Chapter 27

1.6K 50 1
                                    

Emerald at the media!

Jocas' POV

Naalimpungatan ako dahil sa isang napakagandang tinig ng lalaki...

Iminulat ko ang mga mata ko....
Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya...
Nakatulog pala ako dahil sa walang tigil na pag iyak..
Huhu.. Kainis... Nandito parin pala kami sa ilalim ng puno dito sa Oval.

" If only I could stay asleep, at least I could pretend you're thinkin' of me~" kanta ni Lucas...

Nakatanaw lang siya sa malayo..mukhang hindi niya napansin na nagising na ako. Anong klaseng bampira to?! Ang hina ng senses. Parang anlalim ng iniisip niya.

" 'Cause nighttime is the one time I am happy, you see in my dreams~" -Lucas

Napakaganda ng boses niya. Walang duda... Kung hindi ko lang mahal si Rasuken, baka nainlove na ako kay Lucas..

Kung sakaling si Lucas ang una kong nakilala kesa kay Rasuken? Mamahalin ko kaya siya? Katulad ng pagmamahal ko ngayon kay Rasuken?

" We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time~"

Bahagya siyang napatingin saakin dahil sinabayan ko siya sa pagkanta... Ngumiti siya at itinuloy ang kanta. Ginaya ko naman siya.

" And I don't know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams~"

Ilang beses na ba kaming nagduet neto? Kay Rasuken kasi, never pa eh.

"Tulog mantika tsk." Sabi niya tsaka siya tumawa ng mahina...
Inalis ko ang pagkakasandal ko sa balikat niya...

"Sorry naman daw!" I said while pouting.

"Pfft! Haha! Ampanget mo! Mukha kang zombie! Mugto yang mata mo haha!"

Hinampas ko siya ng bag ko..

Laitin ba naman ako?!! So ano?! Mas lumaki ang lamang ng ganda ni EMERALD kesa saken?!! Tch!

"Pfft.. Halika na nga!"-Lucas. Tumayo na siya at pinagpag ang likuran ng pants niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nagtaka naman ako.

"Huh?"-ako.

"Well, Miss Jocas, Lunch time na po. Hindi tayo nakapasok sa dalawang subject natin kanina dahil po sa tagal ng tulog mo po. So ano po? Tara na po?" sabi niya habang nakaplaster sa pagmumukha niya ang mapang asar na ngiti..

Sinimangutan ko siya pero tinanggap ko naman ang kamay niya.. Inalalayan niya akong tumayo..

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria.

"Sa tingin mo, magkasama kaya sila?" Tanong ko..
Alam naman niya siguro kung sino yung tinutukoy ko diba?
Nagkibit balikat siya...

"Maybe No, Maybe Yes" sagot niya..

Tss... Kumukulo nanaman ang dugo ko..
Pinagtitinginan kami habang naglalakad kami sa hallway...
Rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila...
Naiinis na ako at the same time, nasasaktan.

'Sure kang may ibang Gf si fafa Jin?'

'Oo. Infairness, mala-dyosa ang beauty nung girl'

'Yung transferee? Gilpren ni Jin?'

'Anong name nun girl?'

'Emerald daw eh! Gosh bagay sila!'

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Where stories live. Discover now