Phase 02 (Writing your Chapter 1) Results

502 26 11
                                    

Magandang araw! 

Mula sa walumpu't anim (86) na Teaser na nakapasa sa Phase 01, apatnapu't lima (45) ang nakapasa para sa Phase 02 o ang pagsulat sa unang kabanata. 

Muli, magkakaiba ang deadline na ibinigay para sa pagpapasa ng hanggang Chapter 3 ng kwento. Sa ngayon, hindi pa kami makapagbibigay ng feedback o resulta sa Phase 03 dahil sa pag-aasikaso ng papalapit na Writing Class ng Writing War. 

Kaugnay nito, inaanyayahan namin ang lahat ng interesado na dumalo sa darating na Writing Class ng Writing War sa Wattpad Philippines Community Bazaar. 

Narito ang mga detalye para sa hindi mailo-load ang media :

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narito ang mga detalye para sa hindi mailo-load ang media :

Ano : FREE WRITING CLASS at the Wattpad Bazaar

Kailan : December 10, 2016 (Sabado), ika-2 ng hapon

Saan : Function Hall, AIC Gold Tower, Ortigas

Mga speakers : TheCatWhoDoesntMeow at Jhing Bautista

***

ANO ANG TATALAKAYIN SA WRITING CLASS?

Tatalakayin ang:

Pagsulat ng maikling nobela (Jhing Bautista)

Writing Voice, Writing Styles, and Where to Find them (TheCatWhoDoesntMeow)

ANO ANG MGA DAPAT DALHIN?

- 50 PESOS dahil may entrance fee ang Wattpad Bazaar kung nasaan ang Writing Class.

- Notebook at bolpen kung balak mag-take note. Bilis ng daliri kung balak mag-type sa cellphone. Laptop kung yayamanin.

- PASENSIYA, GININTUANG PUSO, at KABUTIHANG-LOOB sa dami ng taong inaasahang darating.

ILANG KONSIDERASYON :

1. Magdala ng VALID ID para makapasok sa venue. Residential building kasi ang AIC Gold Tower.

2. Maaaring sa dami ng tao ay tumayo lamang ang mga makikinig sa Writing Class o sumalampak sa sahig. Maging mandirigma sa araw na ito.

***

DAGDAG NA CONCERNS

Wala po bang klase na online para sa mga nasa malayo?

Nagpaplano po ako ng isang klase na maaaring gawin online. Pero sa ngayon, ang option namin ay naka-facebook live. Ibig sabihin, kailangan ng matinong internet connection para makapagbalitaktakan tayo. 

Pakihintay na lamang ng announcement sakaling ma-finalize na namin ito.

***

ATBP.

Maaari na bang i-post ang inyong akda sa wattpad?

Maaari po. Pag-aari pa rin naman ninyo ang inyong akda, pumasa man ito o hindi sa Writing War. ^_^


Writing War 01 (Short Novel Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon