Chapter 37

1.6K 56 4
                                    

Jocas' POV

One week passed since the Valentine Ball.
And everything went well.
Aral ng mabuti.
Always hanging out with my friends.
And always present on my job. Hehe...

Heto ako ngayon sa bar.
Nakatunganga dito sa backstage....

Nag-aalala kasi ako kay Kai..
Parang lagi siyang balisa at problemado...

Akala ko nga nalulugi na yung company namin pero nung tinanong ko yung secretary ni Kai, wala naman daw problema..

Anlabo din ng bampirang yun eh..
Last sunday pa ang huling dalaw niya sa bahay.
Eh nagmamadali siya nun tas parang pasan niya ang problema ng buong mundo.

Sunday na ulit ngayon pero di pa rin siya nagpapakita.
3x a week siya dumadalaw sa bahay eh.

Tinatawagan ko ang phone niya pero hindi ko naman makontak.

Problema nun? -_-

"Jocas, tara na sa stage" niyugyog ako ni Trisha...

Naalog alog tuloy yung mumunti kong utak..

"Oo na.. Nahihilo na ako!" Sabi ko.

Tumigil na siya kaya naman tumayo na ako at naglakad patungo sa stage...grr.

Ang sipag ko talaga.
May business na nga ako sumaside-line pa ako haha

Gusto sanang bilhin ni Kai itong Bar kaso tumanggi ako.
Mongoloid ba siya?
Masyado siyang magastos.

"Anong trip natin ngayon?" Tanong ko kay Trisha habang nakapwesto sa likod ko.

"Collide"-Trisha.


Napatigil ako.

Collide?

-Flashback-

napahinto ako ng matapat ako sa poste.
M-may ta....t-tao.
N-nakatapat siya sa patay-sindi na ilaw.
Hindi ako makagalaw.
Gusto kong sumigaw pero di ko magawa.
Gusto kong tumakbo pero di ko kaya.
Di ko alam kung bakit.
Natatakot ako pero di ako makatakbo palayo.
Pilit kong inaninag ang itsura niya.
Lalaki.

N-na m-may mapupulang mata.
Nanginig ako sa takot.
Mata lang niya ang nakikita ko.
Masyadong madilim at masakit sa mata ang pagpatay sindi ng ilaw.

Naramdaman ko ulit na may tao sa likod ko. Gusto kong lumingon pero napako lang ang tingin ko sa mapulang mata ng lalaki. Nakakakilabot pero di ko maialis ang tingin ko sakanya.
Totoo ba to?

Kung panaginip lang ito gusto ko ng magising.
Masyadong nakakatakot ang nilalang sa harap ko.
Hindi ko napansin ang mabilis na paglapit niya sakin.
Natulala ako.

Hindi ko parin makita ang mukha niya. Tanging mata niya lang na kumikislap sa dilim ang nakikita ko.
Hinaplos niya ang mukha ko.
Nanigas ako.

Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko.
Naramdaman ko ang isang daliri niya sa sentido ko.
Idiniin niya iyon.

"You and I, Collide~"
itinuloy niya ang last part ng chorus ng kanta. Masarap sa pandinig ang boses niya.

Yun ang huli kong narinig
Bago ako mawalan ng malay.
-End of flashback-

That song. Tsk.

"Jocas okay ka lang?"-Trisha.
Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti..

Nagthumbs up ako kaya nagsimula na silang tumugtog..

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Where stories live. Discover now