Chapter 29: Hesitate

22.9K 688 23
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Janine's Point of View

*Ring...* *Ring...* *Ring...*

Agad kong pinatay ang alarm ng phone ko ng magising ako. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ako bumangon sa kama at dumiretso sa C.R. Sinimulan ko ng maglinis ng sarili ko at ng matapos ay agad akong nag bihis ng leggings at sneaker shoes, nagsuot na rin ako ng jacket dahil malamig.

Dahil sembreak namin ng isang linggo napag isip-isip ko na mag jogging ako  tuwing umaga para naman mabawasan tong fats na meron ako. Kahapon lang din kami nakauwi kaya kahit kaunti nararamdaman ko pa rin ang sakit ng paa at likod ko. Hinanda ko na rin yung phone at earphone ko para habang nagjo-jogging ay nakakakinig ako ng music.
Bumaba ako sa baba at naabutan ko sila mama at si manang sa kusina at nagluluto sila ng almusal.

"Oh ang aga mo naman gumising." Saad ni mama ng mataan niya ako na papalapit sa kanila.

"Magjojogging ako Ma."

"Aba maganda yan para naman kahit papaano pumayat ka."

"Ma please stop teasing me, siya nga pala bakit wala si ate Claire dun sa kwarto?"

"Umalis na siya kani-kanina lang."

"Saan daw punta?" Tanong ko pa.

"Ewan ko ang sabi niya may aasikasuhin lang siya."

Tumango na lang ako at nagpaalam na saka ako lumabas at sinimulan ang pagjojogging. Maganda to dahil 6o'clock pa lang naman kaya madilim at medyo malamig pa, buti na lang at nagdala ako ng jacket.

Makalipas ang 30 minutes ramdam ko na ang pawis ko na tumutulo galing sa buhok ko kaya naman napagpasyahan ko munang magpahinga. Umupo ako sa bench saka ko nakita ang manong na nagtitinda ng fishball kaya agad akong lumapit para bumili.

"Manong sampung pisong fishball nga po." At inabot ko ang bayad ko saka siya kumuha isa-isa ng fishball sa kawali na pinaglulutuan niya.

Matapos kung makabili pumunta naman ako sa malapit na tindahan para bumili ng softdrinks. Tumambay muna ako sa park kung saan maraming naglalaro na bata. Umupo lang ako sa bench habang kumakain at pinanunuod ang mga bata na naglalaro at nagkukulitan.

Naagaw ng pansin ko ang dalawang bata sa gilid ko na nag-uusap.

"Jelly may sasabihin ako sayo." Sabi ng batang lalaki at kita sa mukha niya ang pagkahiya.

"Ano yun Aaron?" Sagot naman ng batang babae.

"M-may gusto kasi ako sayo." Sambit ng batang lalaki at ngayon ay nakayuko na.

Bigla na lang kumabog ng malakas tong puso ko at pakiramdam ko ako sinabihan niya. Bigla ring nag flashback sa utak yung oras na nag confess sakin si Ziggy. Sa pagkakataong ito siya lang laman ng isip ko at yung mga pagyayari kung saan nagtapat siya sakin ng nararamdaman niya.

"Hindi kita gusto eh." Napalingon ulit ako dun sa dalawang bata ng marinig ko ang sagot ng batang babae.

I suddenly felt so bad for the little guy who was just express his feelings for the little girl but unfortunately the girl doesn't want her.

Tumayo na ako at hindi ko na inubos ang kinakain dahil pakiramdam ko apektadong apektado ako sa pangyayari. Itinuloy ko na lang ang pagjojogging.

Habang nagjojogging bigla kung naisip na masakit man para sa batang lalaki na hindi siya ng gusto ng gusto niya but I realized that it wasn't the right time for them to have a relationship even though he really love her. Haa! Sasabog tong utak ko sa kakaisip.

Napa-isip rin ako sa sitwasyon na meron kami ngayon ni Ziggy, para sa kanya hinayaan ko na siyang ligawan ako pero hindi ko pa rin maintindihan ang pangyayari. Pakiramdam ko masyado naming minamadali kung ano man ang meron samin.

And all of a sudden bigla na lang akong nabunggo at tumalsik. Agad akong nakaramdam ang pananakit ng katawan ko kaya hindi ko napigilang ang pagsigaw. At dun ko lang din napansin na tao ang nabangga ko at kagaya ko natumba rin siya pero pero hindi katulad ko na almost liparin na. Nang makatayo siya agad siyang lumapit sakin para tulungan ako.

"Oh Miss ayos ka lang?" Nangmakalapit siya sakin mas naging klaro ang mukha niya and I found out that he is a good looking. Parang kanina lang gusto ko siyang sigawan at sakalin pero ngayon parang gusto ko na siyang yakapin. "Miss? Ok lang? Nakatulala ka lang eh."

"A-aahhh oo o...okay lang ako– ouch!" Naramdaman ko ulit pananakit ng katawan ko.

"No you're not okay, wait." Without any hesitation he lift me using his right arm on my back and left arm on my knee like a new marriage husband and wife. Char!

Hindi ko alam lung saan niya ako dadalhin pero feeling ko wala naman siyang gagawing masama sakin kaya hindi na lang ako nagsalita. Mga ilang saglit pa ay pumasok kami sa isang bahay. Pagkapasok namin sa sala ibinaba niya ako sa sofa samantalang siya naman ay nagpunta sa kusina.

Maya-maya pa ay bumalik siya na may dalang isang basong tubig. "Are you alright? Anong masakit?" Aniya sabay abot sakin ng tubig.

"Ahh... Y-yung paa ko lang yung nananakit."

"Okay lang ba sayo kung hilutin ko?"

"H-ha... S-siguro." OMG I feel strange.

Umupo siya sa tabi ko, itinaas ko naman ang paa ko at inilapat sa sa legs niya. Agad niya naman akong hinilot at ang sarap ng hilot niya dahil feeling ko nawawala yung pananakit ng paa ako.

Hanggang ngayon naiisip ko parin kung tama bang madaliin namin ni Ziggy kung anong meron kami kaya naman naisip kong mag open up sa kanya ng problema.

"Uhm... Nagka girlfriend ka na ba?"

"Oo bakit?"

"Until now kayo pa rin?" Bigla na lang nag-iba ang itsura niya at naging malungkot. "S-sorry–"

"No. Okay lang actually last year pa kami nag break."

"May tanong ako. Kasi pakiramdam ko masyado naming minamadali kung ano ang meron samin, so ano ba dapat kung gawin?"

"In my own opinion you should know him better before you set yourself in a relationship."

"So ano ang dapat kung gawin kasi ngayon hindi ko alam kung tama ba yung desisyon ko."

"It is always up to you pero kung ako tatanungin it would be better if you settle down and recognize him first."

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now