III

79 3 0
                                    

▪▪▪


KAITO offered his hand to Mr. Arevalo ng matapos ang meeting nila. They decided to have lunch to talk about some matters sa pag iinvest nito sa isa sa mga businesses nila. He doesn't want to be rude pero kanina pa syang kating kating tapusin ang pag uusap nila para makauwi na. Gusto nyang umuwi sa bahay nila, sa orihinal na bahay ng pamilya nya.

Hindi ganoon kaganda ang araw nya kaya marahil ay hinahanap nya ang kalinga ng ina. For the past three years, the loving arms of her mother comforted her kapag hindi na nya kinakaya ang sakit. And he's not ashamed to admit the he is a Mama's boy. Kahit naman si Markos na kapatid lamang nya sa ama, ay gayun na lamang din makapaglambing sa mama nya. Maybe because her mother has a kind heart, at tinanggap ng buong buo kung anoman ang naging kasalanan ng Papa nya. At iyon ata ang hindi nya namana sa ina, hindi sya madaling magpatawad. Imposible ata iyon. Hindi sya naniniwala na kaya pang maibalik at maayos ang mga bagay sa dati nitong sistema. Oras kasi na mabuwag ang tiwala nya, talagang hindi na naibabalik pa iyon.

"Cancel all my appointments, tell them na nagka emergency." Paalam nya sa sekretarya bago tuluyang nilisan ang opisina. He needs a break. Hindi nya alam kung bakit ganito na lamang sya kabalisa. No way that he's affected with Ayanna's presence. Damn it! Nagawa namang manahimik ng sistema nya sa loob ng halos isang taon, but now, dahil lang sa nagbalik ang babaeng yun?!

Pinaharurot nya ang kotse nya at dinial ang number sa bahay nila, he needs to know something.

"Oh, Ito?" Nanay Pasing answered the phone. Tss. What is he expecting, na boses ng babaeng yun ang maririnig nya?

"Nay Pasing." He addressed at pumreno, the traffic light turned red.

"Wag nyo na po akong ipagluto ng hapunan, papunta na po ako kina Mama." Paliwanag nya. Namimiss na rin nya ang luto ng ina, baka kapag natikman nya ulit ang mga iyon, kumalma sya.

"G-anon ba? Oh sige Ito, mag ingat ka." Bumuntong hininga ang matanda na syang ipinagkibit balikat na lamang nya. Marahil ay pagod lamang ito sa gawaing bahay. Nanay Pasing is 75 years old pero malakas pa rin ito, siguro ay kailangan nyang pagbakasyunin muna ito. Kaya na naman nya ang sarili nya, or he could hire a new maid na titingin tingin sa bahay habang wala sya.

He sighed at tumawag naman sa bahay nila para ipaalam na papunta na sya. He needs this.

Napasubsob na lang sa lamesa si AYANNA habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain sa harapan nya. Pinaghirapan nyang lutuin ang mga iyon para sana surpresahin si Kaito. Pero nanlumo sya ng tumawag ito para ipaalam na uuwi ito sa bahay ng pamilya para doon maghapunan.

"Naku, ano ka ba Aya 'wag ka ng malungkot, uubusin natin ang lahat ng iyan." Hinagod ng matanda ang likuran nya at sinubukang pagaanin ang loob nya, pero wala iyong epekto. Gusto nyang umiyak pero ayaw nya namang magmukhang desperada sa harapan ni Nanay Pasing. Isa pa, hindi naman sinadya ni Kaito na hindi doon maghapunan, baka talagang may usapan ang mag ina, at sya itong wrong timing magluto.

Pero iniisip pa lang nya na masasayang ang napakaraming pagkain, ay nawawalan na sya ng gana. Noong sila pa ni Kaito, lagi sya nitong inaasar tungkol sa kakayahan nya sa pagluluto. Ang alam nya lang kasi ay pagpiprito, at ngayong marunong na syang magluto ng iba't ibang putahe, saka naman naging ganito ang sitwasyon.

Napabuntong hininga na lang sya at kumuha ng plato at nilagyan iyon ng lahat ng putaheng nakahain.

"Nay, bigay ko lang po ito kay Manong Guard." Marahang tumango ang matanda kaya tinungo nya ang labas para maibigay iyon sa gwardya. She call this effort, kahit sa totoo lang eh sinusubukan nyang magpalakas sa gwardya para kung sakali mang ipagtabuyan sya ni Kaito ay mapaki usapan nya ito.

Fool Me OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon