II

118 2 0
                                    

▪▪▪

AYANNA woke up with a hard pang on her head. Iniikot nya ang tingin at doon lamang nya napagtantong talagang wala na sya sa lugar na yun. She did realized that she's not wearing her muddy dress anymore. Nakasuot na sya ng ternuhang pantulog. And there's a blanket that covers her body. Nag isang linya ang kilay nya, where is she?

Kinapa kapa nya ang noo at kinuha ang puting tuwalyang nakapatong doon. If she's not dreaming, she's in Kaito's house right? Unti unting pumorma ang mumunting ngiti sa labi nya. He took care of her. Hindi rin pala sya nito natiis. But wait-- did he undressed her? Oh my... Natuptop nya ang sariling bibig at nailing. Pero wala namang iba diba?

"Oh hija gising ka na pala. Heto, may dala akong sopas, kailangan mong kumain." From a certain room appeared an old woman. Manang Pasing. Kilala nya ito dahil dating Mayordoma ng mga Montecillo si Manang Pasing. Umayos sya ng upo ng ilapag ng matanda ang dala nitong tray sa harap nya. May nakalagay na roong isang mangkok ng sopas, isang basong tubig at paracetamol.

"Salamat po." Nginitian sya ng matanda at naupo sa harap nya. Tinikman nya ang sopas at agad syang napangiti, gaya pa rin ng dati, masarap pa ring magluto ang matanda.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong pa nito na may giliw sa mga mata.

"Ayos na po ako." Lagnat lang naman iyon dahil sa pagkababad nya sa ulan. Ng makapasok kasi si Kaito ay tuluyan na rin syang pinalabas ng guard. And it's true na wala syang mapupuntahan, kaya wala syang nagawa kundi dun na lang magpalipas ng gabi.

"S-si Kai po?" Is it okay to call him Kai? It is right? Wala naman sya rito. Parang may kung anong pumiga sa puso nya. Kai isn't Kai anymore. Kita nya kung paano binalot ng yelo ang mga mata nito nang makita sya sa bahay nya. Natakot sya, talagang natakot sya. He's not the same Kaito Montecillo that she used to know. At alam nya kung bakit.

"Pababa na rin yun, may trabaho kasi." Sagot ng matanda bago nagpaalam na babalik sa kusina. She sighed. Hindi man lang nya natanong kung nag alala man lang ba ito kagabi, o napuyat dahil inalagaan sya. She shook her head harshly. Imposible. Base sa ikinikilos nito at maaanghang na salita na binitiwan nito sa kanya, wala na itong pakialam pa. Pero hindi naman masamang hindi sumuko diba? She's here to explain, at baka pagkatapos nun, maintindihan sya ni Kaito. Baka, baka sakaling mahalin sya ulit nito. Is that too much to ask?


Halos nangangalahati na sya sa pagkain nya ng makarinig naman sya ng yabag pababa. Kahoy kasi ang hagdan ng bahay kaya kung may bababa man, talagang maririnig iyon sa kabahayan. And that's Kaito for sure.

Agad nyang inilapag ang mangkok ng sopas at inayos ang sarili nya. Hindi dapat sya magmukhang basura. Gusto nyang pagkakita sa kanya ni Kaito eh ngitian sya nito gaya ng dati.

At hindi nga sya nagkamali. Pababa si Kaito ng hagdan habang inaayos nito ang suot na kurbata. Magkasalubong ang makakapal at maiitim na kilay, nakakunot ang noo, at magulo ang buhok.

Kai... She shook her head. Hindi ito ang oras para magpantasya, pero talaga namang hindi nya mapigilan ang pagsinghap sa ayos ng binata. Suot nito ang isang kulay itim na suit at basa pa ang buhok. Para syang isang Greek God na kasalukuyang bumababa sa kaharian ng Olympus. Kaito, his Kai...

"G-ood morning." Hindi nya nga alam kung bakit ba sya nauutal. Siguro'y dahil sa kaba. In front of him is a Montecillo, kaya marahil, marahil normal lang ang nararamdaman nya. But this Montecillo, used to love him. Used to...

Mula sa maaliwalas na itsura nito kanina, naging madilim ito at kakilakilabot nang pukulan sya nito ng tingin. Kung may isang emosyon mang nangingibabaw, malinaw pa sa sikat ng araw ang galit nito.

Fool Me OnceΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα