa mga nagdaang araw.

"Ow?"

"Ahm- ano may itatanong sana ko." Dahil sa kanyang oag kautal ay nakita nyang umangat ang kilay ng kaibigan.

"And it is?" seryoso itong nakatingin sa kanya habang walang awang tinutusok ang pancake sa plato.

Hindi nya tuloy alam kung itutuloy pa ba ang pagtatanong sa kaibigan o hindi. Gusto nya kasing malaman ang address ng condo o kaya naman ng office ni Nick para makausap ito.And she know that Vannesa knew it since pinsan naman nito ang boyfriend kuno ng kaibigan.


"Ah. Never mind. Saka nalang."

"Rean Lor!"

"Wala nga, saka ko nalang itatanong. Nakalimutan ko narin kasi." Hindi nya magawang tumingin sa mata nito. Alam nya kasing pag ginawa nya iyon ay malalaman ng kaibigan na nagsisinungaling sya. Sana lang ay hindi na ito masyadong mag-usisa.

"Sasabihin mo ba o sasabihin mo?"

"Wala nga ka-" nang makita nyang naningkit na ang mata nito ay hindi na nya magawang tumangi. Errr kainis. "Ano ahm. Itatanong ko kung alam mo ba yung address ni Nick." Nakayuko nyang tanong dito.

"Bakit mo inaalam?" may panunudyo sa boses ni Vannesa. Alam nyang may ideya na ito sa gusto nyang gawin pero nang-aasar pa ito.

"Vanz naman eh. Wag mo na kasing itanong nang itanong."


"Eh bakit nga kasi? Mag papachurva ka kay Nick no? Naingit ka samin ni Josh?" halos mamula na ang kanyang mukha sa sinabi nito. Napaka no filter talaga ng bibig ng kaibigan pagdating sa ganitong usapan.

"Vannesa!"

"What? Nag sasabi lang naman ako ng conclusion ko ah. Ayaw mo kasing sumagot kaya nag aasume nalang ako."



"Oo na tama ka na ng hinala o masaya ka na? ibigay mo na sakin yung address nya bilis."


"Maka utos ka ah." Biglang sumeryoso ang mukha ng kaibigan. "But, no! I need to hear your plan first. Hindi basta basta yang gusto mong gawin. At pag nalaman kong si Junghwan ang dahilan mo sasakalin talaga kitang babae ka."



Wala na tuloy syang nagawa kundi ang mag-explain dito. Sana lang ay hindi na ito komontra pa dahil disedido na talaga sya sa kanyang pasya.

PASALAMPAK na ibinagsak ni Nick ang katawan sa upuan. Muntik na nyang maipatalo ang kaso na hinawakan nya kanina. Buti nalang at kahit papaano ay gumana ang kanyang utak at nagawa parin nya itong maipanalo, isa pa naman itong sensetibong kaso at kung sakaling hindi sya nagtagumpay ay tiyak na makakaapekto ito sa kanyang pangalan.

"Urgh!" naiinis nyang hinilot ang sariling ulo. Sa nagdaang araw ay lagi syang ganto. Bugnutin, wala sa wisyo at hindi makapag focus sa kahit na anong bagay. At alam nyang si Rean ang rason ng lahat ng ito. Nagsimula lang naman syang maging ganto nang bitinin sya nang dalaga sa gym nito. At naiinis sya kada maaalala nya ang pangyayaring iyon.



Lockheart Series 4- Mr. Heart RipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon