Lumayo muna kami ni Mingay kay Ms. Ange at nag-usap.

"Ano bessy? Kunin ko ba itong offer?"

"Kunin mo na girl sayang 'yan! Huwag ka maniwala doon sa Shane na 'yon. Takot lang sayo 'yon kasi mas magaling ka sa kanya," sagot ni Mingay.

Kalahati ng diwa ko gustong maniwala kay Shane, at ang kalahati gustong kunin ang pagkakataon. Ang hirap at 'di talaga ako makapag desisyon.

Bumalik kami sa table kung saan naroon si Ms. Ange.

"Uhm... Ms. Ange?"

"Yes Dear?"

"Pwede po ba na pag-isipan ko muna ang alok niyo? Gusto ko po'ng sumali, kaya lang may personal po akong problema ngayon na kailangan ko munang ayusin," hindi ako makatingin nakakahiya kasi.

"That's fine, hija. Whatever it is sana maayos mo agad," sagot ni Ms. Ange at iniabot niya sa akin ang isang calling card. "Here's my number. If ever you have decided to work with me, tawagan mo lang ako."

Pag-uwi ko sa bahay, pinag-isipan ko'ng maigi kung ano ang aking pipiliin.

Maniniwala ba ako kay Shane? O gagawin ko ang gusto ko?

Tinignan ko ang phone ko at ang picture ni Shane dito.

"Kung pinoprotektahan mo ako, bakit hindi mo man lang pinaliwanag ang lahat sa akin?! Bakit kailangan mo'ng mag kunwari na hindi mo ako kilala?! Bakit hindi mo man lang ako tinext, tinawagan, or kahit sulat man lang?!" Sambit ko habang tinitignan ...

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

"Kung pinoprotektahan mo ako, bakit hindi mo man lang pinaliwanag ang lahat sa akin?! Bakit kailangan mo'ng mag kunwari na hindi mo ako kilala?! Bakit hindi mo man lang ako tinext, tinawagan, or kahit sulat man lang?!" Sambit ko habang tinitignan ang litrato niyang napaka-gwapo.

Bigla namang kumatok si Papa sa kwarto ko.

"Valeng anak! Matulog ka na. Dalang dala ka naman diyan sa Wattpad na 'yan a!"

"Oo na, Pa! Matutulog na po!"

Makatulog na nga lang. Bukas na lang ako mag dedesisyon.

Kinabukasan... Desidido na ako. Bahala ka sa buhay mo, Shane. Basta ako, big break na sa akin ito!

Tinawagan ko si Ms. Ange at tinanggap ang offer niya na mapabilang sa kanyang all-female pop group. Nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho ko sa Bar ni Ms. CJ.

Wala si Ms. CJ ng araw na iyon dahil inaasikaso niya ang bago nilang branch ng Café Bar, kaya sa kakambal niya na si Elaine ako nagpaalam na ako'y aalis na at magiging member na ako ng isang grupo.

Iyak naman ng iyak ang best friend kong si Mingay.

"Ano ba 'yan girl? Akala ko naman magiging mag kasama pa rin tayo kahit magiging pop idol ka na, 'yon pala kailangan mo umalis dito."

"Bessy naman! Magkikita pa rin tayo. Promise 'yan!" Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Kapag inaway ka ng Shane na 'yon sabihin mo sa akin ah, or kahit sino umayaw say'o ako re-resbak!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now