Chapter 45: Cancel Mission

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bumaba na tayo." Pagyaya nya sa akin na ikinatango ko.

Dahan-dahang sumayad ang mga paa namin sa lupa at nakita ko na sila na nagtatalo sa aking harapan.

"Guys." Mahinang tawag ko sa kanila na ikinahinto nila sa pagtatalo.

Sabay-sabay silang napatingin sa gawi ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Cashmere!" Sabay-sabay muli nilang sigaw maliban kay Cap Rence syempre ("-____-) ano bang aasahan mo dyan.

Agad akong niyakap ni Andrei habang tumatalon-talon pa. Galak na galak eh noh? Isa pa, ano rin bang aasahan mo sa childish na to?

"Moon Ten." Napalingon naman sila sa katabi kong si Cristina bago nanlaki ang mga mata at napayuko. Eh?

"D-Diwatang C-Cristina." Mautal-utal na sambit ni Jayden habang nakayuko rin.

Diwata? Ewan ko kung matutuwa ako o kung ano eh. Oo dahil tama ang hula ko o hindi dahil nasa katabi at nakasama ko ang isang diwata na hindi ko binigyan ng yuko man lang kanina? Waaaaaaahh!

"Anong pakay ng isang diwata sa amin?" Walang ekspresyong sabi ni Rence habang nakayuko rin, ibang klase rin sya huh.

"Nais kong patigilin kayo sa misyon." Madiin at puno nang otoridad na sambit ni Cristina na ikinasinghap nila pati ako. Masyadong straight to the point eh.

"N-Ngunit hindi m-maaari yang nais m-mo diwata." Nauutal ring sagot sa kanya ni Vanessa.

"At hindi rin maaari na mamatay kayo ngayon."

Napakunot noo naman ako sa narinig gayundin sila. Kaya ba hindi pa pwede at hindi pa ngayon ang oras?

"D-Diwata------"

Agad nang pinutol ni Captain Rence ang sasabihin pa sana ni Ferresa. "Sumunod na lamang tayo. Salamat sa paalala diwata. Ngunit hindi mo kami mapipigilan kung bumalik kami muli."

Ngumiti naman si Cristina kay Rence. "Mabuti kung ganun, kung makakabalik pa kayo ay tyak na ikagagalak ko iyon."

Nagsimula nang umayos ng tayo ang mga kasamahan ko at seryosong tumingin kay Cristina gayundin ang ginawa ko, nakikigaya lang.

"Sa ngayon, kailangan ko na kayong iaalis dito bago kayo matunton ni Puppet." Buntong hiningang sambit ni Cristina bago ako tignan sa mga mata. "Alam kong balang araw masisira ang iyong tiwala, mawawarak ang iyong puso at mahihirapan kang mamili sa kanila."


Minsan talaga mapapamura ka na lang eh. Why this people keep saying this kind of stuff? Aware ba sila na ikamamatay ng isang tao ang curiosity? Omegad! I'm gonna die!


"Ihahatid ko na kayo."



Wala nang nakapagsalita pa sa amin ng isa-isa nya kaming balutin ng usok. Nakaramdam ako ng matinding hilo at paghila ng antok kaya unti-unti na akong napapikit.


Napadilat ako ng may maramdaman akong yumugyog sa akin. Medyo malakas sya kaya magiging ka talaga. Inis kong tinignan kung sino man yun, ang sakit ng ulo ko eh! Kitang tulog ang tao. Pashnea.


"Cashmere gising!" Naiiritang pagyuyogyog pa rin sa akin ni Dennis.


"Gising na nga eh!" Singhal ko sa kanya habang sapo-sapo ang aking ulo.


"Ay. Huehue. G-Gisingin na rin n-natin sila k-kuya. Dali." Utal utal na sambit nya nang titigan ko sya ng masama. Napabuntong hininga naman ako at nilibot ang paningin, namataan kong tulog pa ang iba maliban sa aming tatlo nila Dennis at Cap Rence. Sigh. Ano pa bang aasahan mo kay Rence diba? Tss. Nasa labas na kami ng academy. Dito muli sa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung anong powers ng diwatang yun at nakaka-amaze masyado. Nakakatakte ("-_-)7


Nilapitan ko na sina Carlos at Andrei. Una tapik tapik lang at nagising na si Carlos habang humihikab kaya ginising ko naman si Andrei. At pishti! Ayaw magising.


"Balutan mo ng yelo." Humihikab na sambit ni Rosby na nasa gilid ko na. "Bago ko pa man paulanan yan ng ribbon blades ko nang magkalasog-lasog ang katawan." Ngingiti-ngiting dagdag pa nya.


Napangiwi na lang ako sa kademonyohan ng babaeng to at sinimulan ko nang balutan ng yelo ang mga paa ni Andrei. Tss. Mukhang nag-eenjoy pa eh. Pinaakyat ko ang yelo hanggang tyan na nya so kalahating ice man na sya. Lols. Ipapaakyat ko pa sana ang yelo nang may pumigil sa akin. Napalingon naman ako sa may-ari ng kamay na iyon at nakita ko si Rence na walang ekspresyon.


"Ikamamatay nya pag-umabot ang lamig sa puso nya." Poker face nyang saad. "Ako na."


Natigilan naman ako sa sinabi nya at gumilid na. Tama sya eh. Maaaring ikamatay nga talaga ni Andrei yun! Ugh! Stupid! Stupid Cash.


May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako sa likuran ko at namataan ko naman roon si Patrick at Jayden.


"Lagi na lang ba syang tama?" Nakangiting tanong ni Patrick na ikanatango ko. "Masanay ka na. Captain eh."


Napailing-iling naman si Jayden dahil doon at napatawa ng bahagya. Relate sila ganern?


"Kyaaaaaaaahh!"



Agad kaming napalingon lahat kay Andrei nang bigla itong magtititili.



"Wag kapitan!" Nanlalaking matang pagpipigil ni Frank kay Rence na nakangisi.


Napapalunok na lamang ako sa nasasaksihan. Naglalabas ng apoy si Rence patungo kay Andrei na nagising na ang diwa at nagtatakbo habang tumitili. Susunugin nya ba?


Itinigil naman nya ang paghahabol ng apoy kay Andrei nang magtago na ito sa likod ni Vanessa. Sigh.


"Captain naman eh. Ambad mo! Muntikan na ako------"



Agad namang naputol ang sasabihin ni Andrei ng maglabas muli ng apoy si Rence habang pinapalutang ito sa kanyang palad.


Nang makita ni Rence na natahimik kaming lahat, ipinatama na nya ito sa invisible barrier kaya lumitaw na ang academy. Hinagisan nya muli ng apoy ang academy at tumama ito sa gate, unti unti itong umilaw at nagbukas na.


Napangiti na lamang kami. At least. Nakabalik rin.


"Atlast! Were back!" Hiyaw nila Carlos bago magsitakbuhan papasok ng academy kaya sumunod na rin ako at si Carl kasabay ang namamanghang si Dennis.


"Wow." Tanging nausal ni Dennis. "Andami nang pinagbago."


"Welcome back lil' brother."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon