Phase 03 (Writing Chapters 1-3) Results

518 31 23
                                    

Magandang araw!

Mula sa apatnapu't lima (45) na kwentong nakapasa sa Phase 02, may tatlumpu't tatlo (33) na magpapatuloy sa pagsusulat hanggang sa kawakasan ng kanilang mga kwento. 

| DETALYE:

1. Isusulat ng mga nakapasa ang kabuuan ng kanilang mga kwento hanggang sa WAKAS o EPILOGO (kung mayroon), sa itinakdang deadline (i-check ang email para sa deadline).

2. Ia-upload ang mga parts o kabanata ng inyong maikling nobela sa inyong Wattpad Account at ide-dedicate ang unang bahagi sa Writing War. I-dedicate ang ikalawang bahagi kay TheCatWhoDoesntMeow. Kung naka-mobile at hindi makapag-dedicate, i-mention sa comment sa unang bahagi ang Writing War. I-mention sa comment ng ikalawang bahagi si TheCatWhoDoesntMeow. Consider this done, kapag nailagay na ang inyong maikling nobela sa Reading List ng Writing War 1.

3. Ang kabuuang bilang ng mga salita ng inyong maikling nobela ay hindi dapat na lumampas sa 12,000 para sa pinakamababa at 20,000 naman para sa pinakamataas. Hindi kasali sa bilang ang pamagat ng maikling nobela, pamagat ng mga kabanata (kung mayroon), author's note (kung mayroon), footnotes (kung mayroon), glossary (kung mayroon), disclaimer (kung mayroon), at iba pa.

Sa huling pahina ng inyong kwento, pagkatapos ng salitang wakas, i-fill-up ang mga sumusunod:
TOTAL WORD COUNT :
DATE COMPLETED : 

4. Kung kumpleto at tapos na ang inyong maikling nobela, i-email sa ating email thread ang link ng inyong nobela. Pagka-email ninyo, hindi muna maaaring mag-edit ng anumang parte sa inyong nobela na nasa wattpad. KAYA SIGURUHING NAIWASTO NA NINYO ANG MGA DAPAT IWASTO BAGO I-EMAIL SA AKIN ANG LINK NG INYONG MAIKLING NOBELA.

PAALAALA : May dagdag na puntos ang mga nobelang masinop ang pagkakasulat.

| ANO ANG MANGYAYARI PAGKATAPOS NINYONG MAIPASA ANG KUMPLETONG ISTORYA?

Dadaan sa evaluation ang inyong mga kwento. May limang judges para sa evaluation nito. Mula sa 33 na kwento, kung lahat ay makapagpapasa ng kumpletong maikling nobela, maglalabas kami ng listahan ng sampung pinakanatatanging nobela. Mula sa Final 10, pipiliin ang mga magwawagi.

MAAARI BANG HUMINGI NG REVIEW PARA SA INYONG MAIKLING NOBELA?

Maaari. Titiyempuhan ko lang sa schedule ko. Nag-iisip din ako ng paraan kung paanong makapagbibigay ng kritisismo nang harapan. Pwedeng by group of 5 o group of 10, kung willing kayo. Casual meet-up lang. Kahit kapehan mode lang. Kasi, mas madali yun. Mas magkakaintindihan tayo at mas maipapaliwanag ko nang maayos ang mga pagkukulang ng kwento o ang mga sa tingin ko ay dapat pagtuunan ng pansin sa pagsusulat. 

BIBIGYAN BA NG REVIEW IYONG MGA HINDI PUMASA SA PHASE 3?

MAAARI PO. Mag-email lang kayo at i-schedule ko. Pero ito ay malamang na naka-voice file dahil kapos ang oras ko para mag-type. Again, mas type ko rin magbigay ng kritisismo nang harapan. I'll work this out, if you are willing to meet with me. Casual meet-up lang. Tanungan at review, ganern.

MAGKAKAROON BA NG ONLINE CLASS PARA SA PAGSULAT?

MAGKAKAROON. Actually, sa January 29 na iyon. Hindi pa lang pulido ang detalye dahil kakausapin ko pa ang kasama ko para doon. Pero preferably ay via youtube yun. Podcast. Date pa lang ang nakataga sa bato.

MAGKAKAROON PA PO BA NG KASUNOD NA WRITING WAR CONTEST?

OO. Short story naman. Pagkatapos lang din agad nitong unang Writing War.

...... At hanggang dito na lang muna.

Muli, sulat lang nang sulat! ^________^

Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon