Chapter 3: Relocate

49.2K 1.3K 75
                                    

««««---------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««---------»»»»

Janine's Point of View

"Ma! What Am I suppose to do? My life was ruined." Yan kaagad ang nasabi ko pagpasok ko pa lang ng bahay.

"Bakit anak anong nangyari." Tanong naman ni mama na halatang nag-aalala.

"Nakipag-friend na kasi sakin si Miss Maddy."

"Maddy?" Nagtataka niyang tanong.

"Short for Madison."

"Wow naman anak kakaiba na ang closeness niyo sa isa't-isa ah, may pa Maddy Maddy ka pa dyan."

"Ma I'm serious."

"Bakit ba! Ano bang masama sa pakikipagkaibigan."

"Ano ka ba Ma alam mo namang famous yun sa campus namin eh, tapos ako? Isang nerd."

"Wag mo ngang laitin yang sarili mo." Pangsesermon naman ni Papa na kakababa lang.

"Oo nga anak maganda ka eh ayaw mo lang mag-ayos." Pagsang-ayon pa ni Mama, sige pagtulungan niyo ako. "Alam mo anak yang kagandahang sinasabi mo walang lang yan sa panlabas na kaanyuan nasa loob yan."

"What do you mean? Dito na lang ako sa bahay buong buhay ko, yun ba yun?!" Binatukan naman niya ako bigla. "Aray ah."

"Yang katangahan ang dapat nasa loob hindi sa panlabas. Ang ibig kong sabihin ay kung may maganda kang katangian dun lalabas ang tunay mong kagandahan." Paliwanag pa niya.

"Maka-akyat na nga." I'll just lay on my bed all day long.

Pagkapasok ko sa kwarto ko nagulat ako ng makita ko si kuya na natutulog ay bwiset siya ah talagang dito pa sa kwarto ko!

"Hoy kuya gising lumabas ka sa kwarto ko." Hindi pa siya nagising. "Hoy dun ka sa kwarto mo matulog!" At tuluyan na siyang bumangon.

"Why?!" Naiirita niyang tugon at talaga siya pa yung may ganang magalit ah.

"Natutulog ka lang naman sa kwarto ko."

"What are you talking about? This is my room and why would I sleep in a room with a bunch of voodoo dolls!"

Huh? Napatingin ako bigla sa paligid at dun lang pumasok sa isip ko na kwarto nga to ni kuya. What the hell! Ibig sabihin pag-akyat ko pa lang dito lutang na yung isipan ko.

"Get out!" Sigaw niya tapos tinulak niya ako palabas saka niya binalibag yung pinto ng kwarto niya.

Ano bang nangyayari sa buhay ko? Maglaslas na lang kaya ako? O di kaya magbitay na lang tapos mag-iiwan na lang ako ng letter kila Mama tsaka ni Papa. Ay hindi, hindi, hindi ako magpapakamatay ano ba naman kasing buhay to! Napahiga ako bigla dahil sa depressed ako ngayon paano ba naman kasi nung nasa cafeteria kami kanina ang daming nakatingin ng masama sakin yung iba pa nga iniirapan ako eh. Minsan lang ako ma stress ng ganito.

Kung tinatanong niyo kung anong pangalan ng mabait kong kuya, Christian Ramirez. Yan, yan lang hindi ko na sasabihin yung mga katangian dahil sigurado naman akong alam niyo na dahil sa inasal niya kanina. Napaisip naman ako bigla na i-check yung mga social media accounts ko. Pagbukas ko pa lang ng facebook ko ang dami nang messages. Ito nanga sinasabi ko eh.

Ayoko na talagang mabuhay lord kunin niyo na ako tutal good girl naman ako hindi ba? Hindi ko na talaga to kaya.

***

Nagising akong may mabigat na pinapasan, parang ayoko pa ngang pumasok eh. Wag na lang kaya! Pero hindi pwede eh, may atraso pa ako kay Sir. Guevarra dahil sa nalate ako! Naligo at nag ayos ako hindi ko gustong pumasok napilitan pa rin ako.

Nagsimula na akong maglakad habang dala-dala ang mabigat kong pakiramdam. Pakiramdam ko magkakasakit ako ng bongga. Habang naglalakad ako may tumatawag sa pangalan wala akong paki-alam kung sino siya at kung may kailan siya. Nung nainis ako dahil sa paulit-ulit niyang pagtawag sakin nag salita ako.

"Ano bang problema mo ha! Kanina ka pa tawag ng tawa–" Natigilan ako bigla ng malaman ko kung sino yung tumatawag sakin kanina at yung sinigawan ko ngayon siya lang naman si Miss Maddy! Naka sakay siya sa sasakyan niya. Oh My God nasigawan ko siya.

"Ow." Wika niya dala ang gulat na expression. "Hindi ko alam na marunong ka palang magalit o sumigaw." Nagtataka niyang tanong.

"Sorry."

"It's fine, sumakay ka na." Huh? Ako sumakay sa kotse niya ayokong mag assume ah pero sa tingin ko yun yung nais niya ipahiwatid eh. Nakita niya siguro na nagtataka ako kaya nagsalita siya. "Dito sakay na."

Nang marakating na kami sa school tinitignan pa rin kami ang sabi naman ni Miss Maddy hayaan ko na lang daw kaya hinayaan ko na lang. Pumunta kaagad ako sa room ko para hindi malate mahirap na. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room sinalubong na kaagad ako nila Eunice, Irene tsaka si Jonica.

"Janine balita ko Friend na kayo ni Miss Madison ah." wika ni Irene, alam na may kailangan.

"Masaya ba siya maging kaibigan?" Tanong naman ni Eunice.

"Sana maging kaibigan din namin siya." Dagdag pa ni Jonica."

"Direct to the point, do you guys have any favor?" Natahimik naman sila bigla see may kailangan nga.

"Pwede ba namin siyang maging kaibigan?" Sabay-sabay nilang sagot.

"Bakit sakin niyo sinasabi yan?"

"Diba kaibigan ka niya." Takang tanong ni Eunice.

"Not at all." Tapos umupo na ako sa upuan ko.

Pagkadating ni Sir Guevarra sinenyasan niya ako ni Sir Guevarra na sumama sa kanya kaya sumama ako. Nandito kami ngayon sa corridor ng room namin.

"Hindi ka nakapunta sa office ko kahapon."

"Kasi po sir..."

"Hindi ko hinihingi dahilan mo."

"Sorry po."

"As your adviser I have decided to relocate you to Ms Ferrer."

"Teka sir bakit po? Maliit lang naman po yung kasalanan ko ah."

"Diba may rules and regulation ako na kapag sumaway ka sakin ng dalawang beses ay..."

"Ililipat po ng section."

"I'm so disappointed to you Ms. Ramirez ikaw pa naman ang top 1 ng class ko."

"Tsaka sir diba room ng section 10 yun hindi po ako papapasukin dun."

"Napag usapan na namin ng Principal yan. Pwede ka na dun."

****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now