Oeuvre 145

2K 101 4
                                    

           

Oeuvre 145

Itinulak ni Redder si Div Umbra sa sandaling bumuti na ang kanyang pakiramdam.

"Aalis na ako. Malapit nang magising si Blair," pamimitawan ni Redder sabay talikod. Sa pagkakataong iyon ay naglaho na lamang ito.

Naupo si Div Umbra sa mahabang upuan, sa paahan ni Blair. Binuklat niya ang kanyang palad. May mangilang pulang buhok ang naroroon. Salubong ang kanyang kilay habang matamang nakatitig doon.

"Hindi ko dapat ito ginagawa. Nakakainis," iritableng sabi ni Div Umbra sa sarili. Kanina habang nagkalaoit sila ng payaso, naisipan na lamang niya na kumuha ng hibla ng buhok nito.

"Ganoon talaga, mahal na Diablo. Minsan kailangang isakripisyo ang kaunting pride." Nagsalita si Eros na biglang bumangon mula sa kanyang kinahihigaan. Bumalik siya sa kanyang upuan at isinandal ang isang hita sa armrest.

"At bigla ka na lamang babangon riyan na parang walang nangyari?!" Inis na tanong ni Div Umbra. "Muntik nang mapahamak si Belial dahil sa kalokohan mo!"

Natawa si Eros. "Akala ko ay titingnan mo ang nangyari bilang paghingi ko nga pabor mula sa iyo? Ah... hindi mo man lang ba itatanong kung ayos lang ako?" Naghintay sa wala si Eros dahil hindi sinagot ni Div Umbra ang tanong.

Hinawakan ni Eros ang sariling mga balikat. "Ilang gabi akong nakaranas ng bangungot na hindi dapat nangyayari dahil kahit kailan ay hindi na ako puwedeng matulog. Hindi ako makagalaw at hindi makahinga sa sarili kong espasyo. Doon ko na nga naisip na mayroong entity na may balak manghimasok sa aking teritoryo." Taimtim siyang bumaling kay Div Umbra. "Sa mga nakikita ko sa iyo nitong nakaraan, tila nawalan ka na ng gana sa buhay. Humina rin ang loob ko at nagtagumpay ang entity na mapasok ang aking isip. Malaking perwisyo ang iniwan niya. Pinagbitiw niya ako sa aking pagiging Konde. Hay."

Hindi nakatiis, tumayo sa kinauupuan si Div Umbra at lumapit kay Eros. Siya ang nagbaba ng hita nitong nasa armrest.

Padabog na isinaboy ni Div Umbra ang ilang piraso ng pulang buhok kay Eros ngunit nang tingnan ang mga iyon ni Eros, ay nagsilutangan sa ere. "Nakarating sa kaalalaman ko ang tungkol sa isang Prevodilac. Nais kong ikaw ang lumapit sa kanya at ipakain mo iyan. Balitaan mo ako pagkatapos."

Marahang sinamsam ni Eros ang mga piraso ng buhok. "Ha. Mag-uutos ka lang, galit ka pa!"

Ang mga Prevodilac ay uri ng mga bampirang nangungulam na mas enhanced ang kapangyarihan. Sa pamamagitan ng pagkain ng mga bagay na puno ng alaala ay nakakapaglakbay sila sa panahon sa isang closed space. Sa pamamagitan naman ng pagkain ng bahagi ng katawan ng isang nilalang ay nagiging kabahagi nila ang parte ng diwa nito at posibleng malaman nila ang kahit na pinakatatagong sikreto pa.

Nangunot ang noo ni Div Umbra. "Wala ka ba'ng nahita mula sa diwa nu'ng isa pang payaso?"

"Ah!" Ani Eros na tila may naalalang mahalagang bagay. "Sa katunayan ay mayroon nga."

"Sabihin mo na."

"Sa totoo lang ay magulo ang kanyang isip ngunit fixated siya na makuha ang katawan ni Redder Black."

Napukaw ang interes ni Div Umbra. "Talaga?" Bakit pa pag iinteresan ng isa pang payaso ang uugod-ugod at nanghihinang katawan ng siraulo ring payaso? Interesante.

Ipinikit ni Eros ang kanyang mga mata. "Naniniwala rin siya na ang dugong nagmumula sa katawan na iyon ay ang pinagmulan ng buong Praragas. Hmm... Mukhang kalokohan," Dudang sabi ni Eros.

May sumagi sa isip ni Div Umbra. Isang gawa-gawang kuwentong-bayan na isinulat pa noon ni Orpheus. Hindi na iyon mababasa pa ng kahit na sino. Ang lahat ng mga isinulat ni Orpheus ay pawang nasa alaala na lamang ng mga nakabasa niyon dahil mayroong sumunog sa koleksyon niya ng mga sulatin.

The Forlorn Madness of Blair BlackKde žijí příběhy. Začni objevovat