Chapter 35: Watching You

19.7K 694 21
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Ziggy's Point Of View

Pagkagising na pagkagising ko agad kong kinuha yung phone ko at nag text.

Me: Hey wake up! Pumasok ka ng maaga ah, kain kang marami para hindi ka gutumin sa school.

Maya-maya pa bigla na lang siyang nagreply kaya agad kong binuksan ang phone at chineck yung reply niya.

Janine mysweetie pie: Opo.

Pota kinikilig ako! Bat ganto ang ikli lang ng sinabi niya pero para akong bulkang sumabog dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. She really driving me crazy.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement. Dahil mamaya may inihanda akong mga sorpresa para sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa siya pero sana matuwa siya. Lord tulong para sa taong mahal ko! Agad akong naglinis ng sarili at kumain saka ako umalis ng condo unit at nagdrive papunta sa bahay nila Janine.

Nang makarating ako agad kong inilagay sa tapat ng bahay nila yung yellow rose pagkatapos ay bumalik na ako sa kotse at tinawagan si Tita.

[AN: Mama po ni Janine yung tita na sinasabi niya]

"Uhm hello po."

[Ow hellow Ziggy napatawag ka.]

"Ah opo. Manghihingi po sana ako ng maliit na pabor pero malaking tulong na po."

[Sure what is it? Is this for Janine?]

"Opo."

[Oo ba! Willing akong tulungan ka ship ko kayo eh! Hahaha!]

Weird talaga ni Tita.

"May iniwan po kasi akong yellow rose dyan sa tapat ng bahay niyo. Kapag nagtanong po siya kung kanino galing pakisabi na lang po You'll find out soon." Paliwanag ko.

Alam kong medyo corny yun pero yun ang sabi nila Grayson para mas macurious siya.

[Oo ba! Sweet mo naman! Kinikilig na ako!]

"Sige po Tita, thank you po!" Ibinaba ko na yung phone ko at naghintay ng mga ilang saglit ng biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at lumabas ang napakagandang babae sa mundo.

Napansin kong nagtaka siya ng makita niya yung yellow rose at pinulot niya naman ito at agad na binasa. Pagkatapos ay narinig kong tinawag niya si Tita at lumapit naman siya. Nagdrive na ako paalis. Pakiramdam ko magiging success tong pinlano nila Grayson!

Pagkarating ko sa school kinausap ko yung guard. "Manong pwede po bang pakiabot to kay Janine," sabay abot sa kanya ng lavender na rosas. Aangal pa sana siya ng bigla akong naglabas ng isang libo. "Take it, basta kapag nagtanong siya kung kanino galing pakisabi na lang You'll find out soon." Aniko at agad niya namang tinanggap.

Pagkatapos ay may nilapitan naman akong babae. "Miss pwedeng bang manghingi ng pabor?"

"Bes si Ziggy!"

"I can't believe that he's here right in front of me!"

"Guys tahimik!" Sabi nung babaeng nilapitan ko at bigla na lang siyang nag pacute sa harap ko. "A-anong maitutulong ko sayo? Ziggy right?" Aniya gamit ang matinis na boses. Muntanga lang, inabot ko naman sa kanya yung orange rose. Bigla naman siyang kinilig at pinagpawisan. Para siyang natatae. "S-sigurado ka? Para sakin to?"

"Miss ang sabi ko pabor meaning hindi para sayo ang rosas na yan, ang gusto kong gawin mo ay ibigay yan sa taong mahal ko na si Janine basta kapag nagtanong siya kung para kanino pakisabi na lang You'll find out soon." Kaswal kong saad, at bigla nalang nag-iba yung aura ng mukha niya. Yung kaninang abot tenga niyang ngiti ay nawala at sa halip ay naging simangot yung itsura niya. "Thank you!" Sabi ko at hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at umalis na ko.

Pumunta naman ako sa room namin saka ko bunuksan yung locker ni Janine at nilagay ko yung pink rose doon at agad ko itong sinara.

Meron akong duplicate ng susi ng locker ni Janine dahil bago kami umuwi kahapon nanghiram na ako ng dupicate na susi sa utility worker. Lumabas na ako para imeet sila Lukas. Nakita ko silang naka-upo sa mahabang bench.

"Mamaya alam niyo na sasabihin niyo ah, ayokong pumalpak." Seryoso kong saad.

"Aba talagang sinoseryoso mo ah." Saad ni Matthew.

"Basta sabi mo ah ililibre mo kami ng pizza Yellow Cab ng isang linggo!" Tugon naman ni Grayson.

"Oo wag kang mag-alalang patay gutom ka! Basta dapat umayon sa lahat ang plano."

"Hey dude don't be nervous! Halata ka masyado eh! Para kang nagpipigil ng ihi sa kinikilos mo, chill ka lang." Cool na saad ni Lukas.

"Yah, you know that I never did this before, j-just do what I want you to do." Aligaga kong sambit. Puta bakit ba ako kinakabahan ng ganito? "Sige kita na lang tayo mamaya." Sabi ko at tumango naman sila.

Pumunta na ako malapit sa gate. Nakita kong pumasok na siya at inabot na rin sa kanya ng guard yung rose na pinaaabot ko. Nagtanong siya pero kagaya ng sinabi ni Tita ganun din ang sinabi ni manong guard. Habang naglalakad siya binabasa niya ito ng bigla siyang lapitan nung babaeng hiningian ko rin ng pabor kanina.

Binigay niya yung flower pagkatapos ay dumiretso na siya papuntang room kaya sunundan ko siya. At sa inaasahan binuksan niya yung locker niya at tumambad sa kanya yung pink rose. Binasa niya ito at bakas sa itsura niya ng pagkalito kung kanino galing ang lahat ng iyon kaya bahagya akong napangiti. Umupo na siya sa upuan niya at pumasok naman sila Grayson, Lukas at Matthew sa room na agad kinausap si Janine.

Inabot na nila yung white rose sa kanya at binasa niya ito. Nagulat ako ng makita kong bahagya siyang napangiti matapos niya iyong basahin. Biglang nagpantig yung tenga sa narinig ko.

"Janine you look beautiful." Sabi ni Grayson.

"Why are you saying that all of a sudden?!"

"You look suspicious! You do like her aren't you?!"

Bigla siyang napatingin sa direksyon ko kaya binigyan ko siya ng 'Subukan mo lang' look at bigla namang rumihistro sa mukha niya ang takot.

Umalis na muna ako at pumunta sa rest room kinuha ko naman yung red rose sa bag ko at napatingin ako dito.

Magkahalong kaba at excitement tong nararamdaman ko.

Sana mag work.

*****

Here is the update!!! Hehe, lame ba? Mianhe huhuhu. Keep reading guys kapit lang.

Please don't forget to leave a Vote and Comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now