Chapter 3 : Bad Image

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko masyadong makita yung mukha nung tinignan nila eh. Pero parang familiar siya.

"What? He surpasses Summer? Sino ba yang nerd na yan at natalo si Sam?"

Sam? Sam pala ang name ni Ms. Achiever. At grabe naman maka-nerd itong isang ito. Porke ba natalo ko ang top 1 nila nerd na ako? Baka naman kasi nerd din ang top 1 nila.

"Well, class.. I would like to introduce to you all Mr. Nathan Fortich.."

Tinawag na ako ni Ma’am Arcie kaya pumasok na din ako.

"kyaaaaaaahh......"

Nagtilian ang mga taga-section 1. Para namang nakakita ng artista ang mga ito.

"Good Morning Everyone! I'm Nathan, and I hope all of you could help me adjust in this new class. Thank you"

Pagpapakilala ko sa kanila. At malamang bigyan ako ng special treatment ng mga taga-section1 dahil isa akong Fortich. Ganun din kasi ang nangyari sa akin sa section 3 eh. 

"And as you heard, he's a Fortich.. So you all know that he's the son of our School Director, Mr. Richard Fortich.. Mr. Fortich here is a transferee from New York.."

Yan ang pinakadahilan kung bakit lagi na lang may special treatment sa akin sa school na ito.

"Mr. Fortich, you could take the seat at the back of Ms. Castillon"

At bigla ulit naglingunan sa direksyon kung saan sila naglingunan kanina nung nalaman nilang natalo ko ang top 1 nila. So, si Ms. Castillon pala si Sam. 

"Are you Ms. Castillon?"

Tanong ko dun sa babae. Nakayuko siya at nagbabasa ng libro.

"Yes?...."

At nagulat ako nung makita ko ang mukha niya pagka-angat nito. Siya yung babaeng nakabunggo ko kanina. Oo nga pala sabi ko kanina sa sarili ko na magso-sorry ako sa susunod na makikita ko siya. 

"I asked if you're Ms. Castillon

Tanong ko ulit kasi mukhang nagulat din siya. Magso-sorry na din ba ako ngayon?

"Yes, I'm Summer Castillon. Nice to meet you Mr. Fortich.

Summer pala ang fullname niya. Nagdadalawang isip ako kung aabutin ko yung kamay niya. Kaso nahiya ako kaya nagpunta na ako sa likod niya at umupo.

"Sinupladuhan lang niya si Summer?

Yan, mukhang tatatak na sa isip nila na suplado ako. Hindi naman ako suplado, kaso nahiya lang talaga ako abutin yung kamay niya. Kasi naman nakangiti pa siya sa akin kahit alam niya na ako yung nakabunggo niya kanina na iniwan lang siya dun.

"ayos lang yun Abbie.

Napakabait naman niya. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ng classmates niya. Sana hindi niya din ako pag-isipan ng masama. Ayoko magkaroon ng bad image.

 "Ma'am Arcie bakit sa likod pa ni Summer mo siya pinaupo? Pwede naman sa iba na lang. Pwede naman dito in between namin ni Andrew."

Rinig kong sabi ng isang taga-section1. At paglingon ko kung sino yun, si Lyka pala at si Andrew, childhood friends ko. Nalimutan kong section 1 din pala sila.

"Please Ms. Enchande. I decided na dun uupo si Mr. Fortich."

Kaso hindi pumayag si Ma’am Arcie na lumipat ako dun sa kanila

Eccedentesiast's Heart [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon