CHAPTER 36: The Real Reason

Start from the beginning
                                    

"Shane.. My friend," tumambad sa kanya ang isang lalaki na may mga kasamang bodyguard. Kinutban ako na si Mr. Valdez iyon. Agad akong nakapag-tago sa likod ng pinto. Buti nalang at nauna si Shane na mag bukas ng pinto at buti na lang matangkad siya kaya agad niya akong naitago.

"Mr. Valdez?! Ano po ang ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Shane.

Sabi ko na siya nga 'yon.

"Gusto ko lang sana kamustahin ang Four Maidens. Balita ko magaganda raw mga 'yan a. Nakita ko sa TV, mukhang masasarap!" Sagot ni Mr. Valdez.

Kadiri siya! Napakabastos! Pag ako 'di nakatiis makaka-tikim sa'kin ng dragon kick 'to e!

"Nakaalis na po silang lahat Mr. Valdez," sambit ni Shane.

"Tsk! Sayang naman! Ano magaganda ba?" Tanong ni Mr. Valdez.

"A... E... Parang hindi po. Parang nakuha lang po sa make up," sagot ni Shane.

Kung 'di ko alam na nagkukunwari lang si Shane baka nakatikim din sa akin ng dragon punch 'to e. Magaganda kaya kami nila Ate Candice.

"Talaga ba? Tsk! Sayang naman... Hmm... Siguro dapat ko silang makita sa personal."

"Naku Mr. Valdez huwag na! Mag-aasakya ka lang po ng panahon. Tara na po. May shooting pa po ako," katwiran ni Shane at inaya niyang umalis si Mr. Valdez.

Isinara niya ang pinto at naiwan akong mag isa. Phew! Nakahinga ako nang maluwag. Kinabahan ako doon a!

Ilang saglit pa ay saktong nag text na si Papa na nasa labas na siya ng studio at hinihintay ako.
Nakauwi naman kami ng ligtas ni Papa.

Pinili ko'ng hindi sabihin kay Papa ang sinasabi ni Shane na maaari kong ikapahamak. Ayaw kong madamay siya, lalo na ngayon na mukhang masaya siya sa bago niyang girlfriend na si Aling Evang.

Sa loob ng isang linggo, palagi akong kinakamusta ni Shane through text and call. Iba iba ang number na ginagamit niya. Siguro nangangamba siya na baka may way ang kalaban na ma-trace siya. Mukhang hindi pa naman ako napapansin ni Mr. Valdez sabi niya. Hindi rin ako lumalabas ng bahay, sa takot na baka may biglang dumukot sa akin.

Matapos ang isang linggo may live performance na naman kami sa TV.

Muli kaming nagkita kita ng mga ka-grupo ko at ni Ms. Ange. Gusto ko sanang sabihin kay Ms. Ange ang tungkol kay Mr. Valdez, kaya lang hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang impluwensya ng pervert na 'yon and I don't really want to know.

"Oh girls! Kamusta ang bakasyon?" Tanong ni Ms. Ange sa amin.

Kanya kanya namang nagkwento ang mga ka grupo ko kung paano nila nilubos lubos ang isang linggong bakasyon bago ang sunod sunod na performances namin.

Napansin ni Ma'am na mukhang malalim ang iniisip ko dahil hindi ako sumagot sa tanong niya.

"How about you Valerie? Mukhang may iniisip ka. May problema ka ba?" Tanong ni Ms. Ange.

"W-wala naman po. Pero pwede ko po ba kayong makausap?"

"Sure dear!" Sagot ni Ms. Ange at lumayo muna kami kila ate Candice. "Girls mag uusap lang muna kami ni Valerie ah! Maiwan muna namin kayo."

Pumasok kami ni Ms. Ange sa office niya at nag-usap.

"Ms. Ange, gusto ko na po sana mag quit sa grupo."

"Huh?! Bakit naman?! May naging issue ka ba sa mga ka grupo mo? Anong problema hija? Sabihin mo dahil baka kaya kitang tulungan." Nagaalala si Ms. Ange, I wish I can tell her the truth.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now