Prologue: Collide

6.9K 177 4
                                    

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity

Prologue

"The dawn is breaking~
A light shining through~🎵"

Kasalukuyan akong naglalakad sa kailaliman ng gabi.
Pauwi na ako sa bahay.
Ako kasi ang nautusang bumili ng midnight snack sa convenience store na medyo may kalayuan sa bahay. Pero keri lang naman lakarin.

Medyo kinikilabutan ako dahil madilim na sa daan.
Meron pa akong madadaanan na poste ng ilaw na patay-sindi. Naman. Nasa horror movie ba ako? -_-

Itinuloy ko ang pagkanta ko upang mabawasan ang takot na nararamdaman ko.

"You're barely waking~
And I'm tangled up in you
Yeah~"

Naramdaman kong parang may sumusunod saakin.
Paglingon ko sa likod ko

Wala naman -_-

"But I'm open, you're close
Where I follow you'll go
I worry I won't see your face
Light up again~🎵"

Sige lang Jocas. Ikanta mo nalang yang takot mo.

Naramdaman ko ulit na parang may sumusunod saakin.
Naku naman! Baka rapist tong isang to >_<
Takbo na kaya ako?
O sumuko nalang kaya ako?
Ay wrong. Wag ganun.

Tinatagan ko ang loob ko at tumingin ulit ako sa likuran ko.

Walang tao. Tss.
Paharap na sana ako ngunit may mabilis na aninong dumaan.
Nagtaasan ang balahibo ko.
Syet. Minumulto na ata ako!!! >_____<
mameeeeh!

Itinuloy ko ang kanta. At binilisan ang paglalakad.

"Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme~"

Malapit ko ng madaanan ang poste ng ilaw. Yung patay-sindi. >___<
Jusko lord. Ibigay mo sakin ang shield ni Captain America T_T

"Out of the doubt that fills my mind~
I somehow find---" napahinto ako ng matapat ako sa poste.

M-may ta....t-tao.
N-nakatapat siya sa patay-sindi na ilaw.

Hindi ako makagalaw.
Gusto kong sumigaw pero di ko magawa.
Gusto kong tumakbo pero di ko kaya.
Di ko alam kung bakit.

Natatakot ako pero di ako makatakbo palayo.

Pilit kong inaninag ang itsura niya.
Lalaki.
N-na m-may mapupulang mata.
Nanginig ako sa takot.

Mata lang niya ang nakikita ko.
Masyadong madilim at masakit sa mata ang pagpatay sindi ng ilaw.

Naramdaman ko ulit na may tao sa likod ko. Gusto kong lumingon pero napako lang ang tingin ko sa mapulang mata ng lalaki. Nakakakilabot pero di ko maialis ang tingin ko sakanya.

Totoo ba to?
Kung panaginip lang ito gusto ko ng magising.
Masyadong nakakatakot ang nilalang sa harap ko.

Hindi ko napansin ang mabilis na paglapit niya sakin.
Natulala ako.
Hindi ko parin makita ang mukha niya. Tanging mata niya lang na kumikislap sa dilim ang nakikita ko.

Hinaplos niya ang mukha ko.
Nanigas ako.
Parang tumigil sa pag ikot ang mundo ko.
Naramdaman ko ang isang daliri niya sa sentido ko.
Idiniin niya iyon.

"You and I, Collide~"
itinuloy niya ang last part ng chorus ng kanta. Masarap sa pandinig ang boses niya.

Yun ang huli kong narinig
Bago ako mawalan ng malay.

*****

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Where stories live. Discover now