"Yes Cara, I landed safely. Wag ka ng paranoid diyan. Didiretso ako sa condo ni Vince, Issurprise ko siya."
Kakalapag lang ng plane ko sa NAIA galing London. Buti na lang pinayagan ako sa work na kahit 1 year pa lang dun ay makapagbakasyon na ako agad dito ng 2 weeks.
Tama lang yun 'cause I deserved a break. God knows gaano ako kafocus sa work. I give out all my best on my job.
I can say I'm a perfectionist when it comes to my job and it works for me, and they like it. Besides, I got a lot of money because of it, so I could not ask for more.
Sakto pa pala dahil birthday ng boyfriend ko, isusuprise ko siya. Sobrang excited ko halos masira na yung maleta ko kakamadali ko. Ang dami ko pang dalang balikbayan boxes for their pasalubong. Pasalubong for my family and his. Na over baggage na nga ako dito, magkano rin yun. Nako!
"Asus Alex baka ikaw masurprise a. Tibay mo rin isang linggo ka na atang hindi tinetext, hindi ka parin galit at may gana ka pang manurprise haha baliw na talaga" pangungutya ng kaibigan ko. Napa-tsk lang ako. Hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.
"Ikaw. Ikaw! Hindi ko talaga alam kung kaibigan kita e"
"Sorry na bes. I just don't want you to get hurt. Sabi ko sayo hiwalayan mo na yan e" Hindi niya ko talaga titigilan sa hiwalayan topic e.
"Ano ka ba Cara? Hindi ko sasayangin yung nine years naming relasyon dahil sa LDR"
"I know Alex pero Kahit naman hindi kayo LDR, hindi parin kayo okay. Hindi naman kayo masaya. What's the sense of being together if you're not happy anymore. sige nga?"
Napahawak na lang ako sa gilid ng ulo ko, sumasakit ito dahil kay Cara. Napakawalang suporta sakin at nakakadepress lang ang pinagsasabe. Ayoko na lang isipin. Labas tenga na lang. I won't be affected, not today Alex.
"Taxi!.. Cara, andiyan niya yung Taxi. I got to go, I'll call you later. Bye!" Nagmadali na ko, baka maunahan pa ko sa Taxi.
Nagpahatid muna ko sa mall pero since ang dami kong dalang gamit, I asked Kuya Taxi driver to wait for me. Dadadagdan ko na lang ang bayad.
Dumiretso na ko sa mall at bumile ng cake para kay Vince. I actually got it all planned out - I didn't tell him na uuwi ako ng Pinas. What I'll do is I'll go to his place to surprise him. He has a condo which I got him last last year for his birthday. I knew nasa bahay lang yun kasi nakafix naman na Saturday-Sunday off nun.
God! I missed him so much, sana namiss niya din ako. I'm thinking baka masyadong busy yun sa work niya cause they have a new project daw kaya hindi ako naaupdate.
I convinced myself again to understand him kahit na deep inside, nasasaktan akong hindi niya ko makamusta ng kahit isang beses lang sa isang araw. Ano man lang yun magtext ng goodmorning, kaen ka na and goodnight just to show me that he still cares. But oh well, it's his day, hindi ako dapat magdrama. I erased all the thoughts and bumalik na sa Taxi.
"Thank you sa paghintay Kuya, pahatid po sa Prince Palace Condo" Utos ko kay Kuya driver pagsakay na pagsakay ko. Tumango lang si Kuya at nagdrive na.
This condo has an excellent customer service. Sinalubong ako ng doorman, opening the taxi door and assisted me with my things. He tried to get the cake to help me but I just raised my hand to refuse, I can manage. Nagpatulong na lang ako sa mga bagahe ko sa compartment ng sasakyan. Agad namang tinulungan siya ng bell boy to gather my things.
"Hi Ma'am Goodmorning! Welcome to Prince Palance! How may I help you?" Energetic na bati ni ateng receptionist. She looks younger than me, she's pretty, maputi, chinita with braces, and matangkad, I wonder kung nagmomodel din siya.
YOU ARE READING
The broken one
RomancePaano ba ang magmahal? How could you make yourself love someone again kung paulit ulit ka ng nasaktan? Are you willing to take a risk? (WARNING:There are some mature contents on some of the chapters, please be aware)
