Chapter 19: Hangover

27.1K 807 13
                                    

««««----------»»»»

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

««««----------»»»»

Ziggy's Point of View

Pagkarating ko sa condominium na tinutuluyan ko, agad kong ipinark ang kotse ko sa parking lot ng condominium na to, saka ko siya muling binuhat papasok ng condo.

"Good day sir!" Bati sakin ng receptionist. At ganun din ang ibang mga employee sa pagbati sakin.

Nang marating ko na ang condo unit ko saka ko iyon binuksan at ipinasok si Janine sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang napaka amo niyang mukha habang natutulog ng matiwasay. Pag tinitignan ko ang mukha niya parang tumitingin ako ng magandang painting.

Nagulat ako ng magising siya at mabilis na napaupo at ang sumunod na nangyari ay sinukahan niya na ako. Great, just great. Matapos niya akong sukahan nagpatuloy na ulit siya sa pagtulog niya.

Napabuntong hininga ako at pumunta sa cr para maligo. Matapos kong maligo agad akong nagbihis ng sando at boxer short.

Pagkalabas ko kinuha ko ang gitara ko at umupo sa sofa na tabi ng kama. Sinimulan ko iyong patugtugin kasabay ng aking pagkanta.

"We don't have to be ordinary, make your best mistakes."

"Cause we don't have the time to be sorry, so baby be the life of the party."

"I'm telling you to take your shot it might be scary, hearts are gonna break."

"Cause we don't have the time to be sorry, so baby be the life of the party."

After that naglatag ako ng higaan sa tabi ng kama na tinutulugan ngayon ni Janine. Napahiga ako pagkatapos kong malatag ang higaan, dahil sa pagod na rin ako mabilis rin akong nakatulog.

*****

Janine's Point of View

Pagkagising na pagkagising ko at kahit wala pa ako sa wisyo napa-upo ko mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Alam kong condo to pero hindi ko alam kung kanino ito at kung paano ako napunta dito.

Napatayo ako at agad na inobserbahan ang buong kwarto. Hindi to condo ni kuya dahil alam ko ang pagkakadisenyo ng condo niya. Pero paano ako napunta dito? It's either may nagdala sakin dito or kusang pumunta ang katawan ko dito. Pero imposible namang kusa akong pupunta dito eh wala nga akong maalala kagabi eh.

Nang maalala kong may hangover pa ako bigla na lang sumakit ang ulo ko. Teka? May nagdala nga sakin dito, kailangan kong maging aware sa paligid dahil hindi ako sigurado kung sino ang nagdala sakin dito. Kinuha ko ang pinaka malapit na bagay sakin at yun ay ang gitara magagamit ko to pag defense and at the same time pang offense.

Naglakad ako palabas ng kwarto ng may narinig ako yapak ng paa papalapit sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang ihampas sa kanya ang gitara na hawak ko pero nahawakan niya ito at napigilan.

"What do you think are you doing?!" Ay teka! Kilala ko yung boses na yun ah.

"Z-ziggy." Unti-unti kong iminulat ang mata at nalamang siya nga, agad niya namang inagaw sakin yung gitara niya.

"Ano bang problema mo ha! Parang balak mo pang sirain tong gitara ko."

"H-hello? Hehe." Bati ko sa kanya. "Goodmorning?"

"Tsss...." Aniya sabay talikod sakin at naglakad.

"Wait lang. Ano bang nangyari kagabi?" Tumigil siya pero hindi siya lumingon.

"Wag mo ng alamin mapapahiya ka lang." Natigilan ako bigla. Parang nanlambot yung paa ko sa sinabi niya, na curious tuloy ako bigla kung ano yung nangyari kagabi. "Sumunod ka sakin dito ka na mag breakfast." Saad niya pa.

Napatango na lang ako at matamlay sumunod na sa kanya, nakita kong naka-ayos na ang lamesa at nakahain na rin ang mga pagkain. Napatingin ako sa pagkain thatI think he prepared.

Una kong tinikman yung soup at wag ka ang sarap. Hindi siya katulad ng ibang soup saka napaka unique ng lasa parang hindi lalaki yung nagluto nito.

"Paano nga pala ako napunta dito?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa paglamutak ng pagkain.

"You got drunk."

"Alam ba nila kuya na nandito ako?"

"Hindi. They were also drunk." Naku lagot ako kay kuya nito kapag nalaman niyang nalasing ako.

"Ano ngang nangyari kagabi bakit ayaw mong sabihin?" Pagsusumamo ko.

"Gusto mo talagang malaman?" Tumango ako. "Nilawayan mo lang naman yung unan ko." Habang kumakain bigla akong naibuga ang pagkain na nasa bibig ko.

Talaga?!

Hindi ako tumingin sa kanya at nagkunwaring walang narinig. Grabe nakakahiya ako! Hindi naman ako naglalaway ah. Matapos naming kumain ako na ang nagpresentang maghugas dahil nakikain lang naman ako dito.

"Wala ka pa bang balak umuwi?" Aniya na ngayon ay naka-upo na sa sofa.

Nagpunas ako ng kamay sa apron at tiningnan yung phone ko. Shemay lowbat pa ako.

"Uhm... Ziggy pwede bang makicharge muna, hehe." Agad naman niya akong inabutan ng charger. "Thanks."

Umupo ako sa tabi niya.

"Permanent unit mo ba to o tinutuluyan lang." Tanong ko.

"Tinutuluyan." Maikling sagot niya.

"Saan ka madalas umuuwi?"

"Dito."

"Eh ilan naman kay-"

"Stop asking."

"Edi sorry. Sungit." Bulong ko sa sarili ko.

Dahil nakaka walang gana siyang kausap, naisip kong maglibot dito condo niya. Na attract ako sa cabinet na punong-puno ng mga kwintas. Agad ko itong nilapitan at isa-isang sinuri. Grabe ang gaganda naman.

Binuksan ko pa ang sa gitnang cabinet at laking gulat ko ng makita ko ang kwintas na katulad ng sakin, yung kwintas na binigay sakin ni pikachu. Pero.... Siya kaya yun?

Bigla niyang kinuha sakin yung kwintas.

"Ano ba! Bakit ka ba nangingi-alam!" Sigaw niya sakin.

"Sayo ba yan?" Sabay turo ko sa hawak niya.

"You should go home, your parents are probably going insane now looking for you."

"Pero-"

"Ihahatid na kita."

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon