CHAPTER FORTY SIX

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumayo na siya at nagpapag. Nauna ng maglakad si Phoebe at sinabing;

"Ako na ang tatawag sa kanila."

Tumango na lang siya.

May kalakihan na ang tiyan niya kahit na apat na buwan pa lamang ito. Medyo nahihirapan siyang maglakad-lakad dahil madaling mangalay ang katawan niya. Lalo na kapag sumapit ang last trimester ng pagbubuntis niya. Mas mahihirapan siyang maglakad dahil sa bigat ng tiyan niya.

Ganito rin naman siya dati noong ipinagbuntis niya ang kambal. Naranasan niya ng magbuntis ng kambal kaya hindi na bago sa kanya ang feeling. At batay sa pandama niya ay magiging malusog rin ang mga anak nilang nasa sinapupunan niya.

"Mommy!!"

Napalingon siya bigla sa mga anak niyang nagtatakbuhan papalapit sa kanya. Nang makarating ito sa kinaruroon niya ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

Naamoy niya ang natural na bango ng mga ito. Nanggigil na hinalikan niya ang magkabilang pisngi ng kambal.

Nakakagigil ang amoy ng mga anak niya. Malambot sa pakiramdam at masarap amuy-amoyin.

"Hmmm... ang bango-bango talaga ng mga baby ko." masayang wika niya.

Lumayo ang dalawa sa kanya at gumilid na lang sa magkabilang beywang niya.

"Mommy, naiipit ang mga baby bunso namin." angal ni Damon.

Natawa naman siya. Haay... ang mga over-protective na baby kuya.

"Ohhh... I'm sorry." hinging patawad niya sa mga ito.

Muli siyang naupo at pinunasan ang mga noo at likod ng mga ito. Mabuti na lang at maaga pa kaya hindi masyadong napawisan ang mga ito.

"Mommy tumawag na po ba si daddy?" tanong ni Demon habang pinupunasan niya ito ng pawis.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Heto na naman at tinatanong na naman siya ng mga ito tungkol sa kanilang daddy.

Napabuntong-hininga tuloy siya.

"Hindi pa Dee. Pero malay niyo mamaya ay tumawag siya."

Masama mang magpaasa pero iyon lang ang pinaka-magandang sabihin sa ganitong sitwasyon.

Nagulat siya ng magtubig ang mata ng anak. Naiiyak ang mga asul na mata nito. Hinigpitan niya ang pagyakap rito saka tinanong.

"Oh ba't iiyak ka? Bahala ka kapag umiyak ka baka lalong hindi na tumawag si daddy."

"But I miss him. I'm sad kasi hindi siya nag-call palagi." malungkot na wika nito.

Kahit naman siya ay miss na rin ito. Pero ano bang magagawa niya? Ni hindi niya nga ma-contact ang kahit na sino sa mga kasama nito. Wala na siyang magagawa kung hindi ang umasa na magagawa ni Timothy na tawagan sila.

"Daddy will going to call us, 'di ba mommy? Busy lang siya kaya hindi siya nakakatawag. Pero dahil christmas naman ay tatawag din siya mamaya. Don't cry na Dee." pilit na pinasasaya ni Damon ang kakambal.

Pero mukhang labis na namimiss ni Demon ang ama. Hindi ito mapasaya ni Damon.

"Mommy... I want to be with daddy na."

Niyakap niya na lang ang mga ito. Taimtim siyang nanalangin na sana ay ipagkaloob ng Diyos ang kagustuhan ng dalawa. Kahit ang makausap lamang ito ay magiging maligaya na sila. Ito lang ang hinihiling nila ngayong pasko. Sana naman ay mapagbigyan sila.


















SUMAPIT ang ika-lima ng hapon. Dahil disyembre na ay maagang naghahanda ang araw para sa paglubog nito. Sumaboy na sa dagat ang kulay kahel na kulay nito. At kinakain na rin ng dilim ang ilang bahagi ng kalangitan. Unti-unti nang sumisilip ang mga mumunting bituin.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon