First Meeting

19.5K 241 2
                                    

It's Saturday so it means last day of duty for this week. Party party all night. My groupmate Sui, a chinese friend of mine asked me to go out with her and her friends tonight. And since gusto kong lumabas, pumayag ako at sobra na akong na e excite.

Sui and her friends are party people, they always hang out. Lagi ko kasi nakikita iyong mga ina upload niyang pictures nila sa fb. Her friends are foreigners too, from different countries. Excited ako kasi first time kong maka hang out si Sui and meet new friends?! Sana.

At RL Restobar

9pm when we arrived, my roommate and my friend DD came with me. Mabilis akong matamaan, nalalasing ako agad so I decided to ask her to go out with me. Buti nalang at pumayag siya.

Its Saturday night and as I was expecting ang daming tao, sobrang daming tao. Hirap na hirap ako kalilingon kung saan naka pwesto sila Sui. At nang mapagod ako, We went out and I call Sui "Hey Sui! I was inside a while ago but I can't find you. I'm here outside, can you come?"

"Okay. wait for me!!" sagot niya. After 5 minutes, dumating si Sui "Xi, I'm sorry. haha. You see, it's too hard to pass through them.. tsk!! come on, let's go inside my friends are there." Paliwanag niya.

Masyado ngang maraming tao, mahirap dumaan patungo sa mga kaibigan ni Sui, nakakapagod makipagsiksikan. Nang makarating kami, agad kaming naupo. At isa isang pinakilala ni Sui iyong mga kaibigan niya sa amin ni DD.

Someone caught my attention, his name is Alex, he's tall with fair skin. Gwapo siya, DD also likes him. Kaso mayabang pero may maipagmamayabang naman. Kasi magaling siya mag english unlike sa ibang kalahi niya lumaki daw kasi sa US. Marunong din siya ng iba't ibang dialect ng pinas. 3rd year Mass Communication student siya sa ibang University, 26 years old.

Nung una hindi niya ako pinapansin, masyado siyang busy sa pakikipag kwentuhan sa isa nilang kaibigan. Nakikipagkwentuhan naman ako kay Sui at Leyla. DD went out kasi bumili ng yosi.

Nagpaalam si Sui at Leyla para mag cr. Naiwan akong mag isa at tumabi si Alex sa akin. "Hi! are you okay?" tanong niya.

"Yeah. I'm fine." nakangiting sagot ko nang biglang bumalik si DD at naupo siya sa gitna namin ni Alex. Haaay! Moment ko na nawala pa. Wrong timing ka naman DD. Inirapan ko siya pero hindi niya nakita.

Nang makabalik sila Sui, uminom nalang ako ng uminom at nakipagkwentuhan sakanila. While si DD and Alex may sarili na atang mundo. Tsk tsk. Si alex hinahawakan iyong kamay ni DD, nagseselos ako, gusto ko din. Haha. Nang maramdaman kong medyo tumama na iyong alak sa sistema ko, sinandal ko iyong ulo ko sa balikat ni DD habang nakaakap ako sa braso niya.

Pinagpatuloy naman nila Sui ang pag inom at paglalaro. Kami na ang pinaka mainggay, ang lalakas ng tawanan nila dahil sa larong nilalaro nila. Nang magsimulang manigarilyo si DD, nilipat ko iyong ulo ko sa bandang likuran niya at sumandal sa kanya. Hinahawakan ni Alex iyong braso ko at hinahaplos, hindi ko nalang pinansin iyon. Nakayuko ako at sinusubukan makaidlip kahit saglit lang para mawala iyong tama ng alak sa akin, pero makulit si Alex, iniaangat niya iyong ulo ko para makita niya daw iyong mukha ko.

"Hey stop it!" inis kong sabi. Pero hindi niya ako pinansin. Hinihila niya iyong buhok ko at iniikot ikot niya sa daliri niya habang tumatawa.

"Miss... Miss... Look at me, I'll tell you something" sabi niya habang hinahawakan iyong pisngi ko. Tinabig ko iyong kamay niya at tumingin sakanya. He suddelnly kiss me on the lips, smack lang. Tumayo siya at ngumiti "Wait for me. Don't sleep. I'll come back." Paalam niya at umalis siya sa kinauupuan niya.

