Chapter 7: Meet the Most Special Girls in My Life

Start from the beginning
                                    

“Ahahahaha! Ano ulit pangalan mo? PRIMITIVO?!!!? HAHAHAHAHA! Ayos ha! Kaya pala Ivo eh, hahahaha!” malutong na tawa naman nitong babaeng to. Kaya pati yung magkapatid tumatawa na din. Nakakainis!!! Sana pwede na lang pumili ng pangalan! Sila mom naman kasi! Asar!!! AAAARRRRGGGGG!!!

Imbes na ok yung pagpapakilala ko sa kanila, hindi tuloy!

------------------------------------------------------------------------------

Ana’s POV

Feeling ko ang init pa din ng mga pisngi ko kahit nakatayo na kami ni Ivo. Nahiya tuloy ako dito sa batang to na sumungaw bigla sa pintuan.

Hinila niya ako at may ibinulong. “Ate, alam mo bang ikaw ang first kiss ni kuya? 18 years old nay an, pero ikaw pa lang hinalikan. Hahaha.” Natawa naman ako sa sinabi ng batang to. Kaya binulungan ko din siya, “Wag mo sabihin kay kuya ha, siya din kasi first kiss ko. Kaw ha bata ka pa, di ka dapat nakakakita ng mga adult scenes.” Tumawa tuloy kami lalo.

“E-HEEEEEM!” tsaka pa lang naming pinansin si Ivo sa malakas niyang pag-ehem. “Kuya, it seems like you have phlegm. We woudn’t mind kung lumabas ka muna at ilabas ang virus mo.” Then we both laughed at nag-high five pa kami. Pagkatapos nun ay hinila na ako ng batang to palabas.

“Ate, do you know how to cook? Please cook for me, gutom na ko eh. Tsaka pwedeng tabi tayo mamaya matulog? Di ko kasi katabi si Yome.” Nakakatuwa naman ang batang to. “Oo naman, sige tabi tayo mamayang pagtulog. Pero sino si Yome?” tanong ko sa kanya? “Ayan po si Yome papasok nang bahay.” Pagtingin ko sa labas ay nakita ko ang isang bata na kamukhang kamukha ng batang to. Kapatid niya siguro. Ang pagkakaiba lang nila ay yung ilong nila. Medyo mas matangos si Yome.

“Teka, ano nga pala ulet ang pangalan mo?” tanong ko ulet sa kanya. “Ah, Jane po ate. Ikaw?” sagot niya naman. “Ana, ako si ate Ana” tapos ngumiti ako sa kanya.”Wow, nice name.” sabi niya. Sinalubong niya ang kapatid niya. Ako naman ay dumiretso sa kusina para magluto. Gumawa ako ng isa sa mga pinakamasarap kong luto—ang Sinigang de Pilipinas. Masarap yun ha. Mapakaen nga tong mga batang to at yung kuya nilang magaling, pagluluto lang di pa alam.

Nakasalang na ako nang umupo ako sa tabi ng dalawang bata at nagpapaturo sa kanilang assignments. Madali ko naming nakapalagayang loob ang dalawa kaya ok ag magkakavibes kami.

Pagkatapos non ay nakita ko si Ivo pababa sa hagdan. Dumiretso siya at umupo sa upuan paharap sa amin.

“Ana, I know kilala mo na ang mga kapatid ko but let me introduce them to you formally. This is Constancia Jane, ang second child at first daughter nila mama 10 years old. Though siya ang mas matanda sa kanilang dalawa, mas matanda ang isip nitong si Concepcion Mae, 8 years old. Pero pareho silang maganda sa paningin ko dahil dalawa sila sa tatlong babaeng importante sa buhay ko.” Pagpapakilala niya sa kanila. Pagkatapos nun ay tumakbo ang dalawa at kumandong sa kuya nila.

“AND THIS OUR KUYA, PRIMITIVO PELANO! OUR CUTEST KUYA EVER!!!” sabay pa nilang sabi. Pagkatapos non ay tumakbo sila at nagpunta sa likod ko. Tumatawa. Ako din natawa sa mga kalokohan nila.

“Jane! Mae! Di ba sabi ni kuya wag sabihin ang buong name niya?” medyo galit na bulyaw ng halimaw.

Tumawa lang sila at di nila napansin ang kuya nila. Ako din ay natawa, hindi sa kanilang mga asal pero dahilsa pangalan ni Ivo.

“Ahahahaha! Ano ulit pangalan mo? PRIMITIVO?!!!? HAHAHAHAHA! Ayos ha! Kaya pala Ivo eh, hahahaha!” pambubuska ko sa kanya. Nakakatawa nga naman kasi. Akalain mo, yung ganyang itsura, wala palang kasingluma at kasing bantot ng pangalan. Hahahaha.

Naamoy ko na ang niluluto ko at mukhang kumukulo na. Kaya iniwan ko muna sila at inasikaso iyon. Nakakainggit naman silang tignan. Ang saya siguro nang may kapatid. </3

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Where stories live. Discover now