Nawala tuloy bigla iyong antok ko. Nakipaglaro na din ako sa mga kaibigan ni Sui, kung sinong matatalo iinom ng 2 shots. Patay ako neto. Malalasing na talaga ako ng bongga. Hindi naman ako laging talo pero mabilis talaga akong nalasing kaya sumandal nanaman ako kay DD, tibay talaga netong taong toh, di pa nalalasing.

At dumating si Alex, umupo siya sa dating pwesto at kinalabit ako. Inabotan niya ako ng tubig "Salamat!" sabi ko.

"Welcome" Sabay kindat at hinalikan nanaman niya ako pero sa pisngi naman. Flirt talaga. Ginugulo niya nanaman ako, pinanggigigilan niya iyong braso ko at hinahawan niya iyong kamay ko. Maki ride on na nga lang sa trip netong taong toh! Kaya tinignan ko siya at ngumiti ng pagkatamis tamis.. Ngumiti din siya at bigla niyang hinawakan iyong batok ko and he kissed me again. Oh please!! Torrid iyon, torrid. Nakaramdam ata si DD kaya lumipat siya ng ibang upuan. Lumayo naman ako kay Alex kasi baka maulit ulit.

Attracted ako sakanya pero, kakakilala palang namin tapos ganun na ang nangyari. Baka isipin niya pang mas masahol ako. Tumabi ako kay Sui at sumandal sakanya. Hindi ko na ulit tinignan si Alex. Nakakahiya.

Alex and his friend Pat decided to go first by 12midnight. Kaya nagpaalam na sila "We'll go ahead. See you again next time guys. Nice meeting you." Hindi ko man lang inangat iyong ulo ko para tignan siya. "Thank you. I hope to see you again." Bulong niya sa akin kaya napatingin ako sakanya. Hindi ko man lang napansing nakalapit na pala siya sa akin. Tinanguan ko nalang siya kasi wala akong masabi. Akala ko aalis na siya nung sumandal ulit ako kay Sui pero hinalikan niya pa muna ako sa pisngi. "Bye Xia." at umalis na sila.

Nagtawanan sila dahil sa reaction ko. Eh sa nagulat ako eh. Kaya tahimik pa din ako nang biglang magsalita si Sui "Don't believe that Alex man, he's such a flirt and a playboy. He just want one night then goodbye. Don't try to fall with him. I know you well Xi, you easily fall for a guy, especially korean guy. So take my advice. Okay?" At hinug niya ako. Alam kong pinaaalalahanan niya lang ako.

"I know right" Sabi ko nalang. Sa hitsura ng Alex na iyon, masasabing playboy talaga. Gwapo eh matangkad pa nasa 6'1" siguro height nun. Eh ako 5'6" lang.

30 minutes nang makaalis si Alex at Pat nang mapagdesisyonan narin naming umuwi. Inaantok na talaga ako. Nagpaalam ako kay Sui at sa iba pa niyang kaibigan. Lumapit si Leyla at sinabing "Pat got your number a while ago, I gave it to him. I got it from Sui's cellphone. Baka magtaka ka kung saan niya kinuha number mo kasi magtetext iyong mga iyon sayo for sure. Because they just went to other bar, hindi pa sila umuwi." Sabi ko na nga ba eh. Mga lalaki talaga.

"Okay. Dont worry. Di ako magrereply." Sagot ko. At nagpaalam ulit sa isa't isa tsaka kami kanya kanya na ng uwi.

Nang nakararing kami sa boarding house ni DD, naglinis ako ng katawan at nagpreprepare na sa pagtulog when my phone beep, someone sent me message. "Hi! It's me Alex. Where are you?"

Akala ko si Pat ang magmemessage sa akin, kinilig ako nung mabasa kong si Alex pala. "Home. we just arrived. why?" reply ko.

Agad agad namang nagreply. "Ahhh. Nothing. Okay, now take a rest. Goodnight and sleep well. Dream of me:). Hahaha" Pero hindi na ako nag reply.

Ipipikit ko na sana iyong mata ko nung nag message nanaman siya "I enjoyed the kiss:* Thank you so much. I hope to see you again and hang out with you soon. Goodnight pretty." Bigla ko tuloy naalala iyong kiss na iyon. Kahiya kaya di ko nalang pinansin at natulog na.

GOONIGHT. See you in dreamland:)

One Night with a Korean Guy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